Jeff Tam at Wacky Kiray: "Walang star" at "pantay-pantay" ang turingan sa LOL; misis ni Bayani, pinagseselosan ba si Laboching?

by PEP Troika
5 days ago
Sa set visit ng PEP Troika at ibang entertainment press noong Lunes, October 11, ibinahagi ni Bayani Agbayani na lahat sila ay game sa kulitan on and off cam. Ang nasa photo-op ay sina: Ariel Rivera, K Brosas, Jeff Tam, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, at Laboching.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ayon kay Direk Bobet Vidanes, magaan at walang pressure ang trabaho niya bilang creative producer ng Lunch Out Loud (LOL) sa TV5.

Pinatunayan ito ng co-hosts ng show na panay ang kulitan nang mag-set visit ang piling entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ang maganda rito sa grupo namin, walang star!" bulalas ni Jeff Tam noong Oktubre 11, Lunes ng hapon, sa studio ng LOL sa Kalayaan Avenue, Quezon City.

"Kumbaga, kung sino yung lamang na pangalan, walang ganun sa amin. Kumbaga, sa amin dito, pantay-pantay kami lahat."

Sambot ni Bayani Agbayani, "Saka ang maganda po sa amin, one year pa lang kami ngayon, pero pumapangalawa na kami sa Eat Bulaga, awa ng Diyos!

"Mahirap yung ma-achieve, e, lalo’t alam naman natin, ang GMA-7 at saka ang TV5, kung ano ang diperensiya ng reach.

"Siyempre, nag-uumpisa pa lang lumawak ang TV5, pero inspite of that, e, meron pa rin kaming magandang ratings.

Continue reading below ↓

"Thank you sa Tropang LOL!"

Hanash ni Wacky Kiray, "At saka yung style ng pagho-hosting namin, lahat kami, iniikot. Lahat kami, iniikot kaya nae-experience namin na nagho-host kami sa ganito.

"Iniikot kami kaya pantay-pantay. Kumbaga, pag nag-absent ang isa, puwede mong ipasok ang iba kahit saan.

"Kaya pantay-pantay lahat ng galawan dito. Saka yung mga kasama mo sa trabaho, mapi-feel mo talaga kung paano sila makisama sa 'yo."

Ganito rin ang sinabi ni KC Montero na ginawa ng kanyang mga kasamahan sa show ang "special moves" niya noong panahong nag-leave siya ng tatlong buwan.

JERRY OLEA

Napatunayan ni Bayani na pantay-pantay silang mga host ng Tropang LOL.

Kuwento ni Bayani, "Wala yung, 'Oops, hindi mo puwedeng soplahin 'yan, hindi mo puwedeng barahin 'yan!’

"Hindi! Barahan tayo!"

Never daw silang nagkapikunan sa isang taon na pagsasama-sama nila.

Hirit ni Wacky Kiray, "Wala. Kasi, lahat kami, mga ano, e… halos lahat kami, mga komedyante."

Continue reading below ↓

Nag-prank noon sina Bayani at Billy Crawford na kunwari’y nagkapikunan at magsasapukan.

"Gusto nga naming subukang magsaksakan kung may mabibiktima. Kasi, wala talaga, e," pagbibiro ni Bayani.

Umismid si K Brosas, "Ako, napipikon, kasi lagi niyong inaano yung sex life, este, love life ko!

"Lagi silang concerned sa love life ko, kasi matagal na akong walang love life!"

Hagalpakan ng tawa ang mga kasamahan ni K.

Kuwela yung nilalandi-landi kunwari ni Laboching si Bayani, tapos parang takot na takot si Bayani.

Nagre-react ba ang asawa ni Bayani na si Len-len sa ganoong harutan?

"React siya nang react! Selosa!" sabi ni Bayani, na ikinahalakhak muli ng co-hosts.

Sundot ni Wacky Kiray, "Itanong niyo kung nakakauwi pa siya ng bahay!"

Pagbibiro pa ni Bayani, "Diyan nga ako ngayon umuuwi sa likod, e!"

Sabay bawi rin ni Bayani, "Hindi, okay naman kay Len-len. Hindi rin maiwasan na medyo nagtatanung-tanong din siya.

"Pero, hindi katulad nung dati. Kasi, ang lalaki na ng mga anak mo, e. May apo na ako. Dalaga na yung mga anak."

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Wacky Kiray, "Pero yung turingan talaga ni Kuya Yani saka ni Laboching, para silang magkapatid. Para talaga silang magkapatid."

In fairness, ang ganda ni Laboching in person. Iba kasi ang dating ni Laboching sa TV.

"Kamukha siya ni Alona Alegre!" sambit ni Bayani.

Sabi ni K, iba ang appeal ni Laboching.

Dugtong ni Wacky Kiray, "Pero ma-muscle lang talaga."

Buti, hindi nadadala si Bayani kay Laboching. Ingat na ingat ba siya?

Sagot ni Bayani, "Ano kasi, malakas akong mag-pray, e. Lagi akong nagpe-pray sa itaas!"

NOEL FERRER

Naku, ang reference talaga Alona Alegre!!! Kilala pa kaya siya ng Gen Z?

Whatever it is, sana’y mapalawak pa ang noontime TV viewers, or TV viewers in general.

Sabi sa recent Pulse Survey, sa TV pa rin pinakanakatuon ang mga tao compared to radio at social media…

Sana talaga, patuloy nating iangat ang kalidad nito para sa ating mga kababayan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa set visit ng PEP Troika at ibang entertainment press noong Lunes, October 11, ibinahagi ni Bayani Agbayani na lahat sila ay game sa kulitan on and off cam. Ang nasa photo-op ay sina: Ariel Rivera, K Brosas, Jeff Tam, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, at Laboching.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results