Paolo Contis, may komento sa annulment case nila ni Lian Paz at akusasyong pinababayaan niya ang mga anak

by PEP Troika
Nov 27, 2021
paolo contis i left my heart in sorsogon
Paolo Contis: “Ayoko na lang sagutin ‘yan pagdating sa mga anak ko. Hindi naman sila kasali sa isyu. Pero huwag naman sana nilang husgahan ang pagiging ama ko. Wala naman silang alam. Basta ako, magtatrabaho na lang."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Magkakasunod na laugh emojis ang sagot sa akin ni Paolo Contis nang tinext ko nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 27, na siya na talaga ang "Netflix King."

Nagulat ako nang sinilip ko sa Netflix Philippines at nasa number one trending ang pelikulang Izla nila nina Beauty Gonzalez, Elisse Joson, Isabelle Daza, Archie Alemania, at Niño Muhlach.

Hindi gaanong napansin ang pelikulang ito nang ipinalabas sa KTX. Parang ang bakla pa ng pamagat na Izla kaya na-curious tuloy akong panoorin ito.

Ewan ko kung nakatulong ba ang hindi mamatay-matay na isyu ni Paolo kaya lalo siyang pinapanood.

Pero maingat pa rin ang Kapuso actor sa mga sagot niya sa akin. Ang gastos nga niya sa emoji.

Hiningan ko siya ng reaksiyon sa sinabi ng estranged wife niyang si Lian Paz na gusto na niyang maayos ang kanilang annulment case para makamit na nito ang kalayaan.

“Ongoing naman ang case, e. Sobrang na-delay lang because of the pandemic,” matipid na sagot ni Paolo sa akin.

Continue reading below ↓

Ayaw na raw niyang patulan ang mga sinasabi ng ibang bashers na pinababayaan niya ang kanyang mga anak dahil abala siya kay Yen Santos.

May dalawang anak na babae si Paolo kay Lian, at isang anak na babae sa dati niyang partner na si LJ Reyes.

Sabi ng Kapuso actor, “Ayoko na lang sagutin ‘yan pagdating sa mga anak ko. Hindi naman sila kasali sa isyu.

"Pero huwag naman sana nilang husgahan ang pagiging ama ko. Wala naman silang alam. Basta ako, magtatrabaho na lang."

Nagpapasalamat naman si Paolo sa mga nanood ng Izla sa Netflix at nag-number one ito.

Natutuwa rin daw siya sa mga magagandang feedback s Kapuso primetime series na I Left My Heart in Sorsogon, na consistent na mataas ang rating.

“Basta kinarir ko 'yan, lalo na sa ending,” text niya uli sa akin.

NOEL FERRER

Okey naman ang move ni Lian na mag-file ng annulment para ilagay na sa ayos ang buhay nito.

Continue reading below ↓

Na kay Paolo na lang talaga ang kargo kung sinusuportahan niya ang anak niya kay Lian man o LJ — at hindi niya kailangang mag-explain kaninuman kahit sa publiko ukol dito. Personal na bagay na iyon.

Okey namang magtrabaho na lang nang magtrabaho si Paolo, pero sana, sa prosesong ito ay mahanap din niya ang kanyang sarili para ma-break ang pattern ng pagkakamali sa mga relasyon.

Yung sa kanila ni Yen, hayaan na natin sila. Matatanda na sila. At friends naman sila.

JERRY OLEA

Masuwerte ang kumbinasyong Beauty-Contis sa nasabing zombie comedy.

Hindi natin naramdaman nang mag-streaming iyon sa KTX, pero pagdating sa Netflix, number 1! Kinabog ang Hellbound.

Teka! Totoo bang dalawang bersiyon ang kinunan na ending ng I Left My Heart in Sorsogon?

Totoo rin ba na nagtataka si Paolo sa kung anu-anong pinagsasabi ni Nay Lolit sa online show para inisin lang siya?

Deadma lang daw si Paolo, dahil kilala daw niya si Nay Lolit na kung anu-ano ang mga sinasabi tungkol sa kanya. Huwag na lang daw sanang pik-apin ng kung sinu-sinong bloggers.

Continue reading below ↓

“Bakit ba gustung-gusto ni Nay Lolit na inisin ako?” tanong ni Paolo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis: “Ayoko na lang sagutin ‘yan pagdating sa mga anak ko. Hindi naman sila kasali sa isyu. Pero huwag naman sana nilang husgahan ang pagiging ama ko. Wala naman silang alam. Basta ako, magtatrabaho na lang."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results