Claire Castro, gusto ring makatikim ng matinding sampal mula kay Cherie Gil

by PEP Troika
Oct 28, 2021
Claire Castro, aminadong nadadala niya noon ang kanyang karakter sa Nagbabagang Luha: "Napansin ko po ang mga words ni Cielo na sinasabi ko po... e, yung mga words na yun na sinasabi ko po, hindi ko naman po sinasabi yun prior to the show. So, yung mga mannerism po niya, yung mga expression po niya, I admit po parang after taping, parang ang bilis ko po ma-annoy bigla. E, hindi naman po ako ganun before."
PHOTO/S: @clairevcastro on Instagram

GORGY RULA

Aminado ang Kapuso actress na si Claire Castro na marami pa siyang kailangang pag-aralan sa pag-arte, kahit marami na siyang natutunan sa mga na-experience niya sa katatapos lang na GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha.

Gusto pa raw niyang magdagdag ng workshops para makakuha ng tamang atake sa mga susunod na role na gagampanan niya.

Hinubad na ni Claire ang karakter ni Cielo sa Nagbabagang Luha, at bukas na siya sa pag-aaral sa mga susunod na role na gagampanan niya.

Malayung-malayo raw ang karakter ni Cielo sa pagkatao niya, pero minsan ay parang nadadala niya ito. Kaya tinuruan daw siya ng kanyang ng acting coach kung paano iwan sa set ang karakter in Cielo at bumalik sa totoong Claire.

“Napansin ko po ang mga words ni Cielo na sinasabi ko po... e, yung mga words na yun na sinasabi ko po, hindi ko naman po sinasabi yun prior to the show.

Continue reading below ↓

“So, yung mga mannerism po niya, yung mga expression po niya, I admit po parang after taping, parang ang bilis ko po ma-annoy bigla. E, hindi naman po ako ganun before.

"Pero I’m fine na po now kasi I feel like Claire again. I’m taking time for myself. I’ve been hanging out with my family.

“So I can say that I’m fully Claire again,” pahayag ni Claire sa kanyang virtual mediacon noong Miyerkules, October 27.

Pero dahil pinag-uusapan pa rin ang matinding "pambubugbog" sa kanya ni Direk Gina Alajar sa isang matinding eksena sa Nagbabagang Luha, tinanong si Claire kung sino pa sa mga magagaling na aktres ang gusto niyang ma-experience ang matinding pananampal, sabunot, paglublob sa cake, at iba pa.

“Siguro po…. oh my gosh! Baka po si Ms. Cherie Gil? Isa po siya sa magaling na konrabida and it would be an honor din po na masampal ni Ms. Cherie Gil,” nakangiti niyang sagot.

Continue reading below ↓

Na-experience na raw niya ang pananampal ni Direk Gina, makukumpleto ito kung makakatikim din siya mula kay Cherie Gil.

Sinasabi raw ng co-stars ni Claire na mas bagay sa kanya ang kontrabida roles, pero okay rin daw na makatikim siya ng sampal at sabunot sa mga magagaling na artista, kagaya ni Direk Gina, para magising siya sa taping at makapag-perform nang maayos.

Bukod sa Nagbabagang Luha, nakapag-guest na rin si Claire sa ilang drama anthology ng GMA-7. Gusto raw niyang makatrabaho uli si Mon Confiado na magaling ding aktor.

Pero ang isa pa raw sa excited siyang makatrabaho ay si Ai-Ai delas Alas.

Hindi lang daw siya sure, kaya ayaw niya munang ikuwento, pero sa pagkakaalam niya ay kasama si Ai-Ai sa susunod na project na gagawin niya sa GMA-7.

NOEL FERRER

Napag-alaman nating gusto rin ni Claire na makagawa ng horror film. Okay rin daw siyang magpa-sexy.

Pero aling title ang mas gusto niyang ibansag sa kanya: Kapuso Pantasya ng Bayan o Kapuso Breakout Star?

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Mas gusto ko po sana yung Breakout Star. Kasi po, kung pantasya po ng bayan, meaning for my looks lang po.

"Pero kung breakout star, more on what I can do and how I can entertain people."

Matipid ang sagot ni Claire nang kinumusta sila ng kanyang mommy na si Raven Villanueva.

“Actually po, I haven’t been in contact for a long time. Also, mostly because of our schedules.

"Nothing… no bad blood or anything. Ayun po.

“But I would love to reach out din po kahit papano, para po mangamusta.”

JERRY OLEA

Bongga si Claire, may follow-up project na sa Kapuso Network. Sinusundan ba niya ang mga yapak ni Katrina Halili?

Maliban kay Cherie Gil, makabubuti sigurong malasap din ni Claire ang sampal ng premyadong character actress na si Odette Khan!

Ang tinaguriang Bagong Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo, umiwas sa pagpapa-sexy. Sino kaya ang aangkin sa title na iyan?

Continue reading below ↓

I wonder… kaya ba ni Claire na pantayan ang nagbabagang pa-boobey ni Raven sa pelikulang Dos Ekis (2001) na tinampukan din nina Rica Peralejo at Mark Anthony Fernandez, sa direksiyon ni Erik Matti?

Speaking of breakout star, whatever happened to Anna Vicente na gumanap bilang hitad na si Beatrice sa Ang Dalawang Ikaw? Anong title ang angkop sa kanyang alindog at attitude?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire Castro, aminadong nadadala niya noon ang kanyang karakter sa Nagbabagang Luha: "Napansin ko po ang mga words ni Cielo na sinasabi ko po... e, yung mga words na yun na sinasabi ko po, hindi ko naman po sinasabi yun prior to the show. So, yung mga mannerism po niya, yung mga expression po niya, I admit po parang after taping, parang ang bilis ko po ma-annoy bigla. E, hindi naman po ako ganun before."
PHOTO/S: @clairevcastro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results