Alden Richards, yummylicious sa The World Between Us, season 2

by PEP Troika
6 days ago
Alden Richards
Alden Richards, inamin ang matinding lifestyle change bilang preparasyon sa kanyang role sa balik-telebisyong GMA-7 teleserye na The World Between Us. Aniya, “I really had to change my lifestyle. Hindi lang po sa diet at exercise. Lifestyle po yung binago ko, kasi paglabas po namin after the third lock-in po namin bago po kami mag-final lock-in, talagang binago ko po lahat." (Photo credit: @aldenrichards02 on Instagram)

GORGY RULA

Ang laki ng iginanda ng katawan ni Alden Richards nang sumalang siya sa huling cycle ng lock-in taping ng Kapuso primetime series na The World Between Us (TWBU).

Sa All-Out Sundays nitong Nobyembre 21, Linggo kung saan kasama ni Alden na nag-promote sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, dini-dare ni Jasmine si Alden na magpakita ng abs.

Biglang atras si Alden na ayaw itaas ang suot niyang polo shirt.

Nung nakaraang virtual mediacon ng naturang drama series, sinabi ni Alden na ang laki talaga ng sakripisyo niya para paghandaan ang transition ng role niya bilang Louie Asuncion.

May mga binago siya lalo na sa kanyang diet, kaya na-achieve niya ang magandang pangangatawan.

Ani Alden, “Ang naging promise po kasi namin in The World Between Us is may mga character transitions, isa na po dun yung character ko.

“So, physically, yes. I really had to change my lifestyle. Hindi lang po sa diet at exercise. Lifestyle po yung binago ko, kasi paglabas po namin after the third lock-in po namin bago po kami mag-final lock-in, talagang binago ko po lahat.

Continue reading below ↓

“Ganun po siya. When you commit something to the audience and to the character, you will do everything talaga para mabigyan ng chance. Kasi, ito po yung teleserye sa buong buhay ko na nagkaroon po ako ng preparation na kahit sa mga days na dapat ipahinga, I still work on it kasi it will show po, e.”

Hindi lang si Alden, kundi lahat na main cast ng naturang drama series ay aminadong may pressure ito sa kanila, dahil tiyak na mataas ang expectations sa kanila.

Sabi nga ni Dina Bonnevie, “The expectations of course were high cause we ended on a very high note. Parang yung ending confrontation namin ni Yachi [Jaclyn Jose], if you remember.

“So, parang kailangan you have to break the record. You have to meet your own record na ito, mas matindi ngayon ang acting ko dito.”

Pero hindi mo rin mapi-please ang lahat.

Merong masasabi at masasabi ang ilang netizens na di maganda. Pero ipinagkabit-balikat na lamang nila ito.

Continue reading below ↓

Sabi na lang ni Alden, “Dito po sa industriya natin lalo now in social media, people are really entitled to their own opinions, but we can’t help it.

“Kami naman po, we used that as inspiration. We, as creators, we used that as inspiration to make our projects better and pleasing to other people who support us naman.

“Ako naman po, para sayangin po nila yung oras nila sa mga bagay po na ganyan, mag-focus na lang po sila sa ibang bagay.

“Mag-focus on themselves rather than putting other people down and other projects down na hindi nagsu-surpass sa expectations nila.

“Kasi, at the end of the day, we know to ourselves, as being on this project, we know that we did a good job, a great job rather na ipakita at maipagpatuloy ang istorya ng TWBU.

“So, God bless na lang po sa kanila and Merry Christmas at Happy New Year.

Continue reading below ↓

“Bagu-bago din po, magnu-New Year na!”

Sa Lunes na, November 22, mapapanood ang pagbabalik ng TWBU, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

NOEL FERRER

Very good iyan kay Alden na hindi siya nagiging kampante sa estado niya at patuloy ang self-improvement.

Ngayon, ang pagpapa-yummy naman ang next level niya!

Pero teka, kung gusto talagang i-level siya sa pagiging prime artist ni Coco Martin sa Kapamilya network, bakit kaya iniiwas ang teleserye ni Alden sa iconic FPJ’s Ang Probinsyano?

Dati ay salpukan sila sa timeslot, nang pumalit ang TWBU sa First Yaya na bonggang-bongga ang ratings, di ba?

JERRY OLEA

Harinawang lumakas pa ang ratings ng TWBU para worth it ang pagpapaganda ng katawang lupa ni Alden.

Malalaman pa kaya natin kung ano ang bagong diet ni Alden? O mananatili itong epic secret?

Nobyembre 15 sana ang pagbabalik ng primetime teleserye ni Alden, pero na-delay ito ng isang linggo. Ipinaubaya na ng TWBU ang timeslot nito sa I Left My Heart In Sorsogon kung saan nagpapakilig sina Heart Evangelista at Paolo Contis.

Continue reading below ↓

Kahit may Chiz Escudero si Heart, at nali-link pa rin si Paolo kay Yen Santos, may spark ang kanilang tandem. May sexual tension.

So, simula Nobyembre 22, Lunes ay sunud-sunod na matutunghayan natin sa GMA Telebabad ang I Left My Heart In Sorsogon, The World Between Us, at To Have and To Hold.

Sa pag-atras ng timeslot ng kabitseryeng To Have and To Hold ay harinawang ma-maintain nito ang ratings, lalo pa’t umiinit ang love triangle nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, inamin ang matinding lifestyle change bilang preparasyon sa kanyang role sa balik-telebisyong GMA-7 teleserye na The World Between Us. Aniya, “I really had to change my lifestyle. Hindi lang po sa diet at exercise. Lifestyle po yung binago ko, kasi paglabas po namin after the third lock-in po namin bago po kami mag-final lock-in, talagang binago ko po lahat." (Photo credit: @aldenrichards02 on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results