Pogilicious actor at passionate actress, nagliligawan pa lang daw kahit naghahalikan na

by PEP Troika
4 days ago
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nakaka-deja vu ang pralala-lala ng dalawang artista na kesyo nasa courting stage pa lang sila at getting to know each other better char-char-char.

Nag-i-induce iyon ng resonance, o convergence sa mga beterano sa showbiz. Historic occurence, 'ika nga.

Ang eklay ni pogilicious actor at passionate actress ay nagliligawan pa lang sila, kahit may mga saksi kung gaano kainit ang halikan nila sa mga nakaw na sandali.

Bago pa sumabak sa isang reality contest ang passionate actress ay meron na siyang boyfriend. Naghiwalay sila nang magkaroon ng konting pangalan ang passionate actress.

Naka-move on agad ang passionate actress at nagkamabutihan sila ng kasabayan niyang masigasig na aktor. Pero tila naghihilahan sila pababa, kaya minabuti nilang wakasan ang kanilang romansa de pataranta.

Saka naman natisod ni passionate actress ang pagliyag ng pogilicious actor, na makulay rin ang buhay pag-ibig. Pinagbulung-bulungan noon ang episodes ni pogilicious actor at ng isang kilalang female personality.

Continue reading below ↓

Ang ganitong scenario ay naganap na sa local showbiz mahigit dalawang dekada na ang nakaraan.

Ang eklay noon ng pa-tweetums na young actress ay nililigawan pa lang siya ng dakilang young actor.

Naghimutok ang dakilang young actor sa pagde-deny ng pa-tweetums na young actress. Isiniwalat ng dakilang young actor na nilapastangan na ng kanyang hinlalato ang katuray ng pa-tweetums na young actress, pero sa lagay palang iyon ay hindi pa sila magkasintahan?!

Nagkahiwalay kapagkuwan ang pa-tweetums na young actress at dakilang young actor. Sa ngayon ay kapwa sila maligaya sa kani-kanyang pamilya.

E, ang ligawan ng pogilicious actor at passionate actress, hahantong kaya sa dambana… o pupulutin sa kangkungan?

GORGY RULA

Minsan, ang ganyang may kalandiang taglay ay nagmamarka sa showbiz.

Malay natin, mapansin diyan na ang daming nagnanasa sa passionate actress. Ang di lang maganda, yun agad ang image nitong passionate actress — madaling magpalit ng boyfriend.

Mukha naman siyang talented. Maayos naman ang performance niya at matino siyang umarte.

Continue reading below ↓

Itong si pogilicious actor lang ang dapat paghusayan pa ang acting. Medyo kulang at kailangan pa ng pag-aaral para hindi lang pa-cute at pagdi-display ng abs ang kayang gawin.

Marami ang humuhulang hindi magtatagal ang relasyon nila.

Mukha naman silang seryoso sa kanilang career, kaya iyon muna sana ang atupagin nila bago ang love life.

Siguro i-enjoy na lang muna nila ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa.

NOEL FERRER

Parang mananatiling Da Hu ang pogilicious actor at passionate actress kapag harutan ang inatupag nila kaysa sa kilalanin sila bilang magagaling na artista.

Mahirap hulaan pero puwedeng subukan.

Iyong dakilang young actor at pa-tweetums na young actress ay kapwa fortysomething na ngayon.

May maayos nang pamilya ang dakilang young actor. Yung pa-tweetums noon na young actress ay nakakaeskandalo ang mga balita nowadays sa kanya kaugnay sa hunk actor na nasa kalendaryo pa ang edad.

Sana matagpuan na ni pa-tweetums noon na young actress ang totoong katuwang niya sa isip, sa salita, at sa gawa!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results