Ariella Arida, Ervic Vijandre nagkakailangan pa ba? Ariella, mas hinangaan si Willie Revillame

by PEP Troika
Oct 11, 2021
Ariella Arida (center) on Willie Revillame (right) choosing not to run for public office: "Easy win for him, kumbaga. Pero pinili pa rin niya ang ibang way na nakakatulong naman siya na hindi na niya kailangang pumunta sa posisyon na ‘to." Will Ariella support ex-boyfriend Ervic Vijandre's (left) candidacy in 2022 elections?
PHOTO/S: @ervicvijandre / @ararida Instagram

GORGY RULA

Magkasunod naming nakapanayam sa DZRH nung nakaraang linggo ang dating magkasintahang Ervic Vijandre at Ariella Arida.

Pareho silang awkward sa tanong ng listeners namin kung kumusta na silang dalawa.

Sabi ni Ervic, okay sila ni Ariella at nagbabatian kapag nagkikita sila.

Tinanong si Ariella kung willing ba siyang suportahan ang pagtakbo ni Ervic bilang konsehal ng District 1 ng San Juan.

"Supportive naman po ako sa lahat," safe na sagot ni Ariella.

Siniguro ni Ariella na okay sila ng dating nobyo at walang isyu sa kanilang dalawa.

ARIELLA ON WILLIE

Natuwa naman si Ariella para kay Willie Revillame sa desisyon nitong umatras sa pagpasok sa pulitika.

Halos dalawang taon niyang nakatrabaho si Willie sa Wowowin, at noon pa man ay sinasabi raw sa kanya ni Kuya Wil na hindi kailangang pumasok sa pulitika para maipaabot ang tulong sa mga tao.

Pahayag ni Ariella, "Naalala ko nga ang lagi niyang sinasabi, 'Kung nakakatulong ako sa ganitong paraan, walang pinagkaiba kung nasa posisyon ako. Kumbaga, hindi na ako kailangang pumunta sa ganung posisyon kung nasa programa ko namang ganito, madami na akong natutulungan.'

Continue reading below ↓

"Nagi-gets ko naman po siya. Kaya siguro sobrang blessed din siya dahil coming from the heart talaga yung pagtulong niya."

Napanood niya ang mga sinabi ni Willie kung bakit hindi ito tumuloy sa pagtakbo.

Lalo raw siyang humanga sa Wowowin host.

Sabi pa ng beauty queen-actress, "Napahanga ako ni Kuya Wil, kasi siyempre, sa estado niyang yun, sobrang…

"Kumbaga, kung gugustuhin naman talaga niyang pumasok sa pulitika, talagang nakukuha niya ang puso ng masa dahil ever since tinutulungan niya ‘tong mga ‘to.

"Easy win for him, kumbaga. Pero pinili pa rin niya ang ibang way na nakakatulong naman siya na hindi na niya kailangang pumunta sa posisyon na ‘to."

Abala ngayon si Ariella sa promo ng pelikulang Sarap Mong Patayin na mag-i-streaming na sa Vivamax simula sa October 15.

JERRY OLEA

Sa teaser ng Sarap Mong Patayin, nakakapaglaway ang eksena ni Ariella with Kit Thompson sa loob ng kotse.

Tingnan natin kung sino kina Ariella, Kylie Verzosa, at Cindy Miranda ang mas aangat sa lipon ng mga beauty queen ng Vivamax.

Continue reading below ↓

Si Ariella ay Miss Universe 2013 third runner-up, si Kylie ay Miss International 2016, at si Cindy ay Bb. Pilipinas Tourism International 2013.

Si Kylie ay nag-title role sa The Housemaid, samantalang si Cindy ay nag-title role sa Nerisa.

More and more ang sexy stars ng Viva.

Andiyan pa sina AJ Raval, Rhen Escaño, Sunshine Guimary, at kung sinu-sino pa.

Kung Squid Game ang kabugan ng bagong sexy stars ng Viva, sino kaya ang last woman standing?

NOEL FERRER

Wala dapat ilangan kapag nagmamahalan. Hintayin natin ang pangangampanya ni Ariella para kay Ervic.

Pasado ba iyan kay Bernard Cloma? Joke lang!

Anyway, good luck sa mga tumatakbo sa halalan, lalo na ang mga artista.

Welcome sa inyong bagong career… sana pagbutihin ninyo at magmarka kayo rito!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariella Arida (center) on Willie Revillame (right) choosing not to run for public office: "Easy win for him, kumbaga. Pero pinili pa rin niya ang ibang way na nakakatulong naman siya na hindi na niya kailangang pumunta sa posisyon na ‘to." Will Ariella support ex-boyfriend Ervic Vijandre's (left) candidacy in 2022 elections?
PHOTO/S: @ervicvijandre / @ararida Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results