Andrea Brillantes, hindi isinuko ang showbiz career kahit noong may pinagdaanan

by PEP Troika
Nov 26, 2021
Andrea Brillantes
Inihayag ni Andrea Brillantes na may panahong gusto ng kanyang ina na isuko na niya ang showbiz. Pero aniya, "Ako yung inilalaban na, 'Hindi, e. Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years old.' And artista na ako noong seven years old ako... Dito ako lumaki. Ito yung buhay ko."

GORGY RULA

Mag-social media detox ang isa sa ipinapayo ng Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes sa mga kagaya niyang nasa Generation Z.

Ito ang sagot ni Andrea nang tinanong namin kung ano ang kanyang maipapayo sa mga kabataang kagaya niya na marami nang pinagdaanan sa murang edad.

Ini-launch ang Kapamilya young actress bilang bagong brand ambassador ng Beautederm sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City, nung nakaraang Huwebes, November 25.

Aminado si Andrea na malaki ang epekto ng social media sa kanilang mga kabataan.

Naranasan niya nang batuhin ng iba-ibang batikos ng bashers. Kaya mas mabuti raw na minsan ay mag-social media detox.

"Social media detox can really help. Kasi minsan, hindi natin alam kung gaano na tayo naaapektuhan ng social media ngayon, e.

"Kasi naiintindihan ko, wala naman tayong magagawa. Nasa sa kuwarto lang tayo.

"Ano pa ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter," pakli ni Andrea.

Dagdag niya, "We can workout, we can read books, we can talk more with our family members.

Continue reading below ↓

"Alam mo, may time tayo sa ating fans. We can create a new hobby, we can learn a new instrument.

"Kasi sometimes, ang social media, if it’s used in a good way, magiging maganda. Pero madalas kasi, hindi natin nakokontrol, e.

"Dahil dali-dali lang mag-type, ang daling magsabi ng negative comments sa kapwa. Kaya ang best advice ko is iwas na lang din, and alam ko naman, low-key tayo ngayong pandemic.

"So, it’s very important to keep close contact with your friends to keep you sane, and to your family members," saad ni Andrea.

Bilib ang Presidente at CEO ng Beautederm Company na si Rei Anicoche-Tan kay Andrea na ang bata pa ay nagpakita na ito ng katapangan at pagiging matatag sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

Isa raw iyun sa mga hinahanap nila nang piliin nilang endorser si Andrea ng bagong produkto nilang health boosters o supplements na Reiko at Kenzen.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bilang magulang, nag-react ang Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan sa pinagdaanan ni Andrea.

Ani Rei, "Kahit din po yung binata at dalaga ko, parang ayaw na pong mag-aral, dumating sila sa point na ganun.

"Kaya kinuha ko si Andrea para maging voice ng kabataan. Kasi, magse-set siya ng good example para sa kanilang lahat.

"Siya yung gusto kong kunin para ma-reach ko yung market na yun."

Sa showbiz career ni Andrea, may panahong halos sumuko na siya.

Ano ang na-realize niya ngayong isa na siya sa pinakasikat na young stars?

Napabuntong-hininga si Andrea, "Actually, it was never almost I gave up. I wanted to, but I kept on fighting.

"It was mostly my mom who wanted me to give up. Kasi, siya na yung nahihirapan para sa akin.

"Pero ako yung inilalaban na, 'Hindi, e. Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years old.' And artista na ako noong seven years old ako.

Continue reading below ↓

"So, ito lang yung alam ko sa life. Ito, dito ako lumaki. Ito yung buhay ko.

"So, kahit pabigay na ako, inilaban ko pa rin talaga."

Ipinagmalaki ni Andrea na sadyang matibay ang kanyang loob.

Patuloy niya: "And kung meron man isang bagay na pinaka-grateful ako, sa lahat ng dumating sa akin, is yung strength siguro na meron ako.

"Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi ako bumigay. Kasi, kung nag-give up ako, hindi ko rin mararating kung anong meron ako ngayon.

"At gusto ko rin magpasalamat siyempre sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin. Sa mga kaibigan ko na pinalakas ako, and of course, sa Diyos."

Nais ni Andrea na ibahagi sa kabataang gaya niya na matutong maging matapang sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

"At nagpapasalamat ako dahil pinagdaanan ko pa rin ang lahat ng pinagdaanan ko. Kasi, kung hindi yun, hindi ako magiging kung sino ako today.

Continue reading below ↓

"At nare-realize ko kasi na lahat ng dumating sa buhay ko, meron akong natulungan.

"Lahat na pinagdaanan ko, meron mga kapwa Gen Z ko na nakikita na, ‘Kung kinaya niya, kaya ko rin.’

"So, masaya ako na isang inspirasyon ako sa generation ko."

Ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

Tugon ni Andrea, "Malayo pa po. Malayo pa po yung pangarap ko estado ko ngayon sa buhay.

"Marami pa po akong gustong maibigay sa pamilya ko, sa sarili ko. Marami pa po akong gustong patunayan sa lahat ng tao, sa fans ko."

Sana raw ay bumalik na sa dati na maaari nang magtipon-tipon.

Dagdag ni Andrea: "Siyempre, ngayon na pandemic, miss na miss ko na sila. Actually, ngayon, sa work ko na hindi puwede ang mall show, sobrang limited lahat ng puwede mong gawin, feeling ko nga, naka-pause pa lahat, e.

"Naiipon lahat ng gusto kong ibigay. So, feeling ko, pag natapos na ‘to—hopefully, matapos na ‘to—gusto ko sana, ang dami kong gustong ibigay na pagmamahal sa fans ko.

Continue reading below ↓

"Andaming na-reserve na energy sa akin, e. So, malayo pa po. Meron pa akong sampung taon para gawin ko lahat ng gusto ko."

NOEL FERRER

Nagagandahan talaga ako kay Andrea dati pa. At alam niyang maganda siya at lapitin ng boys. Kaya ingat lang… ingat, Andrea.

Sabi nga ni Andrea, "Never ka dapat maging too dependent sa isang bagay. Masyado na kasing naging dependent ang generation ko with social media. Na nakakain na rin kami ng social media.

"I admit, may times na pag pagod na pagod na ako, nagti-TikTok lang ako buong araw, buong oras.

"Pero pag trabaho, iniiwas ko talaga. Recently, nag-detox ako sa Messenger, sa Facebook. Umiwas lang for ako a bit. Tapos, bumalik din ako.

"Minsan, kailangan mo din na humiwalay sa mga bagay na nao-overwhelm ka para maging mas healthy ka as a person."

Buti naman. Kasi, hindi lahat ng bagay nasa social media. Actually, mas marami ang wala.

Continue reading below ↓

Basta sana hindi umabot sa punto na parang MMFF 1990 movie ni Ate Guy… Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?

Dapat, mala-Andrea Bautista sa Dang-Dong (1980) muna siya na wholesomely enjoying her youth!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihayag ni Andrea Brillantes na may panahong gusto ng kanyang ina na isuko na niya ang showbiz. Pero aniya, "Ako yung inilalaban na, 'Hindi, e. Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years old.' And artista na ako noong seven years old ako... Dito ako lumaki. Ito yung buhay ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results