Royce Cabrera, pinaghandaan ang maharot na sexy dance sa Broken Blooms

by PEP Troika
Nov 19, 2021
Royce Cabrera topless photo
"Sa ngayon po, puro home workout pa rin naman ako. Tuloy pa rin ang displina at consistency talaga pagdating sa workout," saad ni Royce Cabrera kung paano ma-maintain ang kanyang sexy abs.
PHOTO/S: @royce.cabrera Instagram

JERRY OLEA

Ang galing-galing at ang harot-harot gumiling ni Royce Cabrera bilang macho dancer sa pelikulang Broken Blooms.

Pinag-aralan pa ba niya iyon?

"Yes po. Kapag may role kasi na napupunta sa akin, inaalam ko talaga kung paano ang magiging takbo ng story niya sa script," tugon ni Royce nitong Nobyembre 19, Biyernes, via Messenger.

Dagdag niya, "Kaya kapag parte siya ng eksena ay pinag-aaralan ko talaga."

Hangang-hanga ang production designer na si Jay Custodio sa ganda ng katawan ni Royce, partikular sa six-pack abs niya.

"Sa ngayon po, puro home workout pa rin naman ako. Tuloy pa rin ang displina at consistency talaga pagdating sa workout," lahad ni Royce.

Kumustang katrabaho ang bida sa Broken Blooms na si Jeric Gonzales?

Sagot ni Royce, "Mahusay si Jeric. Kitang-kita mo na aral niya talaga ang character at ang buong story nito. Pinag-aralan niya talaga ito nang mabuti."

Kumusta rin ang pakikipagtrabaho sa direktor ng pelikula na si Louie Ignacio?

Continue reading below ↓

"Ang gaan at ang saya. First time ko maka-work si Direk Louie at sobrang kabado pa talaga ako dahil batikang direktor siya," sabi ni Royce.

"Wala pa akong idea kung paano ang treatment niya. Pero as we go on sa shoot, mararamdaman mo talaga yung pag-aalaga niya sa ‘yo at talagang tutulungan ka niyang mabigay yung best acting mo para sa mga scenes na ginagawa ninyo."

Bagamat may gay characters at gay bar scenes sa Broken Blooms ay hindi ito gay movie, bagkus ay naka-focus ang istorya sa struggles ng batang ama na si Jeremy (karakter ni Jeric) nang mag-umpisang lumaganap ang pandemya.

Maaga kasi silang nagkaanak ng 20-anyos na asawa niyang si Cynthia (Therese Malvar).

Dahil sa COVID-19 pandemic, nawalan ng trabaho si Jeremy, maging ang ina niyang si Jocelyn (Jaclyn Jose), at pinsan na si Romy (Royce Cabrera).

GORGY RULA

Kasama rin si Royce sa pelikulang Arisaka ni Maja Salvador, at sa isa pang pelikula.

Continue reading below ↓

Kumusta ang mga pelikulang iyon?

"Ok naman, masaya. Kasi, binigyan nila ako ng tiwala na mapasama sa mga pelikula nila," sabi ni Royce.

"Sa ngayon, wala pa akong balita kung saan at kelan natin mapapanood ang mga yun, pero sigurado ako, malapit na ;yan at talagang aabangan ng lahat."

Kasali rin si Royce sa pelikulang Got 2 Bilibid Magic na bida sina Albie Casiño at EJ Jallorina.

Agosto 2020 pa ito natapos ni Direk Rod Singh.

"Ang ganda ng pelikulang yun, kasi it’s about fantasy na nasa loob ng kulungan. Kaya halu-halong emosyon ang makikita natin sa pelikula," kuwento ni Royce.

"Daming scene at character na medyo ikakagulat at ikakatawa ng iba. Kaya abangan natin 'yan. Sigurado ako, pinupulido na 'yan ni Direk Rod Singh para mas ma-enjoy panoorin ng lahat."

Siyanga pala, bida rin si Jeric sa episode ng Magpakailanman ngayong Nobyembre 20, Sabado, 8:15 p.m., sa GMA-7.

"Male Sex Slave sa Saudi" ang title ng episode kunsaan ipapakita ang matinding paghihirap at sakripisyo ni Jim, isang OFW sa Saudi Arabia, para mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang daming projects ni Royce, ha?! After the Kapuso afternoon series na Nagbabagang Luha, wala pa siyang bagong TV series.

Pero hindi siya nauubusan ng movie offers at TV guestings.

Andiyan pa ang second season ng Pinoy BL series na Quaranthings.

Sana lang, maka-jackpot siya ng project na talagang papantay sa critical at commercial acclaim ng Cinemalaya 2019 film nila ni Kokoy de Santos na Fuccbois.

Ok naman ang pagme-mainstrean TV niya, pero parang pambayad bills pa lang ang mga assignment niya.

Dito medyo nakaalagwa sa kanya si Kokoy dahil bukod sa breakthrough projects ay nagka-endorsements din.

I guess, it helps to have a career trajectory in this case, and careful planning and networking.

Sana marating din yun ni Royce!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon po, puro home workout pa rin naman ako. Tuloy pa rin ang displina at consistency talaga pagdating sa workout," saad ni Royce Cabrera kung paano ma-maintain ang kanyang sexy abs.
PHOTO/S: @royce.cabrera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results