Dalawang celebrity weddings ang magaganap sa November 11

by PEP Troika
Nov 4, 2021
blind item celebrity weddings

GORGY RULA

Dalawang wedding ceremony ang aabangan natin sa Nobyembre 11, Huwebes: ang wedding ng controversial couple, at kasal ng anak ng isa ring kontrobersiyal na celebrity.

Mabuti at bumaba na ang COVID cases kaya inaasahang bababa na rin ang alert level sa NCR.

Ngayong Nobyembre 4, Huwebes, nakapagtala ang Department of Health ng 1,766 karagdagang kaso ng COVID-19. Mayroon namang naitalang 2,591 na gumaling, at 239 na pumanaw.

Sa 2,795,642 na kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,159) ang aktibong kaso, 97.1% (2,714,658) na ang gumaling, at 1.57% (43,825) ang namatay.

Nasa mga probinsiya ang venue ng dalawang wedding, na mas maluwag ang safety protocols, kaya medyo nagdagdag ng invited guests.

Iyong isang wedding ay sa Calabarzon region. Iyong isa pa, either sa Central Luzon or Ilocos region.

Susubukan ng PEP Troika na makakuha ng update sa dalawang weddings na ito. Hindi raw nila ito itatago, at makikita sa kanilang social media account ang mga kaganapan sa kasal.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin!

JERRY OLEA

Powerful ang numerology ng 11/11 (Nobyembre 11) kaya itinuturing itong isa sa pinakamasuwerteng araw ng taon.

Pinapaniwalaan na ang 11/11 ay mabuting araw ng pagsisimula, kaya naman magandang petsa ito ng pagpapakasal.

Ito ngang PEP Troika ay nag-umpisa noong Nobyembre 11, 2017!

Best wishes sa dalawang magsing-irog na mag-iisang dibdib sa susunod na Huwebes. Mabuhay!

NOEL FERRER

Masaya tayo sa mga magsisimula ng panibagong kabanata ng kanilang buhay. Happy Anniversary rin sa atin sa PEP Troika!

Kung bubuhayin natin ang ating PEP Troika Talk, sino kaya ang maaari nating guests? Sana, itong couple na ito na kasabay natin ng anniversary!!!

Kung sila ay lumalagay sa tahimik, tayo naman sa PEP Troika ay hindi mapapatahimik!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results