Hollywood films coming soon sa mga sinehan; Pinoy films, balik-sinehan na rin

by PEP Troika
Oct 19, 2021
Hollywood films and at least four Pinoy films are expected to premiere in local cinemas now that IATF has approved protocols for such gatherings. Seen in the photos above are Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith for Real Life Fiction, Ryza Cenon for Rooftop, Daniel Padilla for Whether The Weather Is Fine, and Xian Lim for Yorme: The Musical.

JERRY OLEA

Parami nang parami ang naka-lineup na Hollywood films para ipalabas sa mga sinehan ng bansa.

Ngayong Oktubre, ipinu-promote ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ang mga pelikulang coming soon—only in cinemas.

Kabilang diyan ang Dune, No Time To Die, DC League of Superpets, Cyrano, Encanto: A Magical World, Resident Evil: Welcome To Raccoon City, Ghostbusters Afterlife, The Matrix Resurrections, at The Batman.

Year-end offerings ng Marvel Studios ang Black Widow, Shang-Chi and The Legend of the Ten Rings, Venom: Let There Be Carnage, Eternals, at Spider-Man: No Way Home.

"And here you thought you are not going to see your favorite Marvel movies on the big screens!

"Watch out for their Philippine release schedules here!" sabi pa ng CEAP.

Ipapalabas din sa local cinemas ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Whether Is Fine) nina Daniel Padilla at Charo Santos.

Take note na bumababa na ang bilang ng mga nadadagdag na kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula noong nakaraang linggo ay below 9,000 na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Noong Oktubre 11, Lunes, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,292 na karagdagang kaso ng coronavirus.

Ang mga nadagdag na bagong kaso nang mga sumunod na araw ay:

Oktubre 12, Martes: 8,615

Oktubre 13, Miyerkules: 7,181

Oktubre 14, Huwebes: 7,835

Oktubre 15, Biyernes: 7,625

Oktubre 16, Sabado: 7,772

Oktubre 17, Linggo: 6,913

Oktubre 18, Lunes: 6,943

Oktubre 19, Martes: 4,496

Usap-usapan ng showbiz insiders na magbubukas na ang mga sinehan ng Pilipinas sa Nobyembre.

Kaso, may mga sinehang tuluyan nang nagsara, di ba?

Noong Oktubre 16, Sabado, ay nagbukas ang SM City Daet sa Camarines Norte. Ito ang ika-77 na sangay ng SM Mall.

Ang SM City Grand Central, malapit nang mag-open sa Caloocan City. Magpapalabas kaya ng pelikula ang mga mall na ito?

GORGY RULA

Hollywood films ang karamihang nabanggit na pelikula. Baka nga yun ang inaabangan ng karamihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang sabi ni FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra, ang kanyang ahensya ang isa sa nagpupursigeng sana ay i-prioritize muna ang local films na ipalalabas sa pagbubukas ng mga sinehan.

"Patuloy ang pag-engage ng FDCP sa ating mga exhibitors to prioritize screening of Filipino films, lalo pa ngayong kailangang-kailangan ng producers ang kita mula sa sinehan para makabawi sila at maging hudyat ng unti-unting pagbangon ng local industry.

"We have also asked for the support of DTI about this. Kasama sila sa board ng FDCP and they fully support this appeal para matulungan ang film industry sector,” sagot ni Chair Liza nang naka-chat ko nung Lunes, October 18.

Bahagi ito ng kampanya nilang "#NoodTayoNgSine" para lalong maengganyo ang taumbayan na bumalik ang interes nila sa panonood sa sinehan.

Ang isa pa sa inaasahan sa susunod na buwan ay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na dapat ay gagawin sa buong buwan ng November.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mukhang hindi na kakayanin dahil kapos na para sa promotion.

Tiniyak ng FDCP chairperson na tuloy na tuloy ang PPP. Hindi pa niya masabi kung kailan ang eksaktong date.

"Initially, this was the suggestion event to pilot the opening of the cinemas pero nag-ECQ bigla.

