Boobay, madalas mapagkamalang production assistant sa shooting ng Broken Blooms

by PEP Troika
4 days ago
boobay broken blooms
Boobay on showing a different side of him in the indie film Broken Blooms (right, with Jeric Gonzales): "Masusi akong nag-internalize. Sobrang inilayo ko rito yung makikita si Boobay. As in ibang character ito from the usual na nakikita ng mga tao sa The Boobay and Tekla Show at sa ibang shows na nilalabasan ko, at yun din yung advice sa akin ni Direk Louie Ignacio na sobrang supportive sa aming lahat."
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram

JERRY OLEA

Medyo nanibago si Boobay sa pag-atake sa role bilang Buday sa pandemic film na Broken Blooms.

Sa istorya, si Buday ay isang parlorista na may unrequited love sa pamilyadong si Jeremy (Jeric Gonzales).

“Masusi akong nag-internalize. Sobrang inilayo ko rito yung makikita si Boobay,” pahayag ng gay comedian nitong Nobyembre 23, Martes, via Messenger.

“As in ibang character ito from the usual na nakikita ng mga tao sa The Boobay and Tekla Show at sa ibang shows na nilalabasan ko, at yun din yung advice sa akin ni Direk Louie Ignacio na sobrang supportive sa aming lahat.

“Hindi ako nakapang-Boobay na outfit dito, as in ibang-iba ang aura ko dito, kaya palagi akong napagkakamalang production staff. Hi! Hi! Hi!”

Sa storycon ng Broken Blooms, nagulat daw si Jeric nang aminin niyang may pagnanasa siya sa Kapuso hunk. Pero OK lang iyon kay Jeric.

Kumustang katrabaho si Jeric sa pelikula?

Continue reading below ↓

“Siyempre, alam naman natin kung kaano kalakas ang sex appeal niya, pero lalo pa ako humanga kay Jeric Gonzales dito,” lahad ni Boobay, na Norman Balbuena sa totoong buhay.

“Kasi, kapag kaeksena mo na siya, hindi mo talaga kakikitaan ng kahit kaunting Jeric Gonzales. So, alam mo talaga na dedicated siya sa lead role na ibinigay sa kanya.”

Co-stars niya sa pelikula ang multi-awarded na sina Jaclyn Jose at Therese Malvar. May shining moment din ba siya?

“Iyan yung isa pang ipinagpapasalamat ko, kasi nagkaroon ako ng chance makasama sina Miss Jaclyn Jose at Therese Malvar, pati si Royce Cabrera, mga award-winning actors,” tugon ni Boobay.

“Sobrang nakaka-pressure pero sobrang supportive nila, as in! Tungkol sa shining moment, super-grateful kami kay Direk Louie Ignacio, kasi, lahat kami dito… as in lahat, binigyan niya ng moment talaga.

“Bawat character, mayroong scene kung saan maraming makaka-relate.”

broken blooms

Continue reading below ↓

Boobay (extreme right) with Broken Blooms co-stars Therese Malvar and Jeric Gonzales, director Louie Ignacio, and producer Ferdy Lapuz

Meron bang “broken” sa kanya? At meron bang nagbu-“bloom”?

“Broken? Siguro, meron. Kasi, kaka-end lang ng nine-year relationship ko sa partner ko pero na-accept ko naman na baka may ibang nakalaan talaga sa kanya at sa akin,” pag-amin ni Boobay.

“At saka baka need nating mag-focus sa mas importante pang pangyayari sa life natin kagaya nga nitong opportunity na ibinigay sa Broken Blooms.”

Sa last shooting day nila noong Nobyembre 20, Sabado, sa Angeles City, namudmod ang movie producer nila ng ang pao bilang Christmas gift. Ano ang ginawa niya sa datung… ipinamigay ba niya or what?

“Ay, yes! Naloka kami sa aming producer na si Engr. Benj, napaka-generous. Napaaga ang Xmas party namin,” sabi ni Boobay.

“Nagulat kami sa ibinigay niya. Agad ko yung pinambili ng mga kailangan ng fur babies ko!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang sarap naman nun! Maagang Pamasko nga!

Napaka-hardworking nitong si Boobay noon pa man, lalo na sa mga hosting raket niya. This time, ibang facet naman sa kanyang pagka-artist ang susubukan.

Good luck, Boobay! Your hard work should be rewarded.

Basta ingat lang, at ‘wag kakalimutan at pababayaan ang health, ha!

GORGY RULA

Kailangan suportahan ang mga bagong producer kagaya ng BenTria Productions. Nakakatuwang namumuhunan sila sa gitna ng pandemya, kaya may dagdag trabaho sa movie industry.

Curious lang ako, paano ipu-promote ang pelikulang ito? Okay lang bang ibenta ang paghuhubad ni Jeric, pati si Royce o ang kakaibang role na ginampanan ni Boobay

Paano kaya ang tandem nina Jeric at Therese? Ano naman kaya ang pasabog ni Therese sa pelikulang ito?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on showing a different side of him in the indie film Broken Blooms (right, with Jeric Gonzales): "Masusi akong nag-internalize. Sobrang inilayo ko rito yung makikita si Boobay. As in ibang character ito from the usual na nakikita ng mga tao sa The Boobay and Tekla Show at sa ibang shows na nilalabasan ko, at yun din yung advice sa akin ni Direk Louie Ignacio na sobrang supportive sa aming lahat."
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results