Aktres, napikon sa pahiwatig na kulang siya sa ganda

by PEP Troika
Oct 10, 2021
Sino itong aktres na KSG na nagmaganda sa TV hosts?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Noong bagu-bago pa lang ang isang comedienne, biniro siya ng isang beteranong comedian na kesyo mukha itong aswang.

Nasaktan at lumuha ang comedienne, pero agad ding nahimasmasan.

Aba! Ang title role sa pelikulang Aswang (1992) ay si Alma Moreno na tinaguriang Sex Goddess.

Ang title role sa “Mananangggal” episode ng orig na Shake, Rattle & Roll (1984) ay ang maalindog na si Irma Alegre.

Sakdal ganda rin ni Lovi Poe sa bersyon niya ng Aswang (2011).

In-embrace ng comedienne ang gandarang mahiwaga, at hanggang ngayon ay may career pa rin siya.

Beauty is an attitude, 'ika nga.

Meron namang isang chubby-chubby character actress na sunud-sunod noon ang projects sa TV at pelikula.

Nang magbawas ng timbang ang character actress para na rin sa kanyang kalusugan, tumamlay naman ang showbiz career niya.

Anonymous ang nagturan, “Beauty isn’t about having a pretty face. It is about having a pretty mind, a pretty heart, and most importantly a beautiful soul.”

Continue reading below ↓

Ang isang aktres na KSG (kapos sa gorgeousness), makailang ulit na pinaglaruan ng mga stylist sa mga pabolosang pagtitipon.

Nahabag sa aktres na KSG ang isang HMUA (hair & make-up artist) na nagmu-moonlight bilang designer, at ginawa siyang bida sa isang fashion editorial.

Nang mag-guest ang aktres na KSG sa isang TV program kamakailan, halatang napikon siya sa pahiwatig ng dalawang hosts kaugnay sa kanyang… ahh… ganda points.

Talakitok ng aktres na KSG, “Ay! Ay! Ay! Nakakahiya sa yummylicious prettylicious hosts! Super-duper-gandalicious ang hosts dito!”—or something to that effect.

Matalim ang tingin ng aktres na KSG sa dalawang host, as if ngangatngatin niya ang leeg ng mga ito at dudukutin ang puso, atay, balun-balunan at iba pang internal organs.

Kumambyo ang isang host at ang hanash ay something like, “Ateng, wala akong sine-say, ha?! Please don’t be presumptuous!”

Ohjivaaaa?! Ang pananalig ng Chinese philosopher na si Confucius, “Everything has beauty, but not everyone sees it.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Napapansin na raw ng ilang nakatrabaho nitong si aktres na tila may pagka-feelingera na porke’t inlababu siya ngayon?

Kapag katabi raw kasi nito ang guwapitong boypren ay sobrang haba ng hair niya, ramdam ang kahali-halinang face of the year, at balingkinitang katawang lupa.

Sabi ng ilang staff, ibigay na lang sa aktres ang ilusyong iyan. Pero huwag sanang um-over dahil cute naman siya magpatawa at magtaray pa minsan dahil kilala na siya sa karakter niyang may pagka-bargas.

Alam ko, mabait naman siya at marunong makisama, pero ngayong umo-okay uli ang career at inlab pa, baka puwedeng bawas-bawasan daw ang feeling diyosa.

NOEL FERRER

Wala siyang karapatang magmataray o maging loud o magmaganda, dahil mahihiya iyan sa nanay niya na laging nakabantay lagi at alam kong kahit gaano man ang naabot ng anak niya, nananatiling down-to-earth ang nanay niyang ito.

Hindi ko pa nae-encounter muli ang aktres na ito. Alam ko, gusto siyang i-build up ng major film companies nang pumatok ang Kita Kita dahil itinuturing siyang babaeng counterpart ni Empoy. May nag-hit namang siyang small-budget movie. Pero hindi ko alam kung naging premium artist siya by then.

Continue reading below ↓

Parang so-so lang naman, at ang tingin niya sa roles ay trabaho at raket, at wala siyang ilusyon na magiging best actress.

Pero totoo bang umaaktres na siya in real life?

Huwag naman sana.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
PEP Troika blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong aktres na KSG na nagmaganda sa TV hosts?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results