Barbie Forteza, may "warning" sa boyfriend na si Jak Roberto at leading lady nitong si Klea Pineda?

by PEP Troika
Oct 13, 2021
Ito ang sagot ni Klea Pineda (kanan) sa "warning" diumano ni Barbie Forteza (kaliwa) sa tambalan nina Klea at Jak Roberto, nobyo ni Barbie, sa Stories From The Heart: “Nabalitaan ko yung warning-warning, but I think ano yun, e… ahhh, I think katatawanan lang nilang dalawa yun. Parang isa yun sa mga hiritan nila ni Jak and ni Barbie. And siguro naman, alam kong naintindihan ni Barbie kung ano yung trabaho ni Jak, and si Jak naman, naintindihan yung trabaho ni Barbie.”
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Marami ang naintriga sa ipinost ni Barbie Forteza nung nakaraang linggo sa kanyang IG Story na isang quote sa The Modern Break-up.

Nakasaad dito: “I notice everything. I mean everything.

“I notice the way someone talks to me starts changing.

“I notice the little things people do and the little things they used to do.

“I notice the little lies and the things they think thay can hide from me.

“I notice every single detail.

“I JUST DON’T SAY ANYTHING.”

May kinalaman kaya ito sa tambalan nina Jak Roberto at Klea Pineda sa bagong installment ng Stories From the Heart na pinamagatang Never Say Goodbye?

O baka eme-eme lang ito ni Barbie, na tamang-tama dahil nagsisimula na ang promo ng mini-series nina Jak at Klea.

Pero ayon kay Jak, never nagkakaroon ng selosan sa mga ginagawa nilang projects. Napaka-supportive daw ni Barbie sa lahat ng ginagawa niya, at lahat ng mga ipinu-post ni Jak ay nagku-comment ng suporta ang nobya.

Continue reading below ↓

“Lahat ng ginawa kong project simula nang naging kami, sobrang supportive niya. And even ako nga, nagda-doubt na ako minsan kung hindi ba talaga siya nagseselos.

“Minsan tinatanong ko siya kung, 'Okay lang ba sa ‘yo? Puwede ko naman i-avoid. Puwede ko naman hindi pirmahan yung waiver ng mga kissing scene.'

“Alam mo yung trabaho lang, and at the same time, yun ang magagandang bagay na parehas kaming artista. So, naiintindihan namin yung trabaho namin.

“Even siya naman, tinanong niya ako dun sa vlog niya na, so it’s about time na rin ba para magpa-kiss na rin ako, ‘Ikaw? Aktres ka naman, e. Best actress ka. Do what you want,'” sabi ni Jak nang tinanong ito sa kanya ni Rose Garcia sa nakaraang mediacon ng Never Say Goodbye.

Sa isang vlog noon ni Barbie, pinaglaruan niya si Jak na kunwari ay nagseselos ang Kapuso actress sa mga kissing scenes ng nobyo at todo-explain ang Kapuso hunk.

Continue reading below ↓

Pero mahilig lang talaga silang mag-playtime sa isa’t isa na ginagawa nila sa kanilang YouTube channel.

JERRY OLEA

Sina Barbie, Jak, at Klea ay pawang nag-guest sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Sakalam ang kutob ko na hinding-hindi pagseselosan ni Barbie si Klea. Tunggak ang magpupumilit na may tunggalian ng damdamin sa kanilang pagitan.

Wala tayong naulinigan, unlike kina Kristoffer Martin at Liezel Lopez na nag-lock in taping sa Kapuso afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat kung saan magkapatid ang papel nila.

O kaya, kina Kiko Estrada at Heaven Peralejo na nag-lock in taping sa Kapamilya teleserye na Bagong Umaga.

Yun nga lang, pareho nang nagtapos ang panandaliang relasyon nina Kristoffer at Liezel at nina Kiko at Heave.

Tungkol sa mahiwagang post ni Barbie, parang nakatulong iyon sa tambalan nina Klea at Jak upang magkaroon ng init na matutungkab. Tunghayan natin ang kahihinatnan niyon pagkalipas ng limang linggo.

Continue reading below ↓

Tungkol kasi sa usaping career, napag-iwanan si Jak ng kasintahang si Barbie, at ng sister niyang si Sanya Lopez.

Premyadong aktres si Barbie, at rumatsada ang huling TV series niyang Anak ni Waray vs Anak ni Biday, maging iyong “The Lookout” episode niya sa second season ng I Can See You anthology.

Level-up ang status ni Sanya dahil sa First Yaya nila ni Gabby Concepcion, at nananabik tayo sa Book 2 nito.

Nakatambal din ni Sanya si Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila, at may ikalawang yugto rin ito.

Beautiful ang ratings ng naunang handog ng Stories from the Heart, ang Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Inaasam natin na sana, may chemistry rin sina Jak at Klea. Sana, mag-rate din ang mini-series nila. Tang! Teng! Ting! Tong! Tung!

NOEL FERRER

Nakarating kay Klea na kesyo may warning daw si Barbie na merong nagaganap minsan sa mga lock-in taping kaya dapat na mag-ingat-ingat.

Continue reading below ↓

“Sigurado naman ako na nagdyu-joke lang si Barbie dahil alam ko naman na very professional na aktres si Barbie,” hirit ni Klea.

“Totoo, marami nagkakadebelopan sa lock-in taping, pero walang kahit anong nangyari o kahit anong personal na bagay na nangyari sa lock-in taping dahil lahat kami dun, naka-focus sa trabaho. And gusto namin, matapos yung trabaho nang maayos.

“So, hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian or what. Pumunta kami sa lock-in taping para gumawa ng isang proyekto na napakaganda.

“Nabalitaan ko yung warning-warning, but I think ano yun, e… ahhh, I think katatawanan lang nilang dalawa yun.

"Parang isa yun sa mga hiritan nila ni Jak and ni Barbie.

"And siguro naman, alam kong naintindihan ni Barbie kung ano yung trabaho ni Jak, and si Jak naman, naintindihan yung trabaho ni Barbie.”

Hayyy naku… hindi kailangang masangkot ng premyadong aktres na si Barbie sa ganitong mga isyu. Nakaka-starlet!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang sagot ni Klea Pineda (kanan) sa "warning" diumano ni Barbie Forteza (kaliwa) sa tambalan nina Klea at Jak Roberto, nobyo ni Barbie, sa Stories From The Heart: “Nabalitaan ko yung warning-warning, but I think ano yun, e… ahhh, I think katatawanan lang nilang dalawa yun. Parang isa yun sa mga hiritan nila ni Jak and ni Barbie. And siguro naman, alam kong naintindihan ni Barbie kung ano yung trabaho ni Jak, and si Jak naman, naintindihan yung trabaho ni Barbie.”
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results