Segment ni Kim Atienza sa 24 Oras, magsisimula na ngayong October 11

by PEP Troika
Oct 11, 2021
Kim Atienza officially begins his stint as a Kapuso via his own segment in 24 Oras titled "Kuya Kim, Ano Na?" this Monday, October 11.

NOEL FERRER

Forty-nine (49) pages ang naging transcript ng napakasayang interview ni Jessica Soho sa aking talent na si Kim Atienza, na winelcome sa GMA Network with an extensive Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) feature.

Binalikan ni Kim ang kanyang dinaanan bilang seminarista, dancer, dubber, fitness enthusiast, hanggang nakilala bilang Kuya Kim sa Animalandia sa Magandang Umaga Pilipinas.

Iyon ang nagbunsod sa kanyang pagiging Matanglawin at weather anchor at Trivia King ng TV Patrol.

Ngayong Oktubre 11, Lunes, ang simula niya bilang Kuya Kim sa 24 Oras, at talaga namang kaabang-abang ang kanyang trivia sa primary newscast ng bansa.

Nakakatuwa ang pag-welcome sa kanya ng GMA reporters at anchors kaya susuklian ito ni Kim ng kahusayan at kabutihan, kasama na ang ibang projects niya tulad ng Dapat Alam Mo na magpa-pilot sa Oktubre 18 bago mag-24 Oras sa GTV at Mars na magte-tape na soon.

Kasabay nito, mapapanood si Karen Davila sa TV Patrol bilang tagahalili kay Kabayan Noli de Castro na tatakbo bilang senador.

Continue reading below ↓

Kaabang-abang din ang kahalili ni Kuya Kim sa TV Patrol na taliwas sa mga naunang report at pagla-lobby ng mga fans, hindi po si Migs Bustos ito.

Exciting ang larangan ng News sa TV, kasi, buhay na buhay ito at maraming galawan—tungo sa ikabubuti at ikararami pa sana ng mga manonood.

GORGY RULA

Sa tingin ko lang, may effort ang GMA-7 na ibang Kuya Kim ang mapanood sa mga programang gagawin niya sa Kapuso network.

Dapat naman talaga, ibang-iba. Pero hindi maiwasang maikumpara ito sa mga ginawa niya sa Kapamilya Network.

Pero magaling si Kuya Kim at, tingin ko, marami pa siyang gagawin.

I'm looking forward na magkaroon sila ng collaboration ng kumpare niyang si Dingdong Dantes, o kaya mag-back to back ang programa niya sa Amazing Earth ng Kapuso Primetime King na consistent ding toprater.

Excited na ako sa "Kuya Kim, Ano Na!"

JERRY OLEA

Naka-17.1% sa AGB-Nielsen ang rating ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Oktubre 10, Linggo, kung saan panauhin si Kuya Kim. Mas mataas ito kesa sa 16.3% rating ng KMJS noong Oktubre 3.

Continue reading below ↓

Kabilang ang resident meteorologist ng GMA News na si Nathaniel Cruz, aka Mang Tani, mga sa nag-welcome kay Kuya Kim bilang bagong Kapuso.

Nagbakasyon lang si Mang Tani sa Melbourne, Australia kung saan nakabase ang kanyang pamilya, pero bahagi pa rin siya ng 24 Oras.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza officially begins his stint as a Kapuso via his own segment in 24 Oras titled "Kuya Kim, Ano Na?" this Monday, October 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results