Showbiz ipinagluluksa ang pagkamatay ng veteran TV director na si Bert de Leon

by PEP Troika
5 days ago
bert de leon death
Nagbigay-pugay ang ilang showbiz personalities sa veteran TV director na si Bert de Leon, na pumanaw nitong Linggo, November 21, sa edad na 74.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

JERRY OLEA

Ipinagluluksa ng mga taga-showbiz ang pagpanaw ng veteran TV director na si Bert de Leon nitong Nobyembre 21, Linggo, sa edad na 74.

Kabilang sa TV shows na idinirek niya ang Eat Bulaga, Bubble Gang, Pepito Manaloto, Okay Ka, Fairy Ko, Iskul Bukol, T.O.D.A.S., The Sharon Cuneta Show, VIP with Vilma Santos, at iba pa.

Narito ang Facebook posts ng ilan sa mga kaibigan at nakatrabaho niya sa industriya…

DIREK JOSE JAVIER REYES: "You were always kind. You were always supportive of others. You were always strong at heart, remaining positive and hopeful. You have always remained a friend to your peers. You will be loved and remembered always, Direk. Have a safe trip home to the waiting arms of our Father. Goodbye, Direk Bert de Leon."

CHUCKIE DREYFUS: "So many wonderful memories with Direk Bert. Siya ang naging director ko sa napakaraming TV shows like Hapi House. Para ko na rin siyang tatay sa industriya sa dami ng pinagsamahan namin. Napakahusay na direktor; napakabuting tao at kaibigan. Napakalaki niyang kawalan sa industriya at sa mga taong nakilala siya ng mabuti. Nakikiramay po ako sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Salamat po sa lahat lahat, Direk Bert de Leon. I will miss you. Rest in peace."

Continue reading below ↓

JOSHUA ZAMORA: "You will always be in our hearts Direk Bert de Leon I will always be grateful working with you, learning many things and sharing moments and just Laughing out loud sa mga eksena natin sa 1For3 with Bosing, Osang, Aiai and my Mommy Nanet Inventor. RIP my Kumpare."

EAT BULAGA: "Maraming salamat sa mga alaala… At sa saya na kasama kang naghatid mula Batanes hanggang Jolo…"

Continue reading below ↓

SENEDY QUE: "You were among the first to pray for my dearest Papang's recovery and among the first to comfort me when he passed away two years ago... I will always cherish the times that we worked together in TV programs, musicals and specials through the past decades. Your love for life (and making the most out of it while you can) will always be an inspiration to me…"

ARNELL TAMAYO: "Maraming maraming salamat po sa lahat lahat DIREK Bert de Leon mula pa sa OK KA FAIRY KO days natin na nasundan ng mga iba pa, napakabait nyo po sakin, hanggang sa ngayon po hindi pa rin po ako makapaniwala. Our condolences sa lahat ng mga nagmamahal at mahal ni DIREK…"

KAT DE CASTRO: "You always had a warm smile every time we’d cross paths. You are so loved by many. Rest in peace Direk Bert de Leon."

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Ang nakakalungkot pa rito, ang tagal ding nakaratay sa hospital ni Direk Bert. Umabot pa sa nagpa-fundraising para sa kanya, hindi rin pala niya ito malagpasan.

Ilang beses ko ring nakatsikahan si Direk Bert sa sitcom dati ni Vic Sotto na 1-4-3. Madalas pa ako doon sa set nila kaya minsan ay nag-e-extra pa ako.

Ang cool niyang katrabaho at ang saya lang kapag kasama siya sa tsikahan. Mami-miss si Direk Bert sa telebisyon at malaking kakulangan siya sa industriya.

Bert de Leon interment details

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Isang napaka-cool, magaan, at masayang kasama sa trabaho si Direk Bert de Leon.

Mahilig din siya sa musika at simpatiko talaga kaya madalas naming nakakantiyawan siyang maggitara at kumanta, kasi magaling din siya sa music talaga.

He also mentored a lot people at para na siyang tatay-tatayan ng Side A Band. Ang huling kanta niyang nailabas sa Spotify ay ang "A Brand New Start" kasama ang Side A member na si Joey Benin.

Kaya naman ang ginawa naming kanta ni Joey na nataong natapos sa pagkamatay ni Direk Bert, inihahandog namin ang "Puso ng Pasko" para sa direktor at kaibigan naming mahal.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay-pugay ang ilang showbiz personalities sa veteran TV director na si Bert de Leon, na pumanaw nitong Linggo, November 21, sa edad na 74.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results