Jomari Yllana, idolo sina Richard Gomez, Lucy Torres, Isko Moreno sa hanay ng actor-politicians

by PEP Troika
4 days ago
Jomari Yllana on Ormoc City Mayor Richard Gomez and wife Leyte Representative Lucy Torres-Gomez: "Maaksyon sila. Ahhmm, at saka sa maikling panahon, nakikita mo na talagang pinagbubutihan nila yung ginagawa nila. Hindi sila sasalang sa isang sitwasyon na hindi nila naiintindihan."

JERRY OLEA

Sino ang iniidolong actor-politician ni Jomari Yllana?

“Marami, marami tayong iniidolo na actor-politician. Marami tayong iniidolo na politician, local, sa side ng Amerika,” sabi ni Jomari sa virtual mediacon nitong Oktubre 13, Miyerkules.

“Ako, sa Pilipinas, ang isa sa mga iniidolo natin… si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, at siyempre yung kanyang asawa, si Goma. Si Mayor Goms.”

Goma o Goms ang tawag kay Ormoc City Mayor Richard Gomez ng malalapit na kaibigan.

Pagpapatuloy ni Jomari, “Isa 'yan sa mga iniidolo natin, kasi ano sila, e, maaksyon sila. Ahhmm, at saka sa maikling panahon, nakikita mo na talagang pinagbubutihan nila yung ginagawa nila.

“Hindi sila sasalang sa isang sitwasyon na hindi nila naiintindihan. Ang legislative agenda ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez, napakagaling.

“Hindi mo matatawaran. Yung talagang pinag-aaralan niya yung lahat ng kailangan niyang malaman to be a good lawmaker.

“Si Goma naman, nakita mo naman, parang hindi nagbago, di ba? Nagigising pa rin ng alas singko ng umaga. Natutulog ng alas onse ng gabi.

Continue reading below ↓

“Parang walang ginawa kundi butingtingin yung lahat ng kailangan nung city na pinamumunuan niya.

“Marami tayong iniidolo pagdating sa ganyan. Ahhmm, talagang nakakabilib, nakaka-inspire.

“And of course, sa City of Manila, meron tayong isang kasabayan nung panahon ng dekada ‘90. Na nagsimula sa pagiging konsehal, naging vice mayor, and then naging mayor.

“Si Mayor Isko [Moreno], na hindi mo rin matawaran yung pinagdaanan niya. Very, very challenging ang kanyang childhood. Lumaki siya sa hirap.

“Pero hindi yun naging dahilan para mapariwara yung direksiyon ng buhay niya. Nagpursigi, nagsumikap, at tingnan mo kung nasaan na siya ngayon.

“Isa na siya sa mga presidentiable na candidate.”

NOEL FERRER

Kailangan, makilala at mabigyan ka ng halaga sa larangan kung saan ka talaga magaling!

Nakaka-miss ang kahusayan ni Jomari Yllana bilang aktor. Sana, magbalik-showbiz pa rin siya.

GORGY RULA

Kandidato ang kuya ni Jomari na si Anjo Yllana sa pagka-congressman ng ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Continue reading below ↓

Totoo ba na unang inialok kay Jomari ang pagtakbo sa CamSur, pero nagpasya siyang manatili sa Parañaque?

“I was part of a group na naghahanap ng kandidato sa distritong iyan,” lahad ni Jomari.

“Kasi, ang daming issues diyan, e! Ang daming issues, ang daming problema na kailangan talagang ma-solve.

“Ahhmm, 'yang offer, totoo naman. It was offered to me, and ang sa akin naman, hindi ko puwedeng iwan ang aking kababayan, ang distrito ko dito sa Parañaque.

“And I was the one who convinced Kuya Anjo to spare his time. Ibigay yung oras niya dun sa lugar na kung saan, e, kakailanganin siya.

“Ang kailangan namin diyan, sa fourth district, e, serbisyo para sa tao. And 'yang district na 'yan, taga-diyan kami talaga, e. Taga-diyan ang mommy ko.

“Ang Garchitorena, ang Centenera na mga kamag-anak namin. Yung mga Centenera at Garchitorena, taga-diyan talaga sa partido, yung fourth district.

“Si Anjo naman is ready to serve, and diyan siya nag-file ng candidacy. He’s running sa fourth district of CamSur.”

Continue reading below ↓

Malamang na natutuwa ang namayapa niyang manager na si Douglas Quijano, aka Tito Dougs, sa pagsabak ni Jomari at iba pang alaga sa political arena.

Napangiti si Jomari, “Malamang, mahulog si Tito Dougs sa kama sa katatawa!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on Ormoc City Mayor Richard Gomez and wife Leyte Representative Lucy Torres-Gomez: "Maaksyon sila. Ahhmm, at saka sa maikling panahon, nakikita mo na talagang pinagbubutihan nila yung ginagawa nila. Hindi sila sasalang sa isang sitwasyon na hindi nila naiintindihan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results