Jake Cuenca, nahaharap sa tatlong kaso matapos masangkot sa police car chase mishap

by PEP Troika
6 days ago
Brigadier General Matthew Baccay, nilinaw na walang kinalaman si Jake Cuenca (nasa larawan) sa drug bust. Pero paliwanag ng police director, "Nag-create ng suspicion, kasi hindi siya pumara. Nadaanan niya ang sasakyan ni Major Ballesteros. Nandun ang isang outpost ng isang pulis na nagpapara sa kanya, hindi rin siya tumigil."
PHOTO/S: @cvlrnz via @juancarloscuenca Instagram

GORGY RULA

Kasong reckless imprudence resulting in damage of property at disobedience to persons in authority ang mga kasong isinampa ng Mandaluyong Police laban kay Jake Cuenca.

May isa pang kasong balak isampa laban sa aktor—paglabag sa anti-drunk and drug driving law dahil nakainom daw ito nang nahuli noong Oktubre 9, Sabado.

Sa panayam nina Ka Tunying Taberna at Gerry Baja sa programa nila sa DZRH noong Oktubre 11, Lunes, sinabi ni Eastern Police District director Brigadier General Matthew Baccay na nilabag ni Jake ang anti-drunk and drug driving law.

Hindi lang makasuhan ang aktor dahil noong nahuli ito ay walang breath analyzer o breathalyzer ang mga pulis para ma-check kung gaano kataas ang alcohol content sa katawan nito.

Ayon kay Baccay, "After the arrest, dinala siya ng mga kapulisan sa Mandaluyong Medical Center.

"However, it turned out wala silang any facility to conduct liquor test. Yung breath analyzer, wala sila.

Continue reading below ↓

"We coordinated with crime lab, wala din. Hindi namin siya na-subject to the proper medical examination."

Ayon pa kay Baccay, nakainom si Jake nang nahuli ito at nakita nila ang walang lamang bote ng red wine sa kotse ng aktor.

"It is now mandatory to conduct sobriety test on the field.

"Ina-allow na 'yan on the instances of traffic violation. Lalung-lalo na as we described yung nangyari kay Jake Cuenca.

"Yung kit natin on how to conduct the sobriety test or the liquor test was not present during that time, unfortunately," dagdag niyang pahayag.

Sabi pa ni Baccay, naiintindihan niya ang initial reaction ni Jake na tumakbo at hindi tumigil dahil naka-civilian clothes ang pulis na humabol sa aktor.

"Nag-create ng suspicion, kasi hindi siya pumara. Nadaanan niya ang sasakyan ni Major Ballesteros.

"Nandun ang isang outpost ng isang pulis na nagpapara sa kanya, hindi rin siya tumigil.

"When I asked yung mga operating units natin, yung mga SGU natin, there was a time nung inabot na niya [Jake] yung dead end, gusto pa niyang atrasan ang mga pulis natin, which was successful, nakaalis pa rin siya kahit flat na yung gulong, tuluy-tuloy pa rin siya.

Continue reading below ↓

"Until sa meron na talagang sasakyang humarang sa kanya at dun na talaga tumigil,” lahad ni Baccay.

Inamin ni Baccay na may mali ang mga pulis na pinaputukan pa ang sasakyan ni Jake, pero iyon daw ang naging desisyon ng mga pulis dahil may isinasagawa silang marijuana operation sa lugar na dinaanan ng aktor.

JERRY OLEA

Nilinaw naman ng mga awtoridad na wala talagang kinalaman si Jake sa operasyong ginagawa ng mga pulis. Napadaan lang daw talaga si Jake.

Pahayag ni Baccay, "Admittedly it’s a lapse of judgment on the part of responding policeman. Yung paputukan yung sasakyan.

"I think in our SOP, does it require, does it allow?

"But sometimes judgment call na tinatawag, basta yung matapos lang nila yung na-recover yung 31 kilos na marijuana, ang dami nun.

"They were thinking maganda yung sasakyan, so baka they might have connected dun sa pagtakbo niya. Iyon pala, he has nothing to do with it."

Continue reading below ↓

Kung tumigil na lang daw sana si Jake, hindi na umabot sa ganung gulo.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Jake.

NOEL FERRER

Narinig ko ang panayam ni General Guillermo Eleazar na nagsasabing pananagutan ni Jake Cuenca ang nagawa niya.

Tama naman yun. Sana all.

Kung kaya nating papanagutin ang mga karaniwang mamamayan sa kanilang pagkukulang, sana mapanagot din natin ang mga nasa kapangyarihan sa kanilang kapalpakan, di ba?

Patas lang dapat ang batas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brigadier General Matthew Baccay, nilinaw na walang kinalaman si Jake Cuenca (nasa larawan) sa drug bust. Pero paliwanag ng police director, "Nag-create ng suspicion, kasi hindi siya pumara. Nadaanan niya ang sasakyan ni Major Ballesteros. Nandun ang isang outpost ng isang pulis na nagpapara sa kanya, hindi rin siya tumigil."
PHOTO/S: @cvlrnz via @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results