Mang Tani, payag makipagsanib-puwersa kay Kuya Kim para sa weather report ng GMA News

by PEP Troika
4 days ago
kuya kim & mang tani
Mang Tani (right) on possible collaboration with Kuya Kim (left): "Nagbabago ang takbo ng panahon. Posibleng sa ngayon hindi, pero sa mga susunod na panahon makita ng mga boss ng GMA na 'pagsamahin kaya natin ang dalawang ito,' may posibilidad na yun."
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram

GORGY RULA

Bukas ang resident weather presenter ng GMA-7 na si Nathaniel Cruz, o mas kilalang si Mang Tani, sa ideyang magkatuwang na sila ni Kim Atienza sa pagbibigay ng weather report sa GMA News.

Kuwento sa akin ni Mang Tani nang nakasabay ko siyang mag-guest sa Eat Bulaga! nung nakaraang linggo, tinawagan siya ng head ng I Am Ready na papasok na sa GMA News si Kuya Kim, pero hindi raw weather ang ire-report nito.

Natuwa raw si Mang Tani sa pagiging Kapuso ng dating weather reporter ng ABS-CBN.

Kuwento niya, “Kilala ko kasi si Kim, kasi nung siya ay nagsisimula pa lamang, I was in PAGASA.

“Siya’y nagsisimula pa lamang bilang weather reporter ng ABS.

“Actually, napakatagal na panahon, tinuruan ko siya at dun ko na-realize habang siya ay nagre-report, yung acknowledgement na lagi niyang sinasabing ‘at ayon sa PAGASA’, so yun ang taong tumatanaw ng utang na loob.”

Continue reading below ↓

Sinabi ni Mang Tani sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! na bukod kay Amado Pineda, si Kuya Kim ang isa sa mga weather reporters na hinahangaan niya.

Kaya sakaling maisip ng GMA-7 na magkaroon sila ng collaboration ni Kuya Kim sa weather reporting, okay na okay sa kanya.

Ani Mang Tani, “Alam niyo, sa ganitong klase ng business, anything goes. Puwedeng sa ngayon ay hindi, puwedeng sa susunod baka kaming dalawa na ang nagre-report ng weather.

"Pero magandang teamwork naman yun.

“Yun lang naman ang ano, e, as long as ang ibinabalita, yun ang official PAGASA information. Yun kasi ang mahalaga, e.

“Nagbabago ang takbo ng panahon. Posibleng sa ngayon hindi, pero sa mga susunod na panahon makita ng mga boss ng GMA na 'pagsamahin kaya natin ang dalawang ito,' may posibilidad na yun.

“Kasi, nung ako’y nagsisimula, meron ako actually katambal na babae, that was 2012. Kaya nga lang, hindi siya nagtagal.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Natuwa raw si Mang Tani nang nagkita sila ni Kuya Kim sa GMA-7 nung pagdating niya galing ng Australia.

Sa mga interview ni Kuya Kim, lagi rin siyang nagbibigay ng pagpapahalaga sa naituro sa kanya ni Mang Tani, bagay na nilinaw namin sa GMA-7 noong inayos namin ang paglipat ni Kim.

Kapuso, kasama, katuwang, kaibigan, hindi kalaban o kaagaw sa trabaho ang intensiyon.

Bagay na ipinagmamalaki ng GMA-7 kay Kuya Kim na napakagaan katrabaho kaya kahit sa station promo plugs, bida siya alongside the Kapuso poste ba, like Alden Richards.

Pagpapatuloy ni Mang Tani, “Nung nagkita kami ni Kim, sabi niya ‘Alam mo, Mang Tani, napakabiglaan itong mga nangyayari. Sinabihan ako, then nandito na ako.’”

Pero ang maganda niyan, sa pag-welcome kay Kuya Kim, sa News and Public Affairs man o pati na sa Mars Pa More, nandun talaga ang suporta ni Mang Tani.

JERRY OLEA

Kung mag-decide si Mang Tani na manirahan na sa Australia kasama ang pamilya niya, pwedeng kay Kuya Kim na raw niya iiwan ang pagbibigay ng weather report.

Continue reading below ↓

“Alam mo itong COVID 19 na ito, itong pandemic? Alam mo, ito’y pagising o wake-up call na again darating sa puntong ang pinakamamahal mo pa rin ang pamilya,” lahad ni Mang Tani.

“Kapag magkakalayo kayo at nangyari ito, napakahirap. Katulad ng nangyari sa amin na gustung-gusto ko nang umuwi noon, hindi ako makauwi at naghihintay ang pamilya.

“Posible na ang unang piliin mo ang pamilya at tingnan natin kung ano ang mangyayari. Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos.

“Sa akin, I welcome that. Alam naman nating naging tagumpay naman ang pagiging weather reporter ni Kim sa ABS.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mang Tani (right) on possible collaboration with Kuya Kim (left): "Nagbabago ang takbo ng panahon. Posibleng sa ngayon hindi, pero sa mga susunod na panahon makita ng mga boss ng GMA na 'pagsamahin kaya natin ang dalawang ito,' may posibilidad na yun."
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results