KC Montero, bakit tatlong buwan nawala sa Lunch Out Loud?

by PEP Troika
6 days ago
KC Montero on his whereabouts during absence from the show: "Nag-fix ako ng work visa ko. So, it took two, three months lang, and then, okay na. May work visa na ako. Everything is fine! Everything is good! I’m happy to be on work again. No problems anymore!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Miss Universe Philippines

JERRY OLEA

Magkakatabi sina K Brosas, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, at Jeff Tam nitong Oktubre 11, Lunes ng hapon, sa studio ng Lunch Out Loud (LOL) nang uriratin ni katotong Ian Fariñas kung nagka-COVID scare sila.

Pag-amin ni Wacky Kiray, "Actually, marami na sa amin ang nagka-COVID, pero sa awa ng Diyos, gumagaling agad.

"Kaya kami, minsan nag-uusap talaga kami, 'Nag-vitamins ka na ba?' Kinukulit namin ang isa’t isa kung nag-vitamins na para lumakas lalo yung resistensiya lalo na sa trabaho namin."

Sundot ni Jeff, "Saka minsan, pag nagkaroon ng isang positive, talagang tigil-taping kami. Kung napapansin ninyo, pag may mga replay… 'yon!”

Sambot ni Wacky Kiray, "Lagi kaming nagpapa-PCR."

E, si KC?

Natatawang hirit ni Bayani, "Si KC, ang problema niyan, Immigration. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Bulalas ni Wacky Kiray, "Yung Immigration niya, okay na. Congratulations, KC!"

"Salamat! Salamat!" sambit ni KC.

Kumusta na si KC? Matagal-tagal din siyang nagbakasyon sa LOL, huh?!

Continue reading below ↓

"Okay na. Ayos na, ayos na! Legal na legal ako. Ha! Ha! Ha! Ha! OK na!" pagbungisngis ni KC.

"Three months yata ako nawala. Tapos, nagka-COVID ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! March… February pa."

Pagbibiro pa ni Bayani, “Saka hindi niya makanta noon yung 'Lupang Hinirang.' Ngayon, alam na niya!”

Paano niya naayos iyong ordeal niya sa Bureau of Immigration?

Paliwanag ni KC, "May work visa ako dati pero, uhm, nag-expire yung work visa ko. So, kailangan akong mag-fix.

"Nag-fix ako ng work visa ko. So, it took two, three months lang, and then, Okay na. May work visa na ako.

"Everything is fine! Everything is good! I’m happy to be on work again. No problems anymore!"

Ang first job ni KC na may work visa muli siya ay ang pagho-host ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 noong Setyembre 30 sa Panglao, Bohol.

Tanong ni Wacky Kiray, "KC, ano ang napi-feel mo na may nagsasabi doon sa pagho-hosting mo daw [sa Miss U PH], para daw ang boring. Is that totoo?"

Continue reading below ↓

Napangiti si KC, "Okay lang ako. More Milo, more energy! Mag-snort ako ng Red Bull para may energy!"

Sambot ni Bayani, "Na-miss namin siya kaya kinantahan namin ng… Miss you like KC, miss you like KC…"

Sambit ni Wacky Kiray, "Pero si KC, kahit nawala siya ng tatlong buwan, sa group chat kasi namin, lagi kaming nagkakamustahan. Kaya hindi siya nawala."

Sabi ni KC, "Tapos, ito ang maganda, kasi I watched the show [LOL]. The parts that I used to do, yung may special move ako dito sa show, sila, they did it for me while I was not here.

"So, parang may KC pa rin sa show."

Si KC din ang nag-host ng Miss Universe Philippines 2020 coronation night noong Oktubre 25 sa Baguio City.

Siya pa rin ba ang magho-host sa timpalak next year?

"Tugon ni KC, "Ahhh, hindi ko sure, pero sana. Sana… Two years in a row. Kaya next year, sana uli.

Continue reading below ↓

"Huwag sa Miss World [Philippines], mga six hours lang."

Napahagalpak si K, at nag-follow-up question si Wacky Kiray, "Anong masasabi mo, KC, sa Miss World [Philippines]?"

Gutom na gutom ang contestants sa nakaraang Miss World Philippines kaya may mga bumagsak.

"I saw that. Sorry for the contestant. It’s very hard. It’s very hard!" sambit ni KC.

Pati comments ni KC sa beauty pageants, nagte-trend.

Pagbuntong-hininga ni KC, "Kasi, yung mga fans ng beauty pageant, rabid, angry people minsan.

"Pero kasi, yung mga nagba-bash sa akin, yun lang naman, e, 'More energy! More energy!'

"Pero sa akin, yung energy ko, okay iyan para sa Miss Universe. Dapat, cool. Or dapat, medyo formal yung hosting.

"Hindi energy na ganito sa Lunch Out Loud."

NOEL FERRER

Magkaiba ang pag-conduct ng sarili sa pagho-host ng Miss Universe Philippines at Miss World Philippines sa noontime show na Lunch Out Loud.

Mapalad ang mga tulad ni KC Montero at iba pang mga host ng noontime show na buhay pa ito after one year of existence.

Continue reading below ↓

Kasi, napakahirap i-maintain ang ganito kalaking show on a regular basis na slow burn.

Basta, kapit lang. Sana mahaba pa ang pisi ng mga tagapagtaguyod nito.

GORGY RULA

Ang maganda lang nung naka-leave si KC, nagkaroon siya ng sapat na oras sa kanyang baby.

Habang hinihintay maayos ang problema niya sa Immigration, na-enjoy niya ang kanyang daddy duties sa kanyang baby.

Samantala, ipinagkibit-balikat na lang ni KC nang kinumusta ko sa kanya ang narinig naming balak na pagpapakasal nina Troy Montero at Aubrey Miles.

Wala pa raw sinasabi sa kanya ang kapatid.

"Dapat naman magpakasal na sila," pakli ni KC Montero.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Montero on his whereabouts during absence from the show: "Nag-fix ako ng work visa ko. So, it took two, three months lang, and then, okay na. May work visa na ako. Everything is fine! Everything is good! I’m happy to be on work again. No problems anymore!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Miss Universe Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results