Paolo Contis, nairita sa tsismis na si Yen Santos ang nagbayad ng dinner date nila

by PEP Troika
3 days ago
paolo contis yen santos
“Una sa lahat, hindi ako nagka-card. Kasinungalingan ‘yan. Tapos, pinatulan naman ng iba,” himutok ni Paolo Contis tungkol sa lumabas na report sa isang tabloid kung saan sinabing si Yen Santos daw ang nagbayad ng dinner date nila noong kaarawan ng aktres.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA

Halatang irita si Paolo Contis nang nakaka-text ko para tanungin tungkol sa lumabas sa ibang diyaryo na si Yen Santos daw ang nagbayad nang nag-dinner sila noong Sabado, November 20, para i-celebrate ang kaarawan ng aktres.

Isinulat sa isang tabloid na na-decline ang credit card ni Paolo kaya si Yen daw ang nagbayad.

“Sino ba nagsulat?” tanong niya sa akin.

Nakarating raw sa kanya ang mga pinagsasabi ni Xian Gaza sa Facebook. May sinabi pa si Xian na nung nag-check out sina Paolo at Yen sa isang hotel, doon daw na-decline ang credit card ng Kapuso actor.

“Una sa lahat, hindi ako nagka-card. Kasinungalingan ‘yan. Tapos, pinatulan naman ng iba,” himutok ni Paolo.

Ayaw na lang daw niyang pahabain pa ang usapin.

Pero sa pagkakaalam ko, may kinakausap nang abogado si Paolo kaugnay rito. Hindi ko lang tiyak kung si Xian Gaza ang bubuweltahan niya, dahil napupuno na raw siya sa mga pinagsasabi nito.

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalala ko, itong si Xian din yata ang nagkalat noon na nagda-drugs daw si Paolo at sinasaktan ang mga bata nung sila pa ni LJ Reyes. Puro kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi nito, kaya dapat lang daw na bigyan ng leksyon.

Minabuti kong huwag nang isulat ang iba pang pinagsasabi ni Paolo dahil alam kong dala lang ito ng sobrang galit niya.

Napakalma ko lang siya nang sinabi kong marami ang natutuwa sa I Left My Heart in Sorsogon at pataas nang pataas ang rating nito, base sa datos ng AGB Nielsen Philippines.

Nung nakaraang Lunes, November 22, ay naka-14.1% ito, habang 11.6% naman ang combined rating ng katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano.

Nung araw na yun din bumalik ang The World Between Us, na naka-11.4%. Ang katapat nitong Viral Scandal ay naka-3.3%.

JERRY OLEA

Noong Nobyembre 23, Martes, ay iyon pa ring I Left My Heart In Sorsogon ang teleseryeng pinakapinusuan ng televiewers.

Continue reading below ↓

Maituturing ba natin na sina Heart at Paolo ang kasalukuyang reyna at hari ng Kapuso primetime?

Nasa Netflix na rin ang Beauty-Contis film na iZla. Zombie comedy ito nina Beauty Gonzalez at Paolo Contis, kasama sina Isabelle Daza, Elisse Joson, Archie Alemania, Analyn Barro, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, Niño Muhlach, at iba pa.

Hopia at asado tayo na magkaroon ng sequel ang pelikulang A Faraway Land na kinunan sa Faroe Islands, kundi man magtambal muli sina Paolo at Yen.

Bongga kung sa Baguio pa sila maglo-location, di ba?

NOEL FERRER

Sana’y makatulong pa ang kontrobersiya ni Paolo sa pagtaas ng ratings ng I Left My Heart In Sorsogon lalo pa’t lalabas na ang character ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta this Friday sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaabang-abang iyon kasi mismong mga kasamahan niya sa trabaho ay all praises kay Shawie.

Mukhang hiyang si Sharon agad sa set at okey na okey sa lahat na magtagal siya sa longest-running teleserye ng bansa.

Continue reading below ↓

“November 26 na po ang simula ko sa FPJ’s ANG PROBINSYANO!!! Kita-kits po!!!” Sharon said in a post on Facebook and Instagram account as she shared a moody video teaser featuring her character Aurora, who is said to have a major impact in Cardo Dalisay’s (Coco Martin) life and his ongoing quest to protect the country.

Continue reading below ↓

Sharon also posted photos of her with co-stars Tirso Cruz III, Direk Malu Sevilla, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, Angel Aquino, Rowell Santiago, Michael de Mesa, Coco Martin, Julia Montes, John Estrada, at siyempre, family picture ng Pamilya FPJAP.

Nag-caption si Sha, “We are such a happy family here. Where has this show been all my life?!! I wish I could’ve joined sooner but what I will do is thank the good Lord for bringing this show to me and making me a part of it!!! “Sana ‘di matapos ever ang show na ito! Happy na ako dito forever!!!!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Una sa lahat, hindi ako nagka-card. Kasinungalingan ‘yan. Tapos, pinatulan naman ng iba,” himutok ni Paolo Contis tungkol sa lumabas na report sa isang tabloid kung saan sinabing si Yen Santos daw ang nagbayad ng dinner date nila noong kaarawan ng aktres.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results