Baguhang si Claire Castro, nakatikim ng backhand na sampal mula sa beteranang si Gina Alajar

by PEP Troika
Oct 11, 2021
Claire Castro (left) on trending scene with Nagbabagang Luha co-star Gina Alajar: “She apologized po seconds before nag-'action!!' si Direk Ricky [Davao]. But after po, she is sweet to me like how she always is po.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Hindi na bago ang totohanang eksena na ginagawa ng mga artista sa mga drama series.

Pero kung gagawin ng beteranong artista sa isang baguhan, medyo challenging yun at masasabing puntos sa baguhang artista na naisalang kaagad sa mabibigat na eksena.

Na-experience ‘yan ni Claire Castro, na gumaganap bilang si Cielo sa Kapuso afternoon drama series na Nagbabagang Luha.

Isang malakas na backhand na sampal at nasundan pa ng ilang beses na sampal. Sinabunutan, inginudngod sa cake, binuhusan ng tubig, binato, at talagang nasaktan siya sa mga kamay ni Gina Alajar, na gumaganap bilang si Calida Montaire.

Kaagad nag-trending sa Facebook at pinag-usapan sa social media ang eksena pagkatapos itong napanood noong Sabado, Oktubre 9.

Hindi alam ni Claire na ganun katindi ang gagawin sa kanya ni Direk Gina. Pero kinausap daw ng actress-director ang direktor ng Nagbabagang Luha na si Ricky Davao na sasalubungin niya ng backhand na sampal si Claire, dahil ang ibig sabihin daw nun ay sobrang baba na ang tingin sa taong sinampal.

Continue reading below ↓

“Given naman na isang baguhan ang gaganap sa role ni Cielo, and we are so happy na si Claire ang napili.

“Kasi, mabait siyang bata, mahusay makisama sa mga co-stars niya, at gustong matuto.

"Kaya pre-production pa lang, alam ko na makakaeksena ko siya,” pahayag ni Direk Gina, na ipinarating sa amin ng Kapuso PR Girl.

Natawa na lang si Claire nang tinanong namin siya tungkol sa trending nilang eksena ni Gina.

At least, bilang baguhan ay nabinyagan na siya mula sa isa pang napakagaling na aktres at direktor.

“Sobrang antok ko po nung day na yun. I was looking forward to it po para magising!” natatawa niyang pakli.

Kaagad daw nag-sorry si Direk Gina sa kanya pagkatapos nakunan ang eksena nilang iyon.

“She apologized po seconds before nag-'action!!' si Direk Ricky.

“But after po, she is sweet to me like how she always is po,” kuwento ni Claire.

Ang dami raw niyang reaksiyon na natanggap pagkatapos lumabas ang episode na yun noong Sabado.

Continue reading below ↓

“Naawa raw po sila sa iyak ko. Well, ang dad ko po ay triggered, kasi invested po siya sa story. Team Cielo po siya kahit salbahe si Cielo.

“Pero natutuwa po ako, kasi pinaghirapan po namin yun, especially our director. Kasi, siya po ang nag-isip ng blockings namin,” saad ni Claire.

Si Claire ay anak ng dating teen stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Sa tingin ko, bukod sa ganda ng kuwento ay umeepek ang mga ganitong matitinding eksena sa isang panghapong drama series, para magising ang mga manonood sa oras ng siesta.

Kaya sabi nga ni Direk Gina, sa huling dalawang linggo ng Nagbabagang Luha, abangan pa ang mga pasabog at rebelasyon sa seryeng ito.

JERRY OLEA

Natapos ang RitKen series na Ang Dalawang Ikaw, pero hindi pinukaw ang ating pansin ng hitad doon na si Beatrice (Anna Vicente).

Pero si Cielo (Claire Castro), bonggang-bongga ang sampal, sabunot, kaladkad, at ngudngod na nalasap mula sa nagngingitngit na si Calida (Gina Alajar). Trending!

Continue reading below ↓

'Tsura ng sunud-sunod na sampal ni Recruiter (Gong Yoo) kay Seong Gi-hun (Lee Jung-jae) sa Squid Game!

Ang husay ng pagkakalatag ni Direk Ricky Davao. Hayun nga’t tunay ang pagkagulantang ni Maita (Glaiza de Castro) sa eksena.

Sabi ni Direk Gina, lahat sila ay inalalayan si Claire dahil bago pa lang ito pero mabigat na ang role na ipinagkatiwala dito.

“In general, lahat kami, nakaalalay sa kanya because nga baguhan siya. Gusto namin na mag-excel siya sa kanyang first major role,” lahad ni Direk Gina.

“Si Glaiza, sobra ang alalay at suporta kay Claire. Claire had very good support from his co-actors.”

Sabi naman ni Claire, okay lang sa kanyang malinya sa kontrabida role kahit bago pa lang siya.

“I guess po I have a fun time being a kontrabida because I can be more creative with my role. Hindi ko pa po naiisip kung kaya kong maging mabait sa isang role.

Continue reading below ↓

“Kailangan ko pa po mag-workshop para sa ganun, kasi being a good character is a whole other world.”

Nahirapan daw siya nung una na i-handle ang mga bashing dahil sa role niya sa Nagbabagang Luha.

“Yes po, kasi nung una, sabi po nila, kulang sa acting po, and I agree at first. Kasi, takot na takot po ako nun.

“I am generally anti-social po and nung nagte-taping po ako, hindi ako sanay na ang daming taong nanonood sa akin while acting out the emotions needed. It felt really awkward.

“But once I got to know everyone, I learned they all just want the best for the show so I got comfy and started being more confident.”

Paano niya na-handle ang mga bashing?

“I used to cry a lot because I couldn’t deal with it. I stayed indoors for a really long time and just talked to my supporters every day,” tugon ni Claire.

Continue reading below ↓

Kumusta sila ni Royce Cabrera pagkatapos niyang nasabi sa TBATS na crush niya ito?

“We occasionally talk. Actually, rarely po,” sambit ni Claire.

“Humahanga po kasi ako noon sa acting skills niya and being professional on set and I wanted to be like him.

“We’re friends po and lumipas na po siguro yung crush phase ko sa kanya. I still admire his work ethic, hahaha.”

NOEL FERRER

At least, may claim to fame na si Claire bilang babaeng nakatikim ng mabigat na sampal ng isang bigatin at premyadong aktres.

Responsable ang mahal nating direktorang aktres na si Gina Alajar na inalalayan si Claire sa eksena niya.

Napanood ko ang clip na yun na natapos sa pagngudngod sa mukha ni Claire sa isang kulay rosas na cake.

Sana, pagkatapos ng campy na eksenang yun na pinag-usapan, magtatak na sana si Claire para tuluyan na siyang makawala sa "Cynthia status."

Malampasan o mapantayan man lang ba niya ang narating ng mga kapangalan niyang dela Fuente o Hartell? That remains to be seen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire Castro (left) on trending scene with Nagbabagang Luha co-star Gina Alajar: “She apologized po seconds before nag-'action!!' si Direk Ricky [Davao]. But after po, she is sweet to me like how she always is po.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results