Mga baguhang artista sa Pornstar 2, palaban sa paseksihan; Kit Thompson, walang plaster ang harap sa butt-exposure scene

by PEP Troika
6 days ago
Kit Thompson (white shirt), mapangahas sa love scene nila ni Christine Bermas (not in photo) sa Moonlight Butterfly. Kilalanin sina (ladies from L-R) Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, Cara Gonzales sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar 2. Kasama rin sina (men in tribal wear L-R) Jet Delgado, Prince Salvador, Rash Flores, at Abed Green.
PHOTO/S: @kitthompson Instagram / Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar 2 posters

JERRY OLEA

Apat na sariwang nymphets ang magpapakitang-gilas sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar 2 na nakatakdang mag-streaming sa Disyembre sa Vivamax.

Ang nagti-tinikling na si Gabriela (Sab Aggabao), iko-coach ni Maui Taylor. Ang nagka-cariñosa na si Trinidad (Ayanna Misola), iko-coach ni Ara Mina.

Ang nagsi-singkil na si Josefa (Stephanie Raz), iko-coach ni Alma Moreno. Ang nagpa-pandanggo sa ilaw na si Melchora (Cara Gonzales), iko-coach ni Rosanna Roces.

Kung may mga kahali-halinang dumalaga sa pelikula ng napaka-prolific na si Direk Darryl Yap, siyempre pa, meron ding matitikas na tandang.

Jet Delgado, Prince Salvador, Rash Flores, at Abed Green, mga ginoong pwetmalu. Pakinisan ng wetpaks. Hanggang saan ba ang kaya nilang ipakita?

Si Jet, apo ni Marissa Delgado. Namana sa lola ang cheeks at expressive eyes.

"Mabait si Jet. Conservative. Hanggang kissing scene at butt exposure lang," sabi ng manager niyang si Ferdy Lapuz.

"Ayaw ng parents niya na mag-frontal si Jet."

Continue reading below ↓

Sabi ng katotong Leo Bukas patungkol sa alaga niyang si Prince, kapag maganda ang puwet, may mararating.

Pagmamalaki ni Leo, “Gandang-ganda sina Direk Darryl at Rosanna sa puwet ni Prince. Sinabihan ako ni Osang, 'Ang kinis ng puwet ng alaga mo, Leo! Magaling at napakabait!' Ha! Ha! Ha! Ha!"

Kaya ba ni pogi na magpasilip ng private part?

Tugon ni Prince, "Willing akong gawin lahat kung sakaling mabigyan pa ng pagkakataon na masama sa isang movie ulit.

"Gagawin ko iyon bilang isang professional sa aking trabaho. Kahit anong sexy scene or sa bed scene pa.

"But for now, undecided pa ako para sa isang frontal scene."

Pahayag ni Mudra Jojo Veloso, dakilang tunay ang alaga niyang si Rash.

Willing ba naman itong mag-frontal? Mahiwaga ang ngiti ni Mudra Jojo, "Depende sa project. Kung kailangan talaga sa story, okay lang na ipakita ang nine inches. Ha! Ha! Ha! Ha!"

Ay! Naalala ko tuloy ang shower scene ng Australian actor na si Adam Demos sa Episode 3 ng Netflix series na Sex/Life (Season 1)!

Continue reading below ↓

Si Abed… noon pa natataranta ang mga judinggel bells sa pa-Felix Bakat na pinagpiyestahan sa socmed.

Paanyaya ng hitod sa isang Instagram picture, "Save water, shower with me."

GORGY RULA

Habang nasa pandemya pa rin tayo, nasa pandemya na rin ang ating mga pelikula, dahil hindi dumadaan sa MTRCB ang napapanood sa mga streaming app.

Kaya bago man magbukas ang mga sinehan, labanan muna ito ng patapangan sa hubaran at pakinisan ng behind.

Palaban ang mga baguhang artistang ito dahil kailangan nilang mapansin, at wala silang magagawa kundi gawin nila.

Kaya tuloy ang mga kilala nating artista ay game na ring matalupan sa pelikula.

Katatapos lang ng Moonlight Butterfly ni Direk Joel Lamangan, at matindi ang ginawa ng lead actors na sina Albie Casiño at Kit Thompson. Pati ang indie actor na si Ivan Carapiet ay hindi nagpahuli.

Walang kiyemeng nagpapuwet si Albie sa love scene nila ng baguhang aktres na si Christine Bermas, na walang keber magpasilip ng private part.

Continue reading below ↓

Sa mga eksenang ganun ay limitado ang mga tao para hindi mailang ang mga artista. Kaya ang iba ay kahit wala nang plaster sa harapan, okay lang dahil may tiwala silang ang direktor at cameraman lang ang nandoon.

Sa ilang maseselang eksena ng pelikulang ito ay nag-plaster daw sina Albie at Ivan dahil ang likod lang nila ang masisilayan.

Pero si Kit ay dedma na sa plaster. Diretso na siya sa eksenang hubo’t hubad kahit ang behind lang niya ang nakikita.

Ang ka-partner niya sa eksenang si Christine ang naglagay ng plaster sa harapan para safe lang at baka mabalaho ang gulong ni Kit sa kanal ni Christine.

NOEL FERRER

Ano pong frontal at exposure na nagaganap? Ano ang gamit ng plaster at pagso-solarize sa mga panoorin?

May built-in regulation ba sa mga streaming sites na strictly nae-enforce?

Ano kaya ang masasabi ng mga kaibigan nating taga-MTRCB ukol dito?

Feeling convent-bred ba ang drama ko? Parang hindi yata bagay. Hehehe!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson (white shirt), mapangahas sa love scene nila ni Christine Bermas (not in photo) sa Moonlight Butterfly. Kilalanin sina (ladies from L-R) Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, Cara Gonzales sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar 2. Kasama rin sina (men in tribal wear L-R) Jet Delgado, Prince Salvador, Rash Flores, at Abed Green.
PHOTO/S: @kitthompson Instagram / Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar 2 posters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results