Maymay Entrata, kabogera ang hanash sa Mpowered concert; MayWard, magbida pa kaya sa teleserye?

by PEP Troika
Nov 28, 2021
mayward love team
Maymay Entrata: "Masayang-masaya ako na bumangon ako, andito ako ngayon, at tanggap ko ang best version ko ngayon na Maymay. May ibang Maymay na ngayon! Hindi iba… pero yung best version na ako." Left photo shows Maymay with love team partner Edward Barber.
PHOTO/S: ABS-CBN / Joseph Pascual for PEP.ph

JERRY OLEA

Kabogera ang hanash ni Maymay Entrata sa digital concert niyang Mpowered na nag-streaming nitong Nobyembre 26, Biyernes ng gabi, sa KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.

Emote ni Maymay, “Gusto ko pong magpasalamat ng maraming-marami pong salamat sa inyong lahat.

“At sa Panginoon, thank you dahil talagang nabigyan Niya ako ng talento na kung saan ay maibabahagi ko po sa inyo, at patuloy Niya akong ginawang inspirasyon sa ibang tao.

“I feel empowered ulit ngayon at hindi na yata ito matatapos, at hindi ko yata siya hahayaan na mawala sa akin.

“Kasi, gusto ko lang sabihin sa inyo na na-felt ko po yung unang feeling ng empowered nung finally, nasabi ko na sa sarili ko na… tanggap ko na yung buong pagkatao ko.

“Ahhm, tanggap ko na yung kakayahan ko, at yung weaknesses ko. At umabot po talaga dun sa puntong tanggap ko na kung ano ako ngayon, at kung ano ako dati.

Continue reading below ↓

“Yung mga pagkakamaling nagawa ko, yung mga past na kung saan SOBRANG SAKIT, tapos hindi ko alam kung saan ako lulugar para maging okay ako.

“Pero yun nga, sinave ako ng Panginoon. At sa huli, choice talaga natin kung gusto nating bumangon.

“At masayang-masaya ako na bumangon ako, andito ako ngayon, at tanggap ko ang best version ko ngayon na Maymay. May ibang Maymay na ngayon!

“Hindi iba… pero yung best version na ako, at yun ay enough na sa akin kaya yun ay nagbigay talaga sa akin ng confidence po talaga na kung saan ay… ahhmm… kung saan ay naging confident po ako sa mga abilidad ko.

“At siyempre, makapagbigay ng pagbabago din sa mga taong naranasan yung mga mahihirap na sitwasyon katulad ko.

“At ayun, habang buhay ako, andito ngayon, hangga’t andito yung ABS-CBN na sumusuporta sa akin at naging tulay ng aking pangarap na patuloy akong magbigay ng kasiyahan, inspirasyon at pag-asa…”

Continue reading below ↓

Pinasalamatan kapagkuwan ni Maymay ang mga Kapamilya na naniniwala at nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Guests ni Maymay sa Mpowered concert sina Nyoy Volante, Darren Espanto, Mimiyuuh, at AC Bonifacio.

Pagkatapos mag-premiere screening ang digital concert ay may Zoom after-party with Maymay, hosted by DJ Jhai Ho and Edward Barber.

GORGY RULA

Big winner si Maymay Entrata sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 (Hulyo 2016-Marso 2017).

Runner-up doon si Kisses Delavin; third placer si Yong Muhajil; at fourth placer si Edward Barber.

Nabuo kapagkuwan ang MayWard loveteam nina Maymay at Edward.

mayward pep

Continue reading below ↓

Disyembre 2019 ini-announce ng ABS-CBN na magbibida ang MayWard sa teleseryeng Heart to Heart, at magti-taping pa sana sila sa Japan.

Pebrero 2020 nang mapabalita na ipinagpaliban ang taping ng nasabing teleserye dahil lumalaganap na ang COVID-19, kaya may travel restrictions.

Abril 5, 2020 naglabas ng magkaparehong pahayag sina Maymay at Edward para sa kanilang fans, na hindi sila magkakaroon ng relasyon sa totoong buhay, pero mananatili raw silang “best of friends.”

Bunsod ito ng condo issue, kung saan nadawit ang isang magandang dalaga.

Mayo 5, 2020 nawala sa ere ang ABS-CBN nang mag-expire ang prangkisa nito.

Hulyo 10, 2020 pinatay ng Kongreso ang franchise ng ABS-CBN.

Enero 1, 2021 nag-streaming ang MayWard movie na Princess DayaReese sa KTX at iWant TFC, maging sa PPV channels ng Cignal at SkyCable. Nag-showing din ito sa ilang sinehan na nasa MGCQ areas.

Mayo 19, 2021 humingi ng paumanhin sina Maymay at Edward sa isa’t isa, sa finale episode ng digital show ni Edward na Kuwentong Barber.

Continue reading below ↓

Magbibida pa kaya sa teleserye ang MayWard? Si Edward kaya, empowered din

NOEL FERRER

Nasa punto na siguro sa career nina Maymay at Edward na mag-grow sila as artists at gawin nila ang mga gusto at magaling nilang gawin—hindi yung nakasanayan nilang pagpapa-sweet lang.

Nag-click ang tambalan nila bilang opposites attract pero gusto nating makita kung paano nila mapapalalim ang kanilang artistry at pagkatao kahit hindi nila laging kasama ang isa’t isa.

Oh well, magandang itanong sa mga audience, what does Maymay really stand for?

Sana, malinaw ang branding na iyan sa kanyang Mpowered concert and consistently after.

HOT STORIES

Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata: "Masayang-masaya ako na bumangon ako, andito ako ngayon, at tanggap ko ang best version ko ngayon na Maymay. May ibang Maymay na ngayon! Hindi iba… pero yung best version na ako." Left photo shows Maymay with love team partner Edward Barber.
PHOTO/S: ABS-CBN / Joseph Pascual for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results