Ali Forbes, "nakipagharutan" kina Raymond Bagatsing at Shido Roxas sa Nelia

by PEP Troika
5 days ago
ali forbes nelia
Ali Forbes on running for councilor in Quezon City in 2022 elections: “Kung ano man po ang mangyari, masaya ako. Kasi, araw-araw po, parang nagcha-charity ako. So, ako po, naka-focus ako na mas marami akong matutulungan kung may mga ordinansa akong magawa para sa ikabubuti ng mga kasamahan ko sa Distrito Sais. Malaking bagay na po yun sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Files

JERRY OLEA

Mapangahas ang papel ni Ali Forbes sa MMFF 2021 official entry na Nelia. Nakipagharutan siya kina Raymond Bagatsing at Shido Roxas.

“Sobrang gentleman nila!” napangiting bulalas ni Ali sa launch ng 2021 Manila K-Town Cha-Cha-Cha Fest nitong Nobyembre 19, Biyernes ng gabi, sa Remedios Circle, Malate, Manila.

“Challenging talaga yung eksena namin ni Kuya Raymond, kaya inalalayan niya ako.

“Before kami mag-take, tinatanong niya ako, ‘OK lang ba ito? Dapat, Ali, ganito ang gawin natin.’

“So, hindi siya mahirap na gawin dahil yung mga kasama kong aktor, e, talagang inaalalayan ako. Katulad din ni Shido, ganun din siya.

“Sobrang… iniisip nila kung uncomfortable na ako, kaya siguro nagawa rin namin nang maganda yung bawat eksena po.”

ali forbes raymond bagatsing shido roxas nelia

Continue reading below ↓

Ali Forbes with Raymond Bagatsing (left) and Shido Roxas (right)

Gustong gawin ni Direk Joel Lamangan ang period film na La Puta, at nakalaan iyon para kay Ali.

“Under ALV Production iyon. Kaya lang po, right now, sobrang busy rin po si ALV [Arnold L. Vegafria] dahil kandidato po siya sa pagka-mayor ng Olongapo,” sambit ng beauty queen turned actress.

“Sabi ko nga po, may proper timing. Baka hindi pa po ito ang right time, kaya hindi pa po namin nagagawa.

“But I’m hoping po na magawa pa rin namin, at magkaroon pa kami ng ibang projects with Direk Joel Lamangan.”

Excited si Ali sa pelikulang Nelia dahil markado ang role niya rito, at nakalagay ang mukha niya sa poster. Looking forward din siya sa MMFF Parade of Stars sa Disyembre 23.

Siyanga pala, kandidata si Ali sa pagka-konsehal sa District 6 ng Quezon City, na sumasakop sa New Era, Culiat, Sangandaan, Baesa, Tandang Sora, at Sauyo.

Continue reading below ↓

Lahad ni Ali, “Before po kasi, nagcha-charity events ako, before pa po ako nag-Binibining Pilipinas, bago pa ako mag-PBB.

“Nakakasama na po ako bilang volunteer sa orphanage. Mga 2010 pa po yun. Volunteer pa lang po ako nung una dahil wala naman akong maibibigay. Hindi ko sila mapapakain.

“Hanggang kalaunan, nung meron na akong konting maise-share sa kanila, dun na po ako nag-start na magkaroon ng events.

“Nung dumating na po yung pandemic, lahat tayo, nahirapan. Lahat po talaga, tinamaan. May mga times po kasi na ang dami nang humihingi sa akin ng tulong.

“Hindi ko na po kayang mag-isa, so ang naisip ko po noon, ‘Paano ko ba matutulungan pa ang ibang humihingi sa akin ng tulong?’

“May kumakatok sa bahay, nanghihingi ng bigas. Dire-diretso po yun. Tapos po, one time, si Congressman Winnie Castelo, tinanong niya ako, kumusta yung mga charity events ko?

“Sinabi ko, yung malalaki, hindi ko na naipagpapatuloy. Medyo kasi hindi na ako active sa showbiz, e, dun ko rin naman kinukuha yung mga ipinancha-charity ko.

Continue reading below ↓

“Tapos, sabi niya, ‘Sumama ka sa amin. Mas marami kang matutulungan pag sumama ka sa amin.’

“Sabi ko, ‘Ano po bang gagawin? Kasi, hindi naman po ako politician.’

“Sabi niya, ‘Meron tayong layunin, ang makatulong tayo sa mga kababayan natin. Alam mo kasi, Ali, pag meron kang naka-back up sa iyo ang gobyerno, mas marami kang matutulungan in a right way.’

“Sabi ko, ‘Sige, po.’ Yun lang. Actually, yun lang po, e. Yung goal ko lang, marami akong matulungan.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘Ang haba-haba pa… medyo challenging itong pinasok ko,’ pero kasi, naka-stick lang ako sa goal ko.

“Kung ano man po ang mangyari, masaya ako. Kasi, araw-araw po, parang nagcha-charity ako.

“So, ako po, naka-focus ako na mas marami akong matutulungan kung may mga ordinansa akong magawa para sa ikabubuti ng mga kasamahan ko sa Distrito Sais. Malaking bagay na po yun sa akin.”

GORGY RULA

Matagal nang adhikain ni Ali na tumulong sa mga bata.

Continue reading below ↓

Ani Ali, “Nagpapa-feeding po ako. Minsan, nagbibigay po ako ng mga school supplies.

“Kasi po, kung napanood po ninyo yung Pinoy Big Brother stint ko po… may mga times sa buhay po namin na dinanas po namin yung kahirapan.

“Minsan, isang beses lang kami nakakakain sa isang araw. Minsan, hindi po ako nakakapunta sa school, kasi kulang yung pamasahe ko.

“Dumating pa nga po sa point na yung mga kaklase ko, binibigyan ako ng piso-piso para lang makauwi ako at makakain ako sa school.

“So, mostly po talaga, yung advocacy ko, nakatuon sa mga kabataan.”

Wala ni isang pulitiko sa pamilya ni Ali. Siya pa lang ang sasabak.

“Nung una po, ang sabi sa akin ng tatay ko, kung ready ba ako na tahakin yun. ‘Maduming landas yun!’ sabi niya.

“Ang sabi ko, ‘Alam mo, ‘Tay, siguro para sa kanila, maduming landas. Pero kasi ako, iba yung goal ko. Iba yung tinitingnan ko, e. Hindi ko iniisip kung ano yung makukuha ko dito, e, kundi kung ano yung maibibigay ko.’

Continue reading below ↓

“Dahil hindi naman ako pulitiko, sabi. Tapos, sabi nila, ‘Kung iyan ang gusto mo, susuportahan ka namin.’

“So, masaya po ako na yung mga magulang ko, at mga kapatid ko, ay nakasuporta sa akin,” lahad pa ni Ali.

NOEL FERRER

Good luck, Ali! Basta, ingat ka lang sa politika at sa mga alyansa. Sana, hindi ka malinya sa mga nababalitang nagdodroga o pumapatay ng prangkisa ng media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ali Forbes on running for councilor in Quezon City in 2022 elections: “Kung ano man po ang mangyari, masaya ako. Kasi, araw-araw po, parang nagcha-charity ako. So, ako po, naka-focus ako na mas marami akong matutulungan kung may mga ordinansa akong magawa para sa ikabubuti ng mga kasamahan ko sa Distrito Sais. Malaking bagay na po yun sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results