John Lloyd Cruz, walang Christmas vacation ngayong 2021; Maja Salvador, planong dalawin ang ina sa Canada

by PEP Troika
Nov 26, 2021
john lloyd maja endorsements
Kung si Maja Salvador ay nagbabalak dalawin ang ina na nagtatrabaho sa Canada ngayong Kapaskuhan, trabaho naman muna ang focus ni John Lloyd Cruz na nagbabalik-showbiz sa pamamagitan ng isang Kapuso sitcom.
PHOTO/S: Jollibee / Beautederm

JERRY OLEA

Work-work-work muna si John Lloyd Cruz, kaya wala siyang Christmas vacation.

Ito ang naibahagi sa amin ng manager niyang si Rambo Nuñez nitong Nobyembre 25, Huwebes ng hapon, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Sinamahan ni Rambo ang kasintahang si Maja Salvador sa launching ng aktres bilang endorser ng health boosters line na Reiko at Kenzen ng Beautederm.

Magkatuwang sina Maja at Rambo sa Crown Artist Management, kung saan si John Lloyd ang prime talent.

Sabi ni Rambo, dire-diretso ang trabaho ni John Lloyd. Tinatapos daw ng aktor ang first cycle ng taping ng Kapuso sitcom nito.

After the first cycle, sasalang si Lloydie sa media launch ng One True Pair The Movie nila ni Bea Alonzo sa Nobyembre 30, Martes. Mag-i-streaming iyon sa Disyembre 1, Miyerkules, sa YouTube channel ng Jollibee Studios.

Pagkatapos nun ay balik-taping si John Lloyd sa Kapuso sitcom.

Kung si Maja ay nagbabalak dalawin ang ina na nagtatrabaho sa Canada ngayong Kapaskuhan, trabaho muna ang focus ni John Lloyd.

“Nag-apply po ako ng Canadian visa, kasi yung visa ko, nag-expire na,” kuwento ni Maja sa face-to-face mediacon ng Beautederm.

“Medyo matagal po kasi ngayon yung processing. So, ang plano namin ay pumunta doon, of course, sa mama ko.

“Kasi, ang nanay ko, ayaw pong mag-off. Akala ko, may benteng anak na pinapaaral. Sayang daw po yung kikitain niya ngayong Pasko.

“So, yung mga anak ang pupunta. Maghihintay po kami hanggang first week ng December, pero kung hindi kami mabigyan ng Canadian visa, baka sa U.S. kami pumunta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa ka-contemporary ni Maja ang bumuo na ng pamilya. Wala pa ba siyang planong magpatali kay Rambo na kung tawagin niya ay “love of my life”?

Napangiti si Maja, “Inaantay ko lang ibigay… ang ‘doorknob’ ni Miss Rei Tan. Pag ipinamana niya, aprub na aprub na.

“Ako na ang luluhod kay Rambo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Si Rei Tan ang CEO ng Beautederm, na kung biruin ay sinlaki ng doorknob ang diyamante sa alahas. Willing ang birthday girl na si Rei na magninang sa kasal nina Maja at Rambo, kahit siya pa ang sumagot sa reception.

rei tan maja salvador beautederm

Two years na ang friendship nina Maja at Rei na parehong Ilokana.

Lately lang kinuha si Maja na endorser, at ang tanong agad ng aktres ay pang-ilang endorser siya ng Beautederm. Ang sagot… ika-76!

Maliban kay Maja, endorser din ng Reiko at Kanzen ang young actress na si Andrea Brillantes.

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

All the best kina Lloydie at Maja & Rambo na kaibigan natin noon pa man.

Masaya ako na inaalagaan nila ang isa’t isa, at aligned ang mga values nila at kita mo ang suportahan talaga!

I would also expect na magkaroon ng Maja-Lloydie movie na sila na ang leads. Nagkasama na sila dati pero third wheel noon si Maj sa John Lloyd-Bea tandem.

Parehong premyadong artista at parehong may Urian sina Maja na hindi lahat meron, ha!

Again, all the best kina Lloydie, Maja & Rambo!

GORGY RULA

Hindi agad nakasagot si Maja nang tinanong kung magiging brand ambassador din kaya si Lloydie ng Beautéderm.

Hindi kaya may pag uusap na lalo na't nandiyan na si Bea Alonzo? Hindi malayong mangyari iyan.

Marami pa raw ginagawa si John Lloyd, pero malay natin baka magulat na lang tayo, maglu-launch na rin siya ng sariling line sa naturang produkto.

Tuluy-tuloy na ang sitcom ni John Lloyd sa GMA 7, at kinukulit na raw siya ni Ma'am Annette Gozon-Valdes na magpelikula na siya sa GMA Films kasama si Bea. Kaya tingnan natin kung ano pa ang aabangan natin kay John Lloyd.

Curious lang ako kung natanggal na ba ang picture ng dating Kapamilya actor sa hallway ng ABS-CBN. Baka magkaisyu pa yun kagaya ng katatanggal lang na litrato ni Bea.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung si Maja Salvador ay nagbabalak dalawin ang ina na nagtatrabaho sa Canada ngayong Kapaskuhan, trabaho naman muna ang focus ni John Lloyd Cruz na nagbabalik-showbiz sa pamamagitan ng isang Kapuso sitcom.
PHOTO/S: Jollibee / Beautederm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results