Magkasintahang hunk actor at young actress, hindi nagpapansinan

by PEP Troika
4 days ago
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Marami na ang nakakapansing hindi nagpapansinan ang magkasintahang hunk actor at young actress.

Matagal-tagal na ang kanilang relasyon at ang sweet-sweet nilang dalawa before. Hindi lang namin alam kung ano ang dahilan ng deadmahan nilang dalawa.

Matagal na rin silang hindi nagkikita dahil pareho silang naka-lock-in taping. Kaya walang nakakaalam kung ano ang pinag-awayan nila, at mahigit dalawang linggo na silang di nagkikibuan.

Kinukulit si aktor kung ano talaga ang problema, pero hindi raw ito nagsasalita.

Inaasahan ng ilang taong malapit sa dalawa na magkaayos na sila at hindi ito matuloy sa breakup.

Kahit sa magulang ni hunk actor ay hindi raw nito sinasabi kung ano ang problema nilang magkasintahan. Hinihintay daw nila sa nalalapit na birthday ni hunk actor kung darating si young actress para maki-birthday.

NOEL FERRER

Love, if it’s true, should be greater than any challenge.

Hindi man hayagan ang relasyon, gusto ko itong dalawang taong ito. I feel them, and yes, I wish for them to succeed.

Continue reading below ↓

Sana, whatever happens, manatili silang mabuti sa isa’t isa. Lalo pa’t sa puntong ito, parang kailangan nila ng suporta.

Wait and see tayo. Pero honestly, ipinagdarasal ko itong dalawa.

JERRY OLEA

Kung kailan lumalamig ang ihip at simoy ng hangin, saka naman nanlamig ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Marami nang pagsubok ang pinagdaanan nila, at pakiwari natin ay handa ang hunk actor na magsakripisyo, kinadyot man ng malas ang kanyang career… alang-alang sa young actress.

Ilang kandirit pa at magkakaalaman na kung pinapahalagahan pa ng young actress ang pagliyag ng hunk actor.

Kung minsan ay sadyang mapagbiro ang panahon at tadhana, at may mga kaganapang hindi agad natin matanggap at maunawaan.

Anong malay natin, baka ang kirot at saklap ay kailangan nilang lasapin at yakapin, upang bumuhos ang inaasam nilang biyaya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results