MTRCB bukas sa dialogue with directors; priority ba ang censorship ngayong pandemya?

by PEP Troika
6 days ago
MTRCB DGPI censorship
Hindi pabor ang Directors' Guild of the Philippines (DGPI) na sakupin ng MTRCB ang pag-regulate sa mga inilalabas na pelikula at serye sa mga streaming platforms. Sambit naman ng MTRCB: "We also adhere to the principle that freedom of expression is not absolute."
PHOTO/S: File

JERRY OLEA

Humigit-kumulang limang taon na ang usapin kung dapat bang i-regulate ng MTRCB ang Netflix at iba pang online streaming service.

Pag-upo pa lang ni Maria Rachel Arenas bilang MTRCB chairperson noong Enero 2017 ay inurirat na ito sa kanya.

Sa MTRCB Budget 2020 hearing noong Setyembre 2019, sinabihan ni Senador Win Gatchalian si Arenas na dapat i-regulate ng MTRCB ang Netflix, maging ang Apple TV at Amazon Prime.

Sa pagtalaga kay Atty. Jeremiah Jaro nitong Oktubre 2022 bilang bagong MTRCB chairman, napag-usapan rin ng board ang tungkol sa Netflix, maging ang Vivamax na sanrekwang mga erotic films ang kabilang sa releases simula Enero 2021.

Kabilang sa bagong erotic films ng Vivamax this year ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Death of A Girlfriend, Kaka, Silab, The Other Wife, Nerisa, Taya, 69 + 1, The Housemaid, Paraluman, House Tour, Mahjong Nights, My Husband, My Lover, at Pornstar 2: Pangalawang Putok.

Continue reading below ↓

VIVAmax movies

Ilan sa sexy nymphets ng Vivamax sina AJ Raval, Cindy Miranda, Kylie Versoza, Rhen Escaño, Sunshine Guimary, Angeli Khang, Rose Van Ginkel, Ana Jalandoni, at Jela Cuenca.

Sandamakmak pang lumang erotic films ang umariba rin sa Vivamax.

At may ibang local streaming platforms na nagpalabas ng mga mapangahas na pelikula, ngunit itong Vivamax ang ratsada sa paghahain ng mga pelikulang pang-adults.

Continue reading below ↓

Sa layunin ng MTRCB na talakayin ang pagre-regulate sa Netflix Philippines at iba pang streaming platforms, pumalag ang Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI).

Naglabas ng official statement ang DGPI kaugnay rito nitong Nobyembre 20, Sabado ng hapon. Nais ng DGPI na makipag-dialogue sa MTRCB.

Nitong Nobyembre 21, Linggo ng hapon, ay hiningan ng PEP ng reaksiyon ang Executive Director II at Spokesperson ng MTRCB na si Benjamin Benaldo tungkol sa nasabing isyu.

Pahayag ni Benaldo, “We welcome the stand of DGPI. The Board and our new Chair Jaro [are] open for a dialogue and will discern in the coming weeks the role of the MTRCB on online streaming.

“Let us wait for this. President Duterte appointed a deep and well represented Board. I believe they will honor the letter of the Law as well as the spirit of PD 1986.

“As DGPI invoked the fight of our National Artist Lino Brocka against the Marcos dictatorship and censorship, we put a premium to freedom of expression. We also adhere to the principle that freedom of expression is not absolute.”

Continue reading below ↓

MTRCB spokesperson Benjo Benaldo on censorship

GORGY RULA

Sa tingin ko lang, mas masalimuot ang isyung ito kapag papasukin na ng MTRCB ang mga streaming platforms.

Samu’t sari ang mga opinyon tungkol sa pag-regulate ng mga napapanood sa Netflix, Vivamax, Upstream, KTX, iWant TFC, RAD, at marami pa. Madali kasing buksan at panoorin ang mga ito ng mga kabataan.

Continue reading below ↓

Pero paano ba ito mareresolba? Paano lilinawin ng gobyerno kung hanggang saan ang saklaw ng MTRCB, FDCP, at iba pang ahensiya?

Mahabang usapin pa ito na sana mabigyan ng pansin pagkatapos ng eleksiyon.

Pero bilang mas may mahalaga pang bagay na dapat pansinin ng ating gobyerno, mas mabuting magkaroon ng dialogue ang MTRCB, filmmakers, at iba pang stakeholders.

Kasi kahit sa national budget, hindi rin priority ang MTRCB at ang iba pang ahensiyang may kinalaman sa ating industriya.

Kaya dapat na magkaroon ng maayos na pag-uusap kung paano ito harapin para mabigyang-pansin kung ano ang nararapat nating panoorin.

Pero dapat mabantayan rin ng mga magulang at pati mga guro kung ano ang nararapat na panoorin ng ating mga kabataan.

NOEL FERRER

Kaisa ako ng DGPI sa pagsasabing ayuda at hindi dagdag na control ang kailangan ng filmmakers at producers, lalo na ngayong gusto nating bumangon sa gitna ng pandemya.

Alam natin na every time magpapa-review ka ay may bayad. 'Tapos, naka-hang ka palagi sa desisyon ng isang board na hindi mo alam kung naiintindihan ang ginawa mo dahil iba’t iba ang oryentasyon ng mga ito.

Continue reading below ↓

Tama na ang dagdag na control. Free the artists na, harinawa!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pabor ang Directors' Guild of the Philippines (DGPI) na sakupin ng MTRCB ang pag-regulate sa mga inilalabas na pelikula at serye sa mga streaming platforms. Sambit naman ng MTRCB: "We also adhere to the principle that freedom of expression is not absolute."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results