Kilalang showbiz couple, ikinasal na ngayong November 15

by PEP Troika
Nov 15, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

May nakarating na kuwento sa PEP Troika na ikinasal na ang isang kilalang showbiz couple ngayong Nobyembre 15, Lunes.

Sa totoo lang, matagal nang gustong magpakasal ng magsing-irog pero maraming mga kaganapan kaya nabago ang mga plano. Pero gusto raw ni aktor na makasal na sila kaya napagpasyahan nilang gawin na ito ngayong araw.

Hindi lang namin makumpirma sa ilang taong malapit sa kanila dahil mas gusto naman siguro ng bagong kasal na sa kanila ito manggagaling. Kaya hindi pa namin kinukuha ang ibang detalye.

Pero ayon sa nasagap namin, civil wedding daw ito na ginanap sa isang maliit na lugar malapit sa kanilang tahanan. Simpleng seremonya na sinaksihan ng pamilya at malalapit na kaibigan.

Masaya kami para sa aktres dahil sa dami na rin naman ng mga pinagdaanan niya, ngayon ay settled na siya at may katuwang sa hinaharap.

Hindi magtatagal at lalabas din naman ito na maaring ia-announce sa kanilang YouTube channel. Abangan na lang natin!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Huling linggo ng Oktubre nang mabalitaan nating engaged na ang showbiz couple.

Ang akala natin ay sa susunod na taon pa magiging legal wife ng mahusay na aktor ang thirtysomething na aktres.

After all that they’ve gone through, maligaya tayo na ikinasal na sila.

Ang iba kasing couples sa showbiz, noong nakaraang taon pa engaged pero hindi pa naikakasa ang pag-iisang dibdib.

Iyong iba naman ay nagbunga na ang pag-iibigan, pero wala pa sa hinagap na magpatali sa isa’t isa, at sapat na ang mga hanash at char-char sa social media.

Kaya mula sa ating puso, isinisigaw natin… MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!

NOEL FERRER

Lubos tayong maligaya at nanumpa na sila sa kanilang forever.

Inaabangan natin ang iba pang showbiz couples na magpapakasal bago matapos ang taon.

Kung magiging Alert Level 1 na sa Disyembre, malamang na maengganyo ang ibang magsing-irog na magpakasal na rin kahit civil lang.

Continue reading below ↓

At makikisigaw tayo… “Mabuhay Ang Bagong Kasal!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results