Noli de Castro lilipat sa Frontline Pilipinas ng TV5 matapos umalis sa TV Patrol?

by PEP Troika
Oct 17, 2021
How true na pagkatapos umalis sa ABS-CBN at mag-withdraw ng kanyang kandidatura bilang senador sa 2022 elections ay lilipat na ang veteran broadcaster na si Noli de Castro sa TV5 at magiging bahagi na ng primetime newscast na Frontline Pilipinas?
PHOTO/S: ABS-CBN News YouTube

NOEL FERRER

Si Kabayan Noli de Castro... from TV Patrol to Frontline Pilipinas?

Marami ang nagulat nang mag-resign at finally nagpaalam sa TV Patrol si Kabayan Noli noong isang linggo at nag-file ng kanyang kandidatura bilang senador under Mayor Isko Moreno's Aksyon Demokratiko.

Pero nagulat tayo sa balitang may di pagkakaunawaan sa loob ng partido nila, at sinabi ni Kabayan na gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang broadcast career.

Marami ang nagtanong: babalik ba si Kabayan sa ABS-CBN?

Ang ugong sa Mother Ignacia ay they are not bent on getting Kabayan back. Kasi nga, bukod sa nagpaalam na ito, nasangkot na siya sa politika muli.

Kaya nagtatanong ang mga tao: saan kayang media establishment maninilbihan si Kabayan sa kanyang pagbabalik?

Isa sa mga lumutang na posibilidad ay ang pagsama ni Kabayan sa Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5, lalo pa’t kakaalis lang sa programa ni Raffy Tulfo, na number one ngayon sa Senate survey.

Continue reading below ↓

Ano ang naamoy ninyong balita tungkol dito, mga Ka-Troika?

GORGY RULA

Sabi nga ng mga bakla, Noli Boy de Castro is Noli Boy de Castro!

Puwede na siyang mag-retire, pero tiyak na marami pa ang magkakainteres sa kanya.

Iyon nga lang, ang ibang malalaking TV network, kagaya ng GMA-7, ay maingat sa pulitika, kaya mas mabuting umiwas at huwag na muna siyang kunin.

Pero posibleng mapapanood na nga siya sa Frontline Pilipinas. Abangan natin iyan!

Interesting at exciting din naman panoorin ang mga kilalang broadasters sa ibang TV network.

Bukas, October 18, ng alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga ay mapapanood na ang dating Kapusong si Ali Sotto, kasama ang dating Kapamilyang si Pat-P Daza sa Net 25.

Curious ako kung ano ang bagong mapapanood sa bagong kumbinasyong ito. Dalawang matatapang na babae na magbibigay ng opinyon sa mga maiinit na isyung pinag-uusapan ng ating mamamayan.

Kaya tugma ang titulo ng programa nilang Ano Sa Palagay N'yo?

Continue reading below ↓

Ali Sotto and Pat-P Daza in Ano Sa Palagay N'yo

Nakakasanayan na nating napapakinggan ang mga komentaryo sa umaga ng mga kilalang male broadcasters. Ngayon ay tatapatan sila ng dalawang matapang at charming pa ring mga nanay na may say naman sa mga usaping dapat makarating sa taumbayan.

Sabi ni Ms. Ali, “Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo.”

Continue reading below ↓

Dugtong ni Ms. Pat-P, “Maraming isyu na hindi natin puwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin puwedeng labanan ang mga nangyayari.”

Pero light lang daw ang atake nila na naiintindihan ng lahat.

Kaya abangan natin ‘yan bukas sa NET25 TV, sa Youtube channel at Facebook page ng naturang network, at pati na rin sa Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.

JERRY OLEA

Oktubre 8, Biyernes, naghain ng candidacy si Kabayan Noli de Castro.

Oktubre 13, Miyerkules nang mag-withdraw siya sa pagtakbo sa Senado.

Sa pagre-resign ni Kabayan sa TV Patrol, bumalik si Karen Davila sa flagship newscast ng ABS-CBN simula Oktubre 11, Lunes.

Siyempre, umalis na si Karen sa The World Tonight ng ANC. Ang humalili kay Karen umpisa Oktubre 11 ay ang senior news reporter na si Pia Gutierrez.

Alangan namang bumalik agad-agad si Kabayan sa TV Patrol, at tsugiin sina Karen at Pia sa kinapupuwestuhan nila.

Continue reading below ↓

Maging sa Net25 ay maraming pagbabago umpisa bukas, Oktubre 18.

Sad to say, waley na talaga ang noontime show nilang Happy Time na matagal-tagal nang nagre-replay.

Setyembre 14, 2020 ito nag-umpisang maghatid ng kasiyahan sa televiewers. May mga umasa pa naman na magkakaayos sina Kitkat at Janno Gibbs, at babalik doon para makatuwang muli sa pagho-host si Anjo Yllana.

E, si Anjo, nasibak din noon pa sa Happy Time, at ngayon ay kandidatong congressman sa fourth district ng Camarines Sur.

Siyempre, waley na ring programa sa Net25 si Robin Padilla dahil kandidatong senador. Tama ba ang naulinigan natin na ang butihing maybahay niya na si Mariel Rodriguez ang papalit sa kanya?

Noong Setyembre 11 pa nagtapos ang TV series na Puto sa TV5, kung saan tampok si Herbert Bautista na kandidato ring senador.

Matagal na nang nabalitaan natin na magkaka-noontime show ang PTV 4, kung saan isa sana sa hosts si Boobsie Wonderland.

Continue reading below ↓

Napunta na si Boobsie sa Happy Time, na eventually ay nasibak, pero waley pa rin ang noontime show ng PTV 4.

Ang GMA-7, steady lang sa kanilang programming, patuloy ang pamamayagpag sa ratings.

Lalong pinalakas ng GMA Network ang paghahatid ng balita at local features sa Mindanao sa pagbubukas ng GMA Zamboanga.

GMA Zamboanga station

Continue reading below ↓

Pinangunahan ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso ang official launch ng GMA Zamboanga noong Huwebes, October 14.

Ito ang ikaapat na regional station ng Kapuso Network sa Mindanao, at ikasampu sa buong bansa.

Mula sa state-of-the art studio sa Zamboanga City, ang GMA Zamboanga ang magsisilbing Western Mindanao hub ng GMA Regional TV at maghahatid ng Serbisyong Totoo sa Kapuso viewers sa Zamboanga Peninsula, partikular sa Zamboanga City at mga probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte hanggang sa karatig probinsya ng Basilan, Tawi-Tawi, at Sulu.

Dahil dito, mas lumawak at lumakas pa ang pagbabalita ng unified local Mindanao newscast na GMA Regional TV One Mindanao kasama ang anchor na si Sarah Hilomen-Velasco at co-anchors niyang sina Jandi Esteban mula GMA Davao; Cyril Chaves mula GMA Cagayan de Oro; Argie Ramos mula GMA Zamboanga; at Sheillah Vergara-Rubio at Rgil Relator na parehong magrereport mula sa GMA Davao.

Continue reading below ↓

Kapuso Network lang sakalam!

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How true na pagkatapos umalis sa ABS-CBN at mag-withdraw ng kanyang kandidatura bilang senador sa 2022 elections ay lilipat na ang veteran broadcaster na si Noli de Castro sa TV5 at magiging bahagi na ng primetime newscast na Frontline Pilipinas?
PHOTO/S: ABS-CBN News YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results