Therese Malvar, na-heartburn dahil sa pagpigil ng iyak

by PEP Troika
5 days ago
therese malvar broken blooms
Therese Malvar co-stars with Jaclyn Jose and Jeric Gonzales in the upcoming film Broken Blooms.

JERRY OLEA

Na-heartburn si Therese Malvar dahil sa isang eksena sa pelikulang Broken Blooms, na idinirek ni Louie Ignacio.

“Mahilig kasi si Direk sa ‘pigil iyak’ acting, kaya ayun, dahil sa pagpipigil ko ay nauwi sa heartburn. Hahaha!” lahad ng multi-awarded young actress nitong Nobyembre 22, Lunes, via Messenger.

“Pero nairaos naman yung eksena at chineck naman ako ng medic before and after the take. Hahaha!”

Mapaghamon ang papel ni Therese sa Broken Blooms bilang 20-anyos na si Cynthia, asawa ng 23-anyos na si Jeremy (Jeric Gonzales) at meron nang anak.

“Nakakapanibago na I get to do roles like these now,” pag-amin ni Therese.

“Medyo mahirap of course since hindi talaga ako marunong humawak o kargahin ang isang bata. Ha! Ha! Ha!”

For sure, bongga ang mga eksena nila ni Jaclyn Jose na gumanap bilang biyenan niya.

“I just felt so honored and mesmerized by Ms Jaclyn’s presence. Super galing niya talaga sa mga eksena namin,” saad ni Therese.

Continue reading below ↓

“She makes sure that the scenes are perfectly executed and very real. I learned a lot just by observing her work.

“Grabe, the best talaga mga adlib niya sa eksena.”

Kumusta si Jeric bilang leading man?

“Super maayos. In fairness talaga sa kanya, kasi nag-initiate siya ng conversations para mas maging komportable kami sa isa’t isa,” tugon ni Therese.

“From the intimate scenes to the dramatic ones, nagtutulungan talaga kami. Para talaga kaming mag-asawa sa mga eksena.

“Tsaka magaling siya umarte. Give na give. Abangan niyo talaga.”

Nagwaging best actress sa Cinemalaya 2018 filmfest si Therese para sa pelikulang School Service na idinirek ni Louie Ignacio. Katabla niya ang sarili para sa pelikulang Distance na idinirek ni Perci Intalan.

Ganun pa rin ba ang pakikipagtrabaho niya with Direk Louie? O level up dahil mature na ang role niya rito compared before?

“Mother ko talaga si Direk Louie, e, hahaha! I’m happy that as I’m returning ulit sa screen, si Direk Louie ulit yung makakasama ko,” sabi ni Therese.

Continue reading below ↓

“Grabe yung gabay na binigay niya sa amin. Thankful ako na siya yung naging director ko sa isang role na mature and ‘daring.’

“Ang laki talaga ng tiwala ko sa kanya kaya sinusunod ko talaga mga pinapagawa sa akin sa set because I know he makes the scenes look its best.”

Ang iba pang pelikula kung saan nagwagi ng acting award si Therese ay Ang Huling Cha Cha ni Anita (2013), Hamog (2015), at Ilawod (2017).

GORGY RULA

Ang bata pa ni Therese, nakakaranas na siyang magka-heartburn!

Naalala ko nun kay Lorna Tolentino na nalamang may sakit pala siya sa puso pagkatapos ng mga iyakan sa mga nagawa niyang pelikula.

Kaya nung ginagawa niya ang teleseryeng Minsan Lang Kitang Iibigin kasama si Coco Martin, ingat na ingat siya sa mga drama scenes, at talagang nagpapahinga siya pagkatapos para hindi maapektuhan ang kanyang puso.

Kaya okay na sa kanya ang magkontrabida kay Coco rin sa FPJ’s Ang Probinsyano para bawas na ang iyakan.

Continue reading below ↓

Si Therese ang isa sa pinaka-promising young actress sa ngayon. Kaya niyang magbida na inaapi, at keri rin niyang magkontrabida.

Sana mabigyan siya ng magandang break ng GMA-7.

NOEL FERRER

Totoo, ang bata niya para magka-heartburn. Baka naipon lahat ng emosyon sa loob niya, aya ayun, sa eksena nag-manifest.

Totoo rin, sana mabigyan siya ng break kung saan magiging household name siya bilang isang tunay na magaling na aktres.

Ingat lagi, Teri!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Therese Malvar co-stars with Jaclyn Jose and Jeric Gonzales in the upcoming film Broken Blooms.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results