A Girl and A Guy, No. 1 na sa Netflix PH dahil sa frontal nudity at love scenes?

by PEP Troika
Nov 5, 2021
netflix movie
Mga baguhang artista na sina Alexa Miro at Rob Gomez, agaw-atensiyon ang erotic film sa Netflix Philippines.
PHOTO/S: Instagram / Netflix

JERRY OLEA

Number 1 na sa Netflix Philippines ang pelikulang Pinoy na A Girl + A Guy nitong Nobyembre 4, Huwebes ng gabi.

Nakipagpalitan ito ng puwesto sa Army of Thieves!

Nitong Thursday afternoon na nakapuwesto pa sa #2 ang pelikula, nag-post ang direktor nitong si Erik Matti sa Facebook:

"I am surprised at the attention A Girl and A Guy is getting in Netflix. I dont have Tiktok but I am told a lot are talking about the film there. Twitter is hot too.

"I was disappointed when this came out a few months back because I wanted the film to speak to a particcular set of movie audience but somehow only a few have seen it.

"I’m happy for the cast and crew of our film for this second wind at Netflix. This is my personal film that, no matter small, packs a whole lot of things to say about the young.

Continue reading below ↓

"Glad that now it’s been seen. And by the targeted audience themselves I presume. Congratulations!!!!"

Noong Hunyo 24 nag-streaming ang nasabing pelikula sa Upstream. Baguhan ang mga bida ritong sina Alexa Miro at Rob Gomez, maging ang karamihan sa mga artistang suporta.

Walang kiyeme sa pagpo-frontal si Alexa, samantalang pwetmalu lang si Rob. Dalawang supporting actors ang nag-frontal nang totoo.

Mula noong Setyembre ay K-drama ang nangunguna sa Netflix Philippines. Palitan noon sa top spot ang Hometown Cha Cha Cha at Hospital Playlist. Kinabog sila ng Squid Game, na umariba sa Netflix worldwide.

As we have reported before, Squid Game ang unang South Korean drama series na pumasok sa Top 10 ng Netflix US at nag-number 1!

Sa Netflix Philippines, ang kumabog sa Squid Game ay Hometown Cha Cha Cha, na eventually ay tinalbugan ng Army of Thieves na prequel ng Army of the Dead.

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling Pinoy na palabas na nag-number 1 sa Netflix Philippines ay ang pelikulang A Faraway Land nina Paolo Contis at Yen Santos na nag-umpisang mag-streaming noong Agosto 19.

Continue reading below ↓

At any rate, nasa Top 10 pa rin ng Netflix Philippines ang seryeng He’s Into Her nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Nasa number 4 na ito.

November 5, Biyernes, mag-uumpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang mga pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh at Yesterday, Today, Tomorrow.

Nobyembre 8 naman ang streaming ng seryeng I Am U nina Julia Barretto at Tony Labrusca.

Nobyembre 17 ang The Fabulous Filipino Brothers na idinirek at pinagbidahan ni Dante Basco. Tampok din dito sina Solenn Heussaff at Tirso Cruz III.

Nobyembre 18 ang Cinemalaya 2018 film na Pan de Salawal, na ang international title ay The Sweet Taste of Salted Bread and Undies. Tumutusok sa puso ang pelikulang ito nina Miel Espinosa at Bodjie Pascua.

Nobyembre 19 ang Regal movies na Desperadas, Desperadas 2, at My Best Friend’s Girlfriend.

Nobyembre 25 ang Izla nina Paolo Contis, Beauty Gonzalez, Isabelle Daza, Elisse Joson, Archie Alemania, Analyn Barro, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Niño Muhlach.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Am I missing anything at hindi ko pa napapanood ang No. 1 Netflix content sa Pilipinas ngayon?

Rated R-18+ ito dahil Violence, Sex, Nudity, Language. Is this any better than the Vivamax movies na ang turing ng iba nating kasamahan sa industriya ay ang Seiko Films counterpart ng Gen Z?

From September to November, may bagong pelikulang palabas ang Vivamax:

September 3: 69 + 1

September 10: The Housemaid

September 17: Bekis On The Run

September 24: Paraluman

October 1: Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso

October 8: Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan

October 15: Sarap Mong Patayin

October 22: House Tour

October 29: Sa Haba ng Gabi

November 5: Barumbadings

November 12: Mahjong Nights

November 19: More Than Blue

November 26: My Husband, My Lover

I want your reactions on these contents na popular ngayon!!!

GORGY RULA

Hindi ko pa rin napanood ang A Girl and A Guy.

Continue reading below ↓

Kung mami-maintain nilang nasa Top 10 ng Netflix Philippines, ibig sabihin ay maganda at nagustuhan ito ng mga manonood lalo na ang mga nasa Gen Z.

Nagustuhan nila ang kuwento, hindi lang basta hubaran.

Siyanga pala, may ilang producers palang hindi nag-submit ng finished film nila sa MMFF dahil may commitment na sila sa Netflix.

At least, kahit paano, may naitutulong ang Netflix at iba pang streaming app sa ating movie industry.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga baguhang artista na sina Alexa Miro at Rob Gomez, agaw-atensiyon ang erotic film sa Netflix Philippines.
PHOTO/S: Instagram / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results