Maalindog na artista, nawala sa eksena dahil nagdadalantao

by PEP Troika
5 days ago
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Noong wala pang COVID-19, napapaghalatang nasa interesting stage ang isang aktres kapag bigla siyang nawala sa isang programa nang walang malinaw na dahilan.

Andiyan ang leading lady na biglang tumanggi sa maaaksyong eksena, at ang pralala ay mag-aaral charing-charing sa ibang bansa.

May kung anu-anong drama at palusot ang preggy beauty na ang ending, mapapatunayang echoserang froggy pala siya. Sa tamang panahon o pagkakataon, inaamin na nagluwal siya ng sanggol.

Nang lumaganap ang pandemya, naiba ang scenario. Maraming artista ang nawalan ng trabaho at napilitang magpahinga.

Kaya naman yung iba, nagugulantang na lang tayo sa pagsisiwalat na meron na pala silang supling na pinapasuso.

May isang maalindog na artista na nagbida sa isang mapangahas na pelikula. Pinag-usapan ang pagganap niya, at maraming nahalina sa kanyang kariktan.

Kataka-taka at nakakahibang na hindi nasundan ang kanyang proyekto.

Kung iyong mga kasabayan niya ay may follow-up projects agad-agad at tila nag-aagawan sa pagiging reyna, prinsesa, tsarina o dukesa ng mga pelikulang pito-pito, ang maalindog na artistang ito ay nanahimik na lang sa sulok ng kanyang mundo.

Continue reading below ↓

Na-impress ang isang movie producer sa kanyang akting, at kinakitaan siya ng potensiyal na sumikat nang lubos. Gusto siyang kunin ng movie producer para sa isang makabuluhang proyekto.

Napailing na lang ang movie producer nang sabihin sa kanyang hindi pa available ang maalindog na artista dahil ito’y tisbun.

GORGY RULA

Hindi pa siya nagmarka sa showbiz, naunsyami na ang career. Sana mabigyan pa siya ng chance kapag gusto niyang bumalik.

Wala na tayong magagawa kung hanggang doon na lang ang showbiz career niya. Pero malay natin, baka itong baby na dinadala niya ang magbibigay ng suwerte sa kanya.

Naalala ko noon, pagkatapos manalo ni mestisang aktres sa isang talent-reality show, paulit ulit siyang pinaalalahanan ng dating manager na mag-ingat sa pakikipag-boyfriend.

Sinabihan siyang huwag na huwag ibigay lahat sa magiging boyfriend niya. Tinuruan pa siya ng ibang sexual acts para hindi lang siya mabuntis.

Tingin ko naman, sinunod ng mestisang aktres ang paalala ng dating manager dahil keri niyang makipagtikiman sa mga boylet niya na safe at di nabubuntis.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Buti na lang, blind item ito dahil mas may value ito na blind item na lang.

Kasi naman, ang pagbubuntis ang inatupag ng baguhang ito, na imbes na tumatak siya sa parte, tinatakan na siya sa ibang paraan.

Hayyyyy….

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results