Gameboys The Movie, may theatrical showing sa Japan

by PEP Troika
Nov 14, 2021
Poster of Gameboys The Movie in Japanese.
Naka-schedule ng January 21, 2022 theatrical release ang Gameboys The Movie sa Japan.
PHOTO/S: Courtesy of IdeaFirst

JERRY OLEA

Noong Hulyo 30 pa nag-umpisang mag-streaming ang Gameboys The Movie sa KTX.

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung kailan at saan mapapanood ang Season 2 ng unang Pinoy BL series, na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Ipapalabas kasi muna ang Gameboys The Movie sa Enero 21, 2022, Biyernes sa Japan.

Ilang sinehan?

“Hindi ko alam, e. Iba kasi ang set-up nila sa Japan,” sabi ni Direk Perci Intalan nang maka-chika namin noong Nobyembre 12, Biyernes sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Si Direk Perci ang katuwang ni Direk Jun Lana sa The IdeaFirst Company na nag-produce ng Gameboys series at movie.

Dagdag ni Direk Perci, “Masaya lang. May translation, e. Nakalimutan ko lang yung translation. Ha-ha-ha-ha!

“Sa Tokyo ang simula ng theatrical showing. I think, roll out sila, e. Hindi yung simultaneous.”

Paano na yung Season 2 ng Gameboys?

“Hay, naku! E, di, hihintayin namin yung international dahil may impact. Siyempre, hindi kami makapaglabas sa YouTube nang basta-basta habang hindi pa nakalatag yung international release ng movie.

Continue reading below ↓

“Worth the wait naman yung Season 2 ng Gameboys. Sabi ko, definitely kailangang mauna muna yung Japan.”

Pupunta ba sina Elijah at Kokoy sa Japan para makita ng fans nila roon?

“Noong una, hindi makuha yung schedule ni Kokoy dahil sa taping ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento,” tugon ni Direk Perci.

“Pero gumalaw yung schedule ni Kokoy. So, ngayon, available siya uli. Si Elijah, pwede. Iniikot namin yung schedule ni Elijah, e.

“Ang tanong namin, kung may quarantine. Kasi, dati, ilang araw ka lang, 'tapos, balik ka. Taping ka na ulit.

“Pero gusto naming pumunta roon si Kokoy dahil… wala lang. Gusto naming pumunta. Ha-ha-ha-ha! Joke!”

Sa Japan nag-umpisa ang yaoi (boys’ love, BL) noong 1970s, kaya “homecoming” ang pagtatanghal doon ng pelikula ng EliKoy (Elijah at Kokoy), o CaiReel (Cairo + Gavreel, characters nila sa Gameboys).

Co-prod ng The IdeaFirst Company sa pelikula at season 2 ng Gameboys ang tatlong Japan-based companies—108JAPAN Co., Ltd, Aeon Entertainment Co., Ltd., at Hakuhodo DY music & pictures Inc.

Continue reading below ↓

Ang 108 JAPAN ang mangunguna sa International Sales and Distribution outside the Philippines. Ang Aeon Entertainment Co., Ltd. ay para sa Theatrical Distribution sa Japan, at ang Hakuhodo DY music & pictures Inc. ay para sa Home Entertainment Distribution doon din sa Japan.

“Nang mabalitaan nila yung Season 1 ng Gameboys, nag-inquire sila. Sinabi ko, may movie at Season 2. Natuwa ako at nag-invest sila,” lahad ni Direk Perci.

“Sabi nila, yung lahat ng inquiries, positive. Ipapalabas sa TV sa Japan yung Season 1 ng Gameboys, gaya ng nangyari dito.”

Streaming sa Netflix ang Season 1 ng Gameboys (Level-Up Edition) umpisa Disyembre 30, 2020. Hunyo 13, 2021 naman ito nag-umpisang umere sa Heart of Asia, na digital channel ng GMA Network.

Ano raw ang nagustuhan ng tatlong Japan-based companies sa Gameboys?

Napangiti si Direk Perci, “Sinabi kasi nila na maingay na BL. So, nabalitaan nila yun na it’s noisy. 'Tapos, siyempre, ipinagmalaki nila na ang BL, nanggaling sa Japan.

Continue reading below ↓

“Oo naman. Sabi ko, ‘Oh, yes! It’s exciting that in a way, Gameboys is going to its roots. Inaano ko pa sila na maglabas sila ng manga. Sige na, gawin n’yo nang manga!”

GORGY RULA

Parang ganito rin ang pagtanggap nila sa isang pelikula ng Idea First na Die Beautiful (2016). Umikot din ito sa naturang bansa, at tinangkilik ito ng mga kababayan natin doon sa Japan.

Itong Gameboys ay itu-tour din daw nila roon sa iba’t ibang lungsod ng Japan, kaya maganda kung makakasama roon sina Kokoy at Elijah.

Nakakatuwa at tuluy-tuloy na ang pag-alagwa ng kanilang career.

Katatapos lang ni Elijah ng pelikulang About Us But Not About Us na talagang gustong gawin ito ni Direk Jun Lana para sa kanya.

Parang Anino sa Likod ng Buwan ang tipo ng pelikulang ito kung saan si Romnick Sarmenta lang ang kasama rito ni Eljah.

“Dalawa lang sila pero ang challenging ng roles nila,” pakli ni Direk Perci Intalan.

Continue reading below ↓

Okey na okey si Kokoy sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at maaring mabigyan siya ng isa pang project sa GMA-7.

Pero may binabalak din ang IdeaFirst na isang mapangahas na pelikula para kay Kokoy.

Sexy raw ang pelikula at mapapasabak muli si Kokoy sa hubaran.

NOEL FERRER

If there’s anything about Elijah at Kokoy, nagtiyap ang mundo nila sa isang grupo tulad ng Idea First Company na sila ang sentro ng magaganda, makabuluhan, at tinatangkilik ng mga tao na mga proyekto.

Hindi lang kasikatan ang meron sila, kundi husay at maayos na pakitungo sa mga tao.

Kaya hindi lang Gameboys, kundi sina Elijah at Kokoy pati na ang Idea First ang pinagpapala.

Masaya tayo para sa kanila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-schedule ng January 21, 2022 theatrical release ang Gameboys The Movie sa Japan.
PHOTO/S: Courtesy of IdeaFirst
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results