Mygz Molino, hindi pa nakakapag-move on sa pagpanaw ni Mahal

by PEP Troika
Nov 1, 2021
Mygz Molino on Mahal: “Sa bahay kasi, nakikita mo siya kahit saan. Sa kuwarto, sa mesa. Kaya minsan, hindi na ako natambay sa bahay, dun na ako sa likod. Naalala ko palagi siya. Sobrang hirap niyang kalimutan. Hindi pa ako naka-move on sa nangyari sa kanya.”
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

GORGY RULA

Humagulgol ang indie actor at vlogger na si Mygz Molino nang nakapanayam ito sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) kagabi, October 31.

Sa Halloween episode ng naturang comedy show, special guest nila si Mygz, at in-interview ito nina Boobay, Super Tekla, at ng Mema squad.

Hirap nang magsalita si Mygz para sagutin ang mga tanong tungkol kay Mahal dahil iyak na lang siya nang iyak, habang pinapanood ang huling guesting nilang dalawa sa TBATS.

Ayon kay Mygz, hanggang ngayon ay sobrang nami-miss pa rin niya ang komedyante at ang kanyang partner sa kanilang YouTube channel, at hindi pa rin daw siya nakapag-move on sa biglaang pagpanaw ni Mahal.

“Hindi mawawala sa akin yung mga tawa niya, ngiti niya. Yung mga binibigay niyang kasiyahan, sa pamilya ko, sa mga taong sumusuporta sa kanya.

“Kasi, gusto ko iparamdam sa kanya yung mga hindi niya nagawa nung mga dati-dati pa,” paputul-putol na pahayag ni Mygz dahil sa pag-iyak.

Continue reading below ↓

Mygz Molino cries in The Boobay And Tekla Show

Madalas daw na nagpaparamdam sa kanya si Mahal na idinadaan sa paru-paro at sa mga panaginip.

“Ang ano sa akin, yung paru-paro, kasi ngayon lang nangyari sa akin yun. Sa panaginip.

“Sa bahay kasi, nakikita mo siya kahit saan. Sa kuwarto, sa mesa. Kaya minsan, hindi na ako natambay sa bahay, dun na ako sa likod. Naalala ko palagi siya. Sobrang hirap niyang kalimutan.

Continue reading below ↓

“Hindi pa ako naka-move on sa nangyari sa kanya,” dagdag na pahayag ni Mygz.

Kahit si Buboy Villar, na bahagi rin ng TBATS, ay nagsasabing nasaksihan niya sa taping ng Owe My Love kung paano alagaan ni Mygz si Mahal.

“Talagang sobrang sipag ni Kuya Mygz, kasi hindi naman talaga nakakahakbang si Mahal ng hagdan.

“So, binubuhat pa ni Kuya Mygz yun. Binubuhat niya… hanggang sa nag-pack up, lahat ng gamit.

“Nakakabigla ang mga pangyayari,” pakli ni Buboy.

Nagpapasalamat si Mygz sa lahat na sumusuporta sa tandem nila ni Mahal.

Nangako rin siyang ipagpatuloy pa rin niya ang mga vlog na ginagawa nila dati ni Mahal at pagpapahatid ng tulong, kagaya ng ginawa nila kay Mura.

NOEL FERRER

Ang unang reaksiyon ko—sa dinami-dami ng katunog na pangalansino si Mygz? Siya pala ang taong nagmahal kay Mahal.

Napag-usapan daw nina Mygz at Mahal na ipagpapatuloy pa rin nila ang mga ginagawang vlog, at gagawin daw ito ngayon ni Mygz.

Continue reading below ↓

Lahad ni Mygz, “May mga usapan naman kami about sa mga content. Yung tulong namin na gagawin na naumpisahan nga namin kay Mura.

"This time kasi, may mga nagsasabing ituloy ko din.

“Talagang tuloy pa rin 'yan, kung ano man ang nasimulan namin ni Mahal.

“Ituloy pa rin, kasi mas nagugustuhan niya yung mga gagawin namin sana ngayon, yung pagtulong, yung pagbigay sa mga nangangailangan, yun talaga ang gagawin namin talaga.

“Ang masasabi ko lang po, itutuloy ko pa rin po yung mga nasimulan namin. At alam ko po hindi naman kayo bibitaw para sa amin, para sa akin.

“Kung ano man po yung nasimulan, gagawin at gagawin po namin hanggang sa dulo.

“Itong gagawin ko po ay alay kay Mahal. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”

JERRY OLEA

Tuloy ang pagtulong ni Mygz sa mga nangangailangan, sa ngalan ni Mahal.

Tuloy… Bukas Ang Pinto ang huling movie ni Mahal, kung saan may eksenang umakyat ito sa hagdan.

Continue reading below ↓

At any rate, nagpapasalamat din si Mygz sa pamilya ni Mahal na mabait daw sa kanya at nangakong magiging bahagi pa rin siya sa pamilya ng namayapang komedyante.

“Alam naman po nila ang mga naging samahan po namin ni Mahal. So, nagpapasalamat po talaga ako din sa kanila.

"Dahil kung hindi po sa kanila, wala po yung tipong bonding na maggu-grow sa aming dalawa ni Mahal.

“Kung hindi po dahil sa suporta ng pamilya niya, hindi kami maggu-grow.

“Kung ayaw po ng magulang niya o ng pamilya niya, hindi naman magtutuloy ‘to, e. Pero dahil naging gusto ng pamilya niya yung samahan namin… sobrang nagpapasalamat din po ako sa kanila sa kanilang kabaitan dahil hanggang sa nung nawala din si Mahal, nandiyan din sila, nagbibigay ng advice sa akin na maging malakas ako.

“Although, pamilya na nga din sila, so kailangang ganundin ang gawin ko sa kanila na ipakita ko na kaya ko din. And at the same time, sabi nga ng kapatid ni Mahal na si Ate Irene, na pag nagtagal o nakapag-move on ako, huwag daw sana ako mawawala sa kanila.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, parang ako na lang daw ang huling makikita at alaala ni Mahal para sa akin.

“So, ang pangako ko po sa kanila, hinding-hindi ko bibiguin yung mga kagustuhan nila. At kahit hindi po sasabihin nandun at nandun pa rin yung suporta na ibibigay ko sa kanila.

“Basta kami naman, in good terms naman kami lahat na magkakapatid niya, si Tita at saka mga pamangkin niya, okay naman kami lahat.

“Kaya ang masasabi ko sa kanila, maraming-maraming salamat din at tuloy natin yung laban. Kung ano yung nasimulan ni Mahal, tatapusin natin, at itutuloy din natin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mygz Molino on Mahal: “Sa bahay kasi, nakikita mo siya kahit saan. Sa kuwarto, sa mesa. Kaya minsan, hindi na ako natambay sa bahay, dun na ako sa likod. Naalala ko palagi siya. Sobrang hirap niyang kalimutan. Hindi pa ako naka-move on sa nangyari sa kanya.”
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results