John Lloyd Cruz, kasali na kaya sa Christmas station ID ng Kapuso network?

by PEP Troika
Nov 7, 2021
john lloyd cruz kapuso sitcom
Nakatakdang ipakilala si John Lloyd Cruz bilang pinakabagong Kapuso sa Martes, November 9. Anu-ano kayang mga proyekto ang gagawin niya sa GMA-7?
PHOTO/S: @crownartistmgmt on Instagram

GORGY RULA

Iba’t ibang kuwento ang nasasagap ng PEP Troika tungkol sa official announcement ng pagiging Kapuso ni John Lloyd Cruz.

Walang duda na si Lloydie nga ang ipakikilalang bagong Kapuso sa Nobyembre 9, Martes, pero ayaw pa itong kumpirmahin ng mga taga-GMA-7 na pinagtanungan namin.

Kagaya rin kaya ng pag-welcome kay Bea Alonzo ang gagawin sa kanya? Ang dinig namin ay bibigyan din siya ng grand welcome na gaganapin sa EDSA Shangri-La.

Isa pang kuwentong pinag-uusapan, sitcom daw muna ang gagawin ng aktor.

Parang may pagka-Home Sweetie Home din daw ang tipo ng sitcom na ito, pero wala muna siyang permanent leading lady. Iba-ibang Kapuso actress daw muna ang makakasama niya.

Totoo kayang karamihan sa production staff ng sitcom ni Lloydie sa Kapuso network ay galing ng ABS-CBN?

Totoo rin kayang si John Lloyd din ang creative consultant nito? Malamang na si Direk Bobot Mortiz din daw ang magdidirek.

Continue reading below ↓

Malalaman din sa Martes ang buong detalye ng unang project na gagawin ni John Lloyd sa Kapuso network, at kung ano pa ang iba niyang gagawin sa GMA 7.

Kasali na kaya siya sa kanilang Christmas station ID?

NOEL FERRER

Will it be a network contract that Lloydie will be signing or a per-show deal na isa siya sa may say?

Matagal na ring tumataya si Lloydie sa projects na gusto niya talagang gawin.

His films with Lav Diaz are co-prods kaya hindi na nakapagtataka kung tataya rin siya sa programa niya if ever.

Let’s see how it pans out—katulad din ng pagpasok na finally ng sexy na Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Let us see kung anong balita ang lilikha ng matinding ingay this coming week! Exciting!

JERRY OLEA

Happy at excited tayo sa pag-welcome ng mga Kapuso sa A-lister na si John Lloyd Cruz.

If ever, magkasama kaya sina Bea at John Lloyd sa Christmas Station ID ng GMA Network?

Continue reading below ↓

For sure, looking forward ang Kapuso actresses na makaeksena ang isa sa pinakamahusay na aktor ngayon.

Siyempre, abang-abang din tayo sa mga kaganapan sa pag-welcome kay Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano. Naulinigan nating nakalatag na ang schedule ng 11th cycle ng kanilang lock-in taping sa Ilocos mula sa home quarantine hanggang RT-PCR, na may antigen test tuwing taping break.

Nabalitaan nating doon na sila aabutin ng misa de gallo, at ilang araw bago mag-Pasko sila magtatapos ng lock-in taping.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang ipakilala si John Lloyd Cruz bilang pinakabagong Kapuso sa Martes, November 9. Anu-ano kayang mga proyekto ang gagawin niya sa GMA-7?
PHOTO/S: @crownartistmgmt on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results