Rabiya Mateo on next boyfriend: "Baka na-traffic sa EDSA."

by PEP Troika
Nov 18, 2021
Rabiya Mateo Kapuso
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on her mom's advice about her dream to become an actress: "Sinabi niya sa akin, 'If you really want this one, I’m gonna fight for you. Just make sure na your mind and your heart are 100 percent in the perfect place in show business.'"
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

GORGY RULA

Tatlong taong kontrata ang pinirmahan ni Rabiya Mateo sa GMA-7.

Ipinakilala siya sa entertainment press bilang bagong Kapuso ngayong Huwebes, November 18.

Doble-doble ang tuwa niya dahil malaking project agad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang Agimat ng Agila kung saan makaka-partner niya si Senator Bong Revilla.

Bukod sa honored siyang maging leading lady ni Senator Bong, malaking pressure daw sa kanya na papalitan niya ang dating posisyon ni Sanya Lopez.

Kasama pa rin naman si Sanya, kaya parang dagdag na sahog daw siya sa Season 2 ng action-fantasy series ni Senator Bong.

"Ako po, I consider myself na parang kunyari po kung si Sanya ang asin, I’m an additional ingredient sa ulam. Hindi ko siya mapalitan. Mahal siya ng tao. Siya yung nag-establish din ng agimat.

"So, ako nandun. And siguro I’m willing to learn something from both of them.

"Sana po, pag magkasama kami sa Agimat, mas mag-strong pa po yung friendship namin," pahayag ni Rabiya sa virtual mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA-7 pagkatapos niyang pumirma ng kontrata.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay sa pag-arte siya magpo-focus at maisasantabi muna ang love life. Okay raw sila ng dati niyang boyfriend na si Neil Salvacion at nananatili silang magkaibigan.

Sakaling magka-boyfriend siya uli, sinabi ni Rabiya na itatago niya ito.

Paliwanag niya: "Siguro, hindi ko naman po hinahanap yung pag-ibig and I learned my lesson from what happened in the past, yung issues in the past.

"Siguro po, if magbu-boyfriend ako, hindi natin masasabi. Siguro, sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po.

"Para at least… kasi hindi madi-discover ng public yung bagay na hindi nila alam."

Hindi raw siya nagmamadali, at okay raw na single muna siya ngayon.

"Marami pang nangyayari sa buhay ko, and that excites me.

"Kung darating, darating. Pag hindi, hintayin na lang natin.

"Baka na-traffic sa EDSA," napapangiting pahayag ni Rabiya.

NOEL FERRER

Solong namumuhay sa Maynila si Rabiya. Nasa Iloilo ang pamilya niya, at nakausap niya ang kanyang mama na binasbasan ang pagpasok niya sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

Gusto ni Rabiya na makapag-ipon sa pag-aartista, dahil balak niyang ipagpatayo ng bahay sa Iloilo ang kanyang ina.

"Sinabi niya sa akin, 'If you really want this one, I’m gonna fight for you.

"'Just make sure na your mind and your heart are 100 percent in the perfect place in show business.'

"And I told my mom na, 'I’m gonna take the risk. I’m gonna do it, kasi this is also my dream. I don’t wanna have regrets in life. I'm doing this for you guys as well.'

"Kasi, aminin po natin, mas madali po tayong makakaipon, mas malaki po yung opportunity na maibibigay po sa atin.

"So, ngayon po si Mama, supportive siya. But she’s in Iloilo with my brother.

"Ako lang po sa Manila, solo, independent.”

JERRY OLEA

Simula Oktubre 1, napapanood ang Miss Universe Philippines 2021 via streaming at video-on-demand sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV.

Continue reading below ↓

Bahagi ng coronation night ang final walk at mga sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang pagpasa ng korona kay Beatrice Luigi Gomez.

Matutunghayan naman ang unang Wish Ko Lang guesting ni Rabiya sa Nobyembre 27, Sabado ng 4:00 pm, pagkatapos ng Tadhana sa GMA Network.

Kasami ni Rabiya sina Jeric Gonzales at Kim Rodriguez sa episode na pinamagatang "Magkaibigan."

Next year pa natin mapapanood ang Season 2 ng Agimat ng Agila.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on her mom's advice about her dream to become an actress: "Sinabi niya sa akin, 'If you really want this one, I’m gonna fight for you. Just make sure na your mind and your heart are 100 percent in the perfect place in show business.'"
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results