Shido Roxas, ipinagpapasalamat na hindi siya nakuha sa Lockdown

by PEP Troika
Nov 19, 2021
shido roxas nelia
Shido Roxas on doing frontal nudity in a movie: “Ayoko po. Pwedeng ano lang… pag ganun po kasi, baka mag-bottomless na lang. Takpan ko na lang yung mukha ko! Kung meron tayong tinatawag na frontal, ako, bottomless. Tatakpan ko na lang yung mukha, bahala kayo kung sino ang nagpakita diyan!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naikunsidera si Shido Roxas na lumabas sa pelikulang Lockdown, na pinagbidahan ni Paolo Gumabao sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Natanggal ba siya sa cast dahil ayaw niyang mag-frontal nudity?

“Naku, tito, supportive ako sa pelikulang yun!” bulalas ni Shido nang makausap namin noong Nobyembre 12, Biyernes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City kung saan ini-announce ang walong official entries ng MMFF 2021.

Kabilang sa napiling entries ang Nelia, na pinagbibidahan ni Winwyn Marquez, at gumanap si Shido bilang doktor.

Pagpapatuloy ni Shido, “I even posted in on my social media kahit hindi ako nakasama sa film.

“Kasi, there are actors who are more deserving who would go all out for that film, and why not?!

“Then, given a chance, Paolo Gumabao, he portrayed the role very well. He won an award. So, I’m just happy for the outcome of the film, pati kina Direk.

“It’s just that… hindi ko po kasi kaya talaga, e! Kasi, wala nga akong scandal na may ganun, e! More so na magpapakita pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron po talagang ano, ahh… may tatlong meetings po kasi 'yan. Kasi, sabi ko sa manager [Leo Dominguez] ko din, kay Tito Dennis [Evangelista, line producer], saka kay Direk, ‘Direk, hindi ko po talaga kasi kayang maging ganyan.’

“Ito po yung parang film na ipagdadasal mo na, ‘Sana, hindi po ako makuha!’ Kasi, hindi ko po talaga kaya yung hinihingi.”

Sakaling may next movie offer na kailangan pa ring mag-frontal, papayag na ba siya?

“Ayoko po. Pwedeng ano lang… pag ganun po kasi, baka mag-bottomless na lang,” sambit ni Shido.

“Takpan ko na lang yung mukha ko! Kung meron tayong tinatawag na frontal, ako, bottomless.

“Tatakpan ko na lang yung mukha, bahala kayo kung sino ang nagpakita diyan!”

E, kung prosthetic penis? Ginawa iyon ni Paulo Avelino sa Fan Girl, Marco Gomez sa Silab, Kit Thompson sa Sarap Mong Patayin, at nina Christian Vazquez, Kiko Matos, Mark Manicad, at Marco Alcaraz sa Manipula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes! Yes! Basta may prosthetic na hindi sa akin yung makikita, OK lang sa akin yun,” saad ni Shido.

OK lang na imo-mold sa private part mismo niya ang prosthetic na gagamitin?

Napangiti si Shido, “Hindi naman tayo mapapahiya diyan! Ako naman, low key lang… pero hindi pa panahon para mag-frontal.”

Siyanga pala, makikisaya si Shido at Nelia co-stars na sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, at Juan Carlos Galano sa pag-uumpisa ng 2021 Manila K-town Cha-Cha-Cha Fest ngayong Nobyembre 19, Biyernes ng 5:00-11:00 p.m., sa Remedios Circle, Malate, Manila.

GORGY RULA

Sa totoo lang, may projects naman si Shido kahit hindi na niya kailangang mag-frontal nudity.

Kagaya nitong Nelia na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021. Last year ay kasali rin siya sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari, na kagaya ng Rainbow’s Sunset ay idinirek ni Joel Lamangan.

Excited si Shido sa Nelia, kung saan may love scene sila ni Ali Forbes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Looking forward siya sa Parade of Stars, sa kalye man iyan o sa ilog. At least, feel na feel na niya ang MMFF sa ganitong medyo lumuwag na at sana mabalik na sa dating normal, di ba?

Seryoso si Shido sa kanyang pagiging aktor. Kaya hindi raw niya ang isinasara ang posibilidad na mapapahubad siya. Pero depende pa rin sa project na ipagkakatiwala sa kanya.

Sana mabigyan siya ng magandang project na makilala siya bilang si Shido Roxas at matandaan talaga siya. Kasi, ang dami niyang kamukha, e.

Kaya nang lumapit siya sa ilang movie press sa Novotel para bumati, nagtanungan ang lahat kung sino yung lumapit sa kanila dahil naka-face mask pa, kaya di agad nakilala na si Shido Roxas pala yun.

NOEL FERRER

Gumanap si Shido bilang young Eddie Garcia sa MMFF 2018 entry na Rainbow’s Sunset.

Nag-viral ang lunok blooper niya sa Wish Ko Lang episode with Christopher de Leon noong Agosto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time kong nakita si Shido sa MMFF 2021 presscon and he seems to be proper and articulate. Sana, ultimately he will bag a role na hindi niya matatanggihan and would define his worth in this industry.

Good luck, Shido, and good luck sa Nelia sa MMFF. See you at the Fluvial Parade!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shido Roxas on doing frontal nudity in a movie: “Ayoko po. Pwedeng ano lang… pag ganun po kasi, baka mag-bottomless na lang. Takpan ko na lang yung mukha ko! Kung meron tayong tinatawag na frontal, ako, bottomless. Tatakpan ko na lang yung mukha, bahala kayo kung sino ang nagpakita diyan!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results