Anong Pinoy film ang unang ipalalabas sa pagbubukas muli ng mga sinehan?

by PEP Troika
Oct 14, 2021
PHOTO/S: Shutterstock

JERRY OLEA

“CINEMAS ARE BACK!” hiyaw ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño nitong Oktubre 14, Huwebes ng gabi, sa Facebook.

Lahad pa ni Chair Liza, “For the first time since the COVID-19 pandemic started, cinemas and theaters are finally allowed to reopen as the National Capital Region (NCR) shifts to COVID-19 Alert Level 3 starting October 16 as announced by Malacañang on October 13.

“The Film Development Council of the Philippines (FDCP) welcomes this development as the agency has also been lobbying for the cinemas to reopen by meeting with the Inter-Agency Task Force (IATF) last August 4 and with the Department of Trade and Industry (DTI) last October 8.

“Based on the guidelines on the pilot implementation of the government's new COVID-19 alert level system, cinemas and movie theaters will be allowed to operate at a maximum of 30% indoor capacity for fully vaccinated individuals and 50% outdoor venue capacity.

Continue reading below ↓

“All cinema employees should also be fully vaccinated against COVID-19 and minimum public health protocols must be strictly followed.

“As the national film agency, the FDCP is thankful for the release of the new IATF guidelines which allows the reopening of cinemas. Although at a limited capacity, this will immensely help not just the livelihood of cinema workers but also the Philippine Film Industry…”

Ano kaya ang unang pelikulang Pinoy na raratsada ngayong 2021 sa mga sinehan?

Tuloy rin ba ang pagpapalabas sa sinehan ng entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2021 next month, at ang Metro Manila Film Festival (MMFF) umpisa sa Disyembre 25.

Ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), nag-post sa kanilang Facebook today na mapapanood sa mga sinehan ng bansa ang Hollywood films na The Matrix Resurrections ni Keanu Reeves, maging ang Venom: Let There Be Carnage ni Tom Hardy.

Noong Oktubre 1, Biyernes, nag-umpisang ipalabas sa mga sinehan ng Amerika ang Venom: Let There Be Carnage.

Continue reading below ↓

Ang ikaapat na The Matrix film ay sa Disyembre 22 itatanghal sa mga sinehan, kasabay ang streaming sa HBO Max sa USA.

Ngayong Oktubre 14, Huwebes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) 7,835 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 2,698,232 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 3.1% (84,850) ang aktibong kaso, 95.4% (2,573,161) na ang gumaling, at 1.49% (40,221) ang namatay.

Ayon pa sa DOH, mag-uumpisa na bukas, October 15, ang unang phase ng pagbabakuna para mga batang edad 12-17 taong gulang na may comorbidities o “Pediatric A3”.

Isasagawa ito sa walong napiling ospital sa Metro Manila.

GORGY RULA

Wala pang update mula sa FDCP kung matutuloy ang 5th Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang huling pahayag ni Chair Liza, buong buwan ng Nobyembre ang filmfest at dito na rin mati-test kung kaya nang gawin sa mga sinehan ang MMFF sa December.

Continue reading below ↓

Samu't sari ang opinyon ng mga tao tungkol dito. May ibang takot pa rin at baka mag-surge na naman ang COVID cases. Ang iba naman ay excited dahil iba raw talagang manood sa loob ng sinehan.

Ibayong pag-iingat lang, at nasa mga tao na rin kung gusto nilang manood sa sinehan o hindi.

Pero ang isa pang ikukunsidera ay ang kalagayan natin sa ngayon. Gusto mang manood sa sinehan, kaya pa ba sa budget ang panonood ng sine?

Ang mahalaga ngayon ay kung may makakain tayo sa araw-araw. Hindi naman essential ang sine.

NOEL FERRER

Isa ako sa mga umaasa noon pa na, sana, magbukas na ang mga sinehan.

Ang tagal na rin kasing nawalan ng trabaho ang mga kasamahan natin, hindi lang sa theater operations kundi pati na iyung mga involved sa produksiyon sa paggawa ng sine.

Ang punto lang—kung ang mga casino ay bukas, ito pa kayang mga sinehan na work of art (sining) ang hindi?

Continue reading below ↓

Basta, observe proper health protocols pa rin, proper ventilation and safeguards talaga.

Start with 30%, tapos 50% hanggang unti-unting dumarami ito hanggang Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results