Kit Thompson, totoo ba ang pasilip sa Sarap Mong Patayin?

by PEP Troika
Oct 16, 2021
Patuloy ang walang kiyemeng paghubad ni Kit Thompson sa pelikulang Sarap Mong Patayin, na dinirek ni Darryl Yap, at pinagbibidahan din nina Ariella Arida at Lassy Marquez.
PHOTO/S: Jerry Olea / @kitthompson

JERRY OLEA

Nag-Paulo Avelino ba si Kit Thompson?

Sa MMFF 2020 film na Fan Girl, nag-prosthetic penis si Paulo sa eksenang dyumi-jingle siya at sinisilipan ni Charlie Dizon.

Sa pelikulang Sarap Mong Patayin na nag-umpisang mag-streaming nitong Oktubre 15, Biyernes sa Vivamax, may eksenang nagbuyangyang ng ari si Kit sa harap ni Lassy Marquez.

Sarap Mong Patayin movie

Continue reading below ↓

Sarap Mong Patayin movie

Totoo ba ang kapirasong karneng inilantad ni Kit, o prosthetic lamang?

Gaya ni Paulo, merong eksena na umiihi si Kit. Diniligan ni Kit ang katawang lupa nina Lassy at Ariella Arida.

Tunay ba ang ihi na ipinandilig ni Kit?

Ngayong 2021, andaming aktor ang nag-frontal. Pinasimulan iyan ng Anak ng Macho Dancer noong Enero, kung saan walang kiyeme latik ang inilunsad na si Sean de Guzman.

Continue reading below ↓

Nagpasilip din ang co-stars ni Sean na sina Ricky Gumera at Miko Pasamonte, at ilang ekstra kabilang sina Ace Toledo at Jasper Mendoza.

Sa A Girl + A Guy noong Hunyo, pwetmalu ang lalaking bida na si Rob Gomez, pero may dalawa pang aktor na siguradong walang daya ang pagpu-frontal.

May isang lalaki na nagpamukha ng nagngangalit na kadakilaan sa bidang babae na si Alexa Miro, pero mukhang “fake news” iyon.

Sa Lockdown noong Hulyo, hubo kung hubo ang inilunsad na si Paolo Gumabao, walang itinago. Nakipagsabayan sa kanya ang kapwa Vidjakol Boys na sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Dincent Lujero, Neil Suarez at Jeff Carpio.

Sa Silab na noon ding Hulyo nag-streaming sa Vivamax, nag-frontal ang bidang lalaki na si Marco Gomez sa eksena niya sa dalampasigan.

Siyempre, prosthetic yung pinutol at nginata ni Chloe Baretto sa climax ng pelikula.

Sa mga eksena ng putulan sa pelikula, naturalmente, dildo o prosthetic ang hinihiwa — Gabby Concepcion sa Loretta (1994) courtesy of Ruffa Gutierrez, Carlos Morales sa Laro sa Baga (2000) courtesy of Monique Wilson, Paolo Rivero sa Chassis (2010) courtesy of Jodi Sta. Maria.

Continue reading below ↓

Sa Amor y Muerte (2013), nag-prosthetic si Adrian Sebastian sa eksenang naliligo sa falls. Long shot iyon.

Ang isa sa pinagtalunan nang lubos kung totoo ang pagpo-frontal o hindi ay ang isang eksena ni Coco Martin sa Serbis (2008).

Ang co-star doon ni Coco na si Kristoffer King (RIP) ay walang keber sa mga hubaran, at may eksenang bini-BJ roon ng isang babae na ang karakter ay baklang cross-dresser. Babad ang maluwalhating pagsubo ng hitad.

Sa storycon ng pelikulang Moonlight Butterfly noong Setyembre 16 sa Claire’s restaurant sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue, Pasay City, inusisa si Kit kung willing ba siyang mag-frontal if ever i-require ng direktor na si Joel Lamangan.

Sagot ni Kit, “Well, sa akin, okey lang iyon… Siguro, yung lakas ng loob ko, kung saan nanggagaling yung lakas ng loob ko is because… one, I trust my director.

“Kasi, hindi ko ito magagawa kung hindi ako nagtitiwala sa direktor.

Continue reading below ↓

“Two, doon sa frontal, that depends kung saan gagamitin ang materyal. If it’s just gonna be part of that, 'no, I don’t see ano why I should do it…

“Pero if it’s gonna be for something na ano, maybe international film festival, something like that, who knows? Maybe. We’ll see. Sa ngayon, hindi ko pa alam."

GORGY RULA

Obvious na prosthetic ang ipinakitang ari ni Kit Thompson.

Wala siyang kiyemeng maghubad sa mga pelikulang ginagawa niya, pero never pa raw siyang nag-frontal.

Posibleng gagawin daw niya sa susunod niyang projects, pero hindi pa niya masabi kung kailan.

Depende raw sa project, sa director at kung talagang kailangan daw ba niyang gawin.

Itong sa Sarap Mong Patayin ay ewan ko kung talagang kailangan. Hindi erotic ang eksenang iyun, kundi madugo, malangis, mabaho, nakakadiri—na kailangan din naman sa kuwento, base sa mga karakter na ginagampanan nila, lalo na ang kay Kit.

Tama ang sinabi nina Ariella at Lassy nang nakatsikahan namin na sana, kakayanin daw ng sikmura namin ang pelikulang ito.

Continue reading below ↓

May eksena iyong isinuka ni Ariella, ipinakain ni Kit kay Lassy.

Iba kasi talaga ang takbo ng utak ni Direk Darryl Yap, kaya kakaiba rin ang approach niya sa pelikulang ito.

Pagkatapos kong mapanood ang naturang pelikula, parang malapit nang bumaligtad ang sikmura ko.

Parang sarap patayin ang laptop, pero hinintay ko pa rin kung ano ang ending nito. Natapos ko pa rin ang pelikula.

NOEL FERRER

Kit Thompson is becoming one of our hot studs.

Ang maganda lang sa kanya, he does further studies and learning kaya kumuha pa iyan ng acting course abroad.

Sana maging maganda ang mga proyekto niya para magkasaysay ang paglalantad niya ng katawan.

Knowing Kit, he will make it worth his while!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy ang walang kiyemeng paghubad ni Kit Thompson sa pelikulang Sarap Mong Patayin, na dinirek ni Darryl Yap, at pinagbibidahan din nina Ariella Arida at Lassy Marquez.
PHOTO/S: Jerry Olea / @kitthompson
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results