Archie Alemania, tanggap na "under de saya" sa asawang si Gee Canlas

by PEP Troika
Nov 26, 2021
gee canlas archie alemania couple
Wala raw problema kay Archie Alemania kung magmumukhang "under de saya’"siya dahil talaga naman daw under siya ng asawa niyang si Gee Canlas. Kung ano raw ang ikinaliligaya ng asawa niya ay ibibigay niya kahit magmukha siyang katawa-tawa at under de saya.
PHOTO/S: @geecanlas on Instagram

GORGY RULA

Walang pakialam ang komedyanteng si Archie Alemania na tatawagin siyang "under de saya."

Kapansin-pansin sa ilang TikTok post ng asawa niyang si Gee Canlas na isinasama siya roon at ang iba ay tinitilian siya. Sunud lang nang sunod si Archie na ang dating ay parang takot ito sa dyowa.

“Totoo naman po yun, e,” mabilis na sagot ni Archie nang sinasabi ko sa kanyang mukhang ‘under de saya’ siya ni Gee.

Sabi naman ni Archie, walang problema sa kanya kung magmumukhang ‘under de saya’ siya dahil talagang under daw siya ng asawa niya. Kung ano raw ang ikinaliligaya ng asawa niya ay ibibigay niya kahit magmukha siyang katawa-tawa at "under de saya."

“Mas nakakatuwa nga po kasi kaya mas nae-enjoy naming mag-asawa. Kung ano iyung ikinasasaya ng asawa ko, yun ang ibibigay ko,” saad ni Archie.

Continue reading below ↓

Sumingit naman si Michael V nang pabirong "under" talaga sila ng asawa nila.

“Happy wife, happy life,” napapangiting pakli ni Bitoy.

Sina Archie Alemania at Paolo Contis ang ilan sa nagdagdag ng mga patawa sa Bubble Gang na magsi-celebrate ng kanilang 25th anniversary ngayong Nobyembre 26, Biyernes.

May ilang sketches na medyo mahirap gawin dahil sa restrictions na kailangang sundin. Pero naitatawid daw nila na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood.

“Sa nakita ko, yung efforts nandun. Walang reklamo, walang angal. Para sa mga manonood at mga viewers, we did everything for them for this 25th anniversary,” sabi pa ni Archie.

JERRY OLEA

Patok sa Tiktok si Gee, at talent niya ang bilis na tumalak. Talakitok! Mabunganga!

Ang nakakatuwa pa kay Gee, parang doppelganger na siya ni Nanno (Chicha Amatayakul), ang pangunahing karakter sa Thai thriller series na Girl from Nowhere na streaming sa Netflix.

Nasa Netflix din ang zombie thriller film na iZla kung saan kasama si Archie bilang tour guide na si Entoy. Ang ka-partner ni Entoy sa kabulastugan ay si Badong, portrayed by Paolo Contis.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Naku, masayang andres de saya si Archie if ever!

Basta maayos si Archie, na mas gusto ang comedy kaysa drama sa relasyon after ng mga pinagdaanan niya.

Alam kong mahal na mahal niya si Gee at mahalaga yun!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala raw problema kay Archie Alemania kung magmumukhang "under de saya’"siya dahil talaga naman daw under siya ng asawa niyang si Gee Canlas. Kung ano raw ang ikinaliligaya ng asawa niya ay ibibigay niya kahit magmukha siyang katawa-tawa at under de saya.
PHOTO/S: @geecanlas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results