Watch Now

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz engaged na sa kanyang coach na si Julius Naranjo

by PEP Troika
Oct 16, 2021
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz said "yes" to coach-boyfriend Julius Naranjo when he proposed to the weightlifter Friday night, October 15.
PHOTO/S: Courtesy of Resorts World Manila

NOEL FERRER

Inilabas na ng ating alagang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang Instagram post ang kanyang bagong GINTO—isang singsing na may weightlifting motif mula sa kanyang coach-boyfriend Julius Naranjo na gawa ng Manila Diamond Studio.

Yes, engaged na sina Haidie at Coach Julius!

Naganap ang proposal ni Julius kay Hidilyn sa Sheraton Hotel, Resorts World Manila kagabi, Oktubre 15, Biyernes.

Mensahe ni Hidilyn sa kanyang IG post: "It's YES!

"It was a magical moment with @imjulius.

"I'm grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magYeYES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi , at sumoporta sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you sa lahat ng kasabwat ni Julius, magaling po kayo naging meaningful ang gabi dahil sa inyo."

Nauna nang naganap ang despedida dinner sa dinadayong Vubble sa Sheraton na nagsimula ng 6:30 p.m.

Kasama nina Haidie at Julius ang kanilang mga ate at kuya sa #TeamNOEL na sina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, at Iza Calzado at asawang Booky Boss na si Ben Wintle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Sidebar: Gusto sanang sumama rin nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo pero naka-lock in si Ryan para sa Eat Bulaga.)

Masaya ang naging special dinner ng tatlong couples na nauwi sa proposal na nga ni Julius kay Hidilyn.

Lagi na lang ginagawa ni Coach Julius ang lumuhod kay Hidilyn na pabiro pero wala pa ang singsing bilang prank—pero iba na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang joke nga sa kanila ng kuwelang si Joross Gamboa, “OK lang iprank ang proposal, pero huwag niyo naman sanang iprank ang wedding, ha. Seryosohin niyo yun.”

Hagalpakan sa kakatawa ang mga tao kasama ang trainer-fitness coach expert na si Culver Padilla, na susuportahan din namin ni Hidilyn at Julius sa pagbubukas ng kanyang Home Gym sa Metrowalk soon.

Naroon din kagabi ang ilang kaibigan nina Haidie at Julius, kasama ang kilala at magaling na designer na si Francis Libiran with Arsi Baltazar and Nat Manilag na siyang mag-aasikaso ng kasal nina Haidie sa isang taon.

Salamat sa mga boss ng Sheraton Manila na si Anna Vergara at Resorts World Manila Joee Guilas sa kanilang laging pagkupkop sa amin nina Hidilyn at Julius.

GORGY RULA

Ngayong nakamit na ni Hidilyn yung ginto sa Olympics, nais na rin niyang makamit ang katumbas ng ginto—ang peace of mind at sapat na oras para sa kanyang pamilya at ang pagkakaroon ng pamilya kasama si Julius.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa tamang edad na rin talaga sila, kaya dapat makabuo na ng pamilya. Pero paano kaya ang balak niyang pagsali sa Paris 2024?

Sabi ni Hidilyn sa virtual presscon ng Kuwentong Jolibee: GINTO noong Huwebes, gusto niya ang tuluy-tuloy pa ring training para sa mga susunod niyang sasalihan.

“Tuluy-tuloy pa rin ang training ko. Plano ko, maglalaro ako sa world championship. “Then next year maglalaro sa SEA Games kung matutuloy, then after that titingnan kung paano yung qualifier for Paris 2024.

“Kung kaya at makita yung qualifying na nandun yung bodyweight ko, then tuluy-tuloy po for Paris 2024,” pahayag ni Hidilyn.

Pero ang mahalaga ay ang sarili pa rin niyang kaligayahan kasama si Julius. Kaya abangan na rin natin ang announcement ng wedding.

Next year na kaya ito?

Ang dinig ko, gusto nila ay tahimik lang at baka gagawin nilang destination wedding. Pinag-iisipan na raw nilang gawin sa Baguio sa isang resort na pag-aari ng isang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan na lang natin.

JERRY OLEA

Magkakaroon na lang ng Manila reception party sina Hidilyn at Coach Julius, na katulad ng nangyari noon sa kanilang Kuya Ryan at Ate Juday, maging kina Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Excited na ring bumuo ng pamilya sina Hidilyn at Julius na parehong 30 years old na.

Hindi pa rin titigil sa sports sina Hidilyn at Julius.

Recently, they met with the officials of UP at bukod sa pagpaparangal sa kanila, kinausap na sila ng President ng Pamantasan at Dean ng College of Human Kinetics para magturo ng special subject na weightlifting kapag nagbalik na ang face-to-face classes by school year 2022-23.

Gustung-gusto ni Hidilyn na kumanta si Julius sa kasal nila. May mga original songs daw ito na maganda, at kagabi ay nakantiyawan si Julius na kumanta ng part ng “A Thousand Years.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz said "yes" to coach-boyfriend Julius Naranjo when he proposed to the weightlifter Friday night, October 15.
PHOTO/S: Courtesy of Resorts World Manila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results