Shido Roxas, nagpasalamat na babae na ang kahalikan sa pelikula

by PEP Troika
Nov 28, 2021
shido roxas ali forbes nelia
Is Shido Roxas more comfortable doing kissing scenes with a woman, like Ali Forbes (right) in Nelia? "Hindi naman po sa hindi comfortable. But since I’ve done it twice, parang enough na siguro ako roon. Kumbaga, let’s try naman yung bago. Kaya ngayon, ang ginagawa kong roles, mga kontrabida roles," he replies.

GORGY RULA

Nagpapasalamat ang aktor na si Shido Roxas dahil babae na ngayon ang nakakahalikan niya sa pelikula.

Kasama si Shido sa Metro Manila Film Festival 2021 entry ng A&Q Production Films na Nelia, na pinagbidahan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing.

May mainit na love scene daw siya