"So, right now, we resumed our talks with the cinemas for this partnership para matulungan ang local producers, lalo na ang mga merong pelikulang nakabinbin at hindi pa ipinapalabas," saad ni Chair Liza.

NOEL FERRER

Puwede nating sabihin ang ideal scenario na dapat i-prioritize ang pagpapalabas ng local films.

But the reality on the ground is, nang hingan ng listahan ang local distributors and producers ng local films na handa nang ipalabas at i-program sa mga sinehan, tatlong titles pa lang ang isinumite at lahat iyon ay pawang galing Viva.

From someone in production, the three local films are Yorme starring McCoy de Leon and Xian Lim; Real Life Fiction starring Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith; at Rooftop starring Ryza Cenon, Ella Cruz, and Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil, ang iba’y naghihintay ng kahihinatnan ng resulta ng Metro Manila Film Festival 2021 screening na ang deadline of submission of entries ay sa katapusan ng Oktubre.

Naiintindihan natin ang pagiging bantulot ng local producers at distributors, at ang pagkakaroon ng wait-and-see attitude sa pagbubukas ng mga sinehan.

We thought the PPP can pave the way for a good opening salvo sa pagbubukas ng sinehan.

But definitely, sana masigla na muli ang lahat sa pagdaraos ng taunang Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan.

JERRY OLEA

Ngayong Martes ng gabi, Oktubre 19, naglabas ng pahayag ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay sa reopening ng mga sinehan sa National Capital Region (NCR):

“While the COVID-19 pandemic forced many establishments to reduce its accessibility, the cinemas were forced to close temporarily. Now, after over a year of being closed, we are happy to announce that — CINEMAS ARE BACK.

“The Film Development Council of the Philippines supports this development as we have also been lobbying for the cinemas to reopen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Last August 4, 2021, FDCP officially presented to the IATF its proposal to reopen the cinemas, presenting industry data on the losses of the industry and best practices of how the rest of the world slowly resumed operations of their cinemas through health and safety protocols.

“The Agency proposed that the reopening could be anchored through the Pista ng Pelikulang Pilipino to premiere Filipino films.

“More recently, FDCP also had a meeting with Trade and Industry Secretary Ramon Lopez last October 8, 2021 where the Agency highlighted how much impact the closure of cinemas have had not just on cinema workers but film workers as well because producers need the cinemas to be able to screen their films.

“With that, we are thankful that they listened to the requests of the cinemas and allowed them to operate again.

“With the guidelines of the pilot implementation of the government’s new COVID-19 alert level system, cinemas and movie houses in areas under Alert Level 3 starting October 16 are allowed to operate at a maximum of 30% indoor capacity for fully vaccinated individuals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As the cinemas patiently waited for this decision, they have also been preparing to further ensure the safety of the moviegoers through having their personnels fully vaccinated and readying their facilities, and complying with the minimum health standards set by the government.

“In aid, the FDCP also offered Basic Occupational Safety and Health training to the cinemas through the Safe Filming's Safety and Health Officer Training Seminar (SHOTS) in partnership with the Department of Labor and Employment - Occupational Safety and Health Center (DOLE-OSHC).

“To continuously support the cinemas and promote the safety and health of the movie-goers, we are continuing our ‘Nood Tayo ng Sine’ campaign aiming to encourage the moviegoers to support our local cinemas and at the same time advocate for safe movie watching inside the movie houses.

“Furthermore, the FDCP is currently working and coordinating with the Department of Health (DOH), DTI, and IATF for the set of safety and health protocols for the cinemas. Kindly expect these protocols to be posted on our ‘Nood Tayo Ng Sine’ page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The FDCP is truly grateful for the consideration of reopening the cinemas, as though at a limited capacity, this will immensely help not just the livelihood of cinema workers but also the Philippine Film Industry.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood films and at least four Pinoy films are expected to premiere in local cinemas now that IATF has approved protocols for such gatherings. Seen in the photos above are Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith for Real Life Fiction, Ryza Cenon for Rooftop, Daniel Padilla for Whether The Weather Is Fine, and Xian Lim for Yorme: The Musical.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results