Mark Anthony Fernandez, target magkaroon ng six-pack abs; may "umaatikabong love scene" kay Cindy Miranda

by PEP Troika
5 days ago
Mark Anthony Fernandez, pinagtuunan ang pagwu-workout habang may pandemya dahil sa inaasam na six-pack abs. May kimalaman din kaya ito sa "umaatikabong love scene" nila ni Cindy Miranda (kanan) sa House Tour?

GORGY RULA

Isa sa magandang nagawa ng pandemya kay Mark Anthony Fernandez ay naengganyo itong mag-ensayo para pumayat at ibalik ang dating magandang pangangatawan nito.

Naalarma rin daw si Mark Anthony nang tumaba siya, kaya nang lumaganap ang pandemya nung nakaraang taon at nagkahigpitan sa quarantine, nag-ensayo siya nang nag-ensayo para pumayat at ma-achieve ang target na six-pack abs.

Nang nakatsikahan namin si Mark Anthony sa DZRH nung Martes, October 12, ipinakita niya sa amin ang kanyang tiyan na meron na raw three-pack abs.

Todo-ensayo pa raw siya para maging six-pack abs ito.

Medyo hirap daw siya nung sarado ang mga gym, kaya napilitan siyang maglagay ng basketball ring sa bahay niya para tuluy-tuloy ang ensayo.

"Kasi, nung height ng COVID, saan ako mag-ensayo? Naghanap talaga ako kung saan ako mag-ensayo. Araw-araw ako na nag-ensayo.

"May time na umabot na… kasi, bawal ang ganito, bawal ganun. Umabot na bumili pa ako ng basketball ring, para makapag-ensayo lang nang maayos.

Continue reading below ↓

"Mabuti, nagbukas na uli ang gym ngayon," pahayag ng aktor.

Kasama sa interview namin sa DZRH si Marco Gomez, ang co-star ni Mark Anthony sa pelikulang House Tour ng Viva Films.

Puring-puri ni Marco si Mark Anthony na nakikisama sa kanya, at namangha raw siya sa di pa rin kumukupas na kapogian ng dating Guwaping.

"Nung una kasi, sobrang pressured ako. Kinabahan ako nun," kuwento ni Marco.

"Pero nung nag-shoot na po kami, ang gaan pala ni Mark Anthony and it was very fun working with him, sobra.

"Grabe! Iba talaga guwapo talaga ni Mark Anthony. Hindi ko alam, parang…"

Nabitin ang sentence ni Marco, at nang dinugtungan ko kung nababading ba siya sa aktor ay natawa na lamang ang baguhang aktor.

Natawa rin si Mark, at pinuri si Marco na matatawag daw na "bagong tall, dark, and handsome" na aktor.

Sa October 22 na ang streaming sa Vivamax ng House Tour na pinagbibidahan nina Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Cindy Miranda, Sunshine Guimary, Diego Loyzaga, at Rafa Siguion-Reyna.

Continue reading below ↓

Mark Anthony Fernandez, Cindy Miranda, Diego Loyzaga, and Marco Gomez in House Tour

NOEL FERRER

Good news talaga ang pagiging active ni Mark ulit sa showbiz!

Teka, bukod sa project na ito, ano na ang nangyari sa supposedly pakikipagtagisan nila sa aktingan ng kanyang love na screen partner na si Claudine Barretto?

Continue reading below ↓

Kailang ang streaming ng movie na yun na idinirek ni Joel Lamangan, at nagtatampok din kina Sheree at Gerald Santos?

May isa pang movie si Mark na kasado na rin ang streaming sa Vivamax sa Nobyembre 5, yung Barumbadings Vol. 1 Dead Mother, Dead All.

Co-stars niya rito sina Jeric Raval, Baron Geisler, Joel Torre, John “Sweet” Lapus, Francine Garcia, at Cecil Frio Paz.

JERRY OLEA

Napasabak si Mark Anthony sa mapangahas na eksena with Cindy Miranda sa House Tour.

Gandang-ganda si Mark Anthony at sobrang naseksihan siya kay Cindy na para sa kanya, itong love scene nila ang pinaka-daring na nagawa niya sa pelikula.

"Meron kaming super daring na eksena ng super seksing si Cindy Miranda.

"Naka-love scene ko na sina Joyce Jimenez, G Tongi, Claudine, pero si Cindy po ang isa umaatikabong love scene ko ever," sabi ni Mark.

Cindy Miranda

Continue reading below ↓

Talaga?! E, ang kuwento ni Direk Joel, mabangis yung love scene ni Mark Anthony with Sheree sa Deception.

Eto ba yung eksena na naka-white brief siya?!

Sa Barumbadings tetralogy, makikipagkabugan naman ng alindog si Mark Anthony alias Marie Antoinette kay Jeric alias Jerica na ang ngiti ay erotika, at kay Baron alias Baroness the epitome of loveliness.

Pagmamatamis ni Sweet sa unang teaser ng movie, "Mga bading na barumbado! Malambot pero matigas! Malandi pero malakas! May ganda at tapang din! Mga tunay na barumbadings!

"Ang lahat ng nang-aapi sa bakla ay mamamatay! At tayo… ang Kamatayan! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez, pinagtuunan ang pagwu-workout habang may pandemya dahil sa inaasam na six-pack abs. May kimalaman din kaya ito sa "umaatikabong love scene" nila ni Cindy Miranda (kanan) sa House Tour?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results