Paolo Contis, nag-react kung "as a friend" pa rin sila ni Yen Santos; LJ Reyes, deadma sa nega

by PEP Troika
5 days ago
Paolo Contis with Yen Santos, LJ Reyes in New York
Paolo Contis, "wapakels" sa netizens na binabatikos ang birthday dinner date niya kasama si Yen Santos (left). LJ Reyes (right), nagbahagi ng update sa kanyang buhay sa New York via Instagram Live
PHOTO/S: @paolo_contis / Nice Print Photo via @lj_reyes Instagram

GORGY RULA

“Wapakels!” ang sagot sa akin ni Paolo Contis nang sinabi ko sa kanyang buhay na naman ang bashers dahil sa kontrobersiyal na IG story nila ni Yen Santos.

Laugh emoji lang ang sagot sa akin nang kinumusta ko ang kontrobersiyal na dinner nila.

Tila manhid na ang Kapuso actor sa mga sinasabi laban sa kanya. Grabe raw kung makapanghusga.

"Ang lilinis nila!" text niya sa akin kapag natatanong ko tungkol sa mga bashing na nakakarating sa kanya.

Kaya hindi na lang daw siya nagbabasa ng comments sa kanyang Instagram account.

Noon pa man ay sinasabi na ni Paolo na tanggap niya ang mga bashing kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang aktor.

"Kung ma-bash ka dahil sa acting ko, di ba? Kasi, artista ako, e. Naniniwala ako na we should be judged by our profession," bahagi ng pahayag ni Paolo sa nakaraang mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon.

Continue reading below ↓

Labas na sa trabaho ni Paolo ang personal niyang isyu, kaya hindi na namin kinukulit kung hindi pa siya kumportableng pag-usapan ito.

Nagpapasalamat na lang siya dahil maganda ang feedback sa I Left My Heart In Sorsogon.

Nung Sabado, November 20, ang last taping day nila. Kahit pagod, masaya raw silang lahat sa kinalabasan ng drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap.

Pinuri ang acting niya bilang si Mikoy sa serye.

Nung Sabado rin pala lumabas ang IG story ng dinner niya na ang kasamang naka-tag ay si Yen.

Kaya biniro ko siyang "as a friend” pa rin ba ang ka-dinner niyang yun? Laugh emoji uli ang sagot sa akin.

NOEL FERRER

Habang ‘yan ang ganap kay Paolo ay nag- IG live naman si LJ Reyes nung Biyernes ng gabi, November 19.

Nasa school daw mga anak niya kaya may time siyang makapag-IG live para ma-promote ang mga produkto ng Wonder Jane na ibinebenta niya online.

Continue reading below ↓

Umiiwas si LJ sa mga personal na tanong, lalo na pagdating sa mga isyu. Ayaw raw niya ng nega.

May nagtanong din kung ready na ba siyang ma-in love uli. Sabi ni LJ, lagi naman siyang in love—sa family at sa Panginoon.

Sinasabi rin niyang kapag ipaubaya lahat sa Panginoon, hindi ka magkakamali.

Napansin din ang eyebags niya. Natatawa na lang si LJ dahil sa dami raw ng ginagawa niya sa online business niya at pagtulong sa coffee shop ng mommy niya, kinukulang siya sa tulog.

Nae-enjoy daw niya ang kanyang ginagawa sa coffee shop ng mommy niya sa New York, kahit halos maghapon daw siyang nakatayo.

Nakakatuwa raw lalo na kapag may mga Pinoy silang customers.

Babalik pa ba sa pag aartista si LJ? Sa tingin ko, oo naman, babalik din iyan.

Marahil hindi pa ngayon, pero sa takdang panahon.

JERRY OLEA

Nang lumipad si LJ pa-New York kasama ang dalawang anak, nag-alimpuyo ang emotions ni Paolo.

Continue reading below ↓

Nag-Baguio ang Kapuso actor, at sinamahan siya ni Yen. Nang mag-birthday dinner si Yen, sinamahan naman siya ni Paolo—as a friend.

Marami pa ring tanong na nagsasalimbayan sa ating diwa at balintataw.

Susunod pa ba si Paolo kay LJ sa New York, lalo pa’t kaarawan ng aktres sa Pasko? Babatiin ba ni Paolo si LJ ng Merry Christmas mas and Happy Birthday, too, or something to that effect?

Kailan kaya magdi-dinner muli together sina Paolo at Yen—sa Valentine’s Day, o sa International Friendship Day sa Hulyo 30, 2022?

At kung manonood sila ng sine together, ano ang panonoorin nila—Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals, Venom: Let There Be Carnage, No Time To Die, The Matrix Resurrections, Kunwari Mahal Kita, o kung ano man?

Siyempre, mas makabubuting maging WAPAKELS na lang tayo sa mga usaping ito.

Super support na lang tayo sa I Left My Heart In Sorsogon at sa iba pang projects ni Paolo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis, "wapakels" sa netizens na binabatikos ang birthday dinner date niya kasama si Yen Santos (left). LJ Reyes (right), nagbahagi ng update sa kanyang buhay sa New York via Instagram Live
PHOTO/S: @paolo_contis / Nice Print Photo via @lj_reyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results