Mahusay na young actress, binigyan ng fat memo

by PEP Troika
6 days ago
Sino itong mahusay na young actress na binigyan ng fat memo ng kanyang home network at pinagbakasyon muna sa kanyang TV show para mabigyan ng sapat na panahong sumabak sa kanyang balik-alindog program.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

In terms of generosity, ang undisputed Santa Claus ng showbiz ngayong 2021 ay si Gretchen Barretto.

Sa recent storycon ng pelikulang Broken Blooms, isiningit ng beteranong aktor na si Lou Veloso ang pasasalamat kay La Greta sa pamamahagi nito ng biyaya sa mga taga-showbiz, kahit sa mga hindi nito kakilala.

Ang paayuda ni Gretchen… not once, not twice, but more and more, maski itanong pa ninyo kina Francis Simeon at Ana Abiera.

Sadyang Beautiful Girl with a Beautiful Heart ang peg ni Gretchen sa panahon ng pandemya, gayong hindi siya kandidato sa eleksyon. Kaya isa tayo sa taimtim na nagdarasal upang pagpalain pa siya lalo ng Maykapal.

Samantala, in terms of being chubbylicious… malaki ang laban ng mahusay na young actress sa pagiging dalagang Santa Claus.

Sa trailer ng pelikulang pinagbibidahan niya, ibang klase ang pintog ng kanyang mga pisngi. Kabog ang talap-talap na Muhlach ensaymada na may isang dosenang flavor!

Continue reading below ↓

Payanig ang kanyang pabilbil, at mahihiya ang Excelente ham sa Quiapo sa lusog ng kanyang mga binti.

Naalarma ang mga nagmamalasakit sa kanyang career kaya binigyan siya ng memo at pinagbakasyon muna sa kanyang TV show upang may sapat na panahon sa balik-alindog program.

Kung hindi kasi mapipigilan ang paglumba-lumba ng kanyang katawang lupa, magmumukha siyang tiyahin ng kanyang ka-tandem na habang tumatagal ay lalong kumikisig.

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang absence ng mahusay na young actress sa isang weekly show na napanood ko kamakailan.

Ang sagot ng production staff nang hinanap ko siya, may lakad lang daw siya noong araw ng taping.

Natawa na lang sila nang sinundan ko ng tanong, baka may pinuntahang handaan.

Kasi naman, napapagsabihan na raw ang mahusay na young actress ng mga kaibigang medyo dahan-dahan sa pagkain.

Ang lakas daw kasi talaga. Ewan ko lang kung stress-eating ba ito.

Sana disiplina talaga. Kasi ang looks ang isa sa puhunan ng mga artista.

Continue reading below ↓

Dapat na pumayag-payat na siya, dahil magiging visible siya, kasama ang ka-tandem niya sa mga susunod na araw.

NOEL FERRER

Matagal na naming napag-usapan ito ni Nanay Lolit Solis, paano nga ba ito naging leading lady?

Hindi naman sa pagba-body shaming, ha, pero sa tingin siguro ng network na pinagtatrabahuhan niya, kailangang may disiplina rin ang mga contract star nila, lalo pa’t sinasabing nadadagdagan ng unwanted pounds ang isang tao sa harap ng camera.

So, paano na lang kung tuluyang magpabaya ang mahusay na young actress?

Hindi lang naman siya ang nabigyan ng ganitong memo. Meron na rin namang ganitong kaso in the past.

Ito’y bilang pagpapaalala sa kanila na sa propesyong ito, dapat may disiplina talaga.

Kung ang mga pulis nga ay nagagawang magbawas ng timbang, ang mga artista pa kaya?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong mahusay na young actress na binigyan ng fat memo ng kanyang home network at pinagbakasyon muna sa kanyang TV show para mabigyan ng sapat na panahong sumabak sa kanyang balik-alindog program.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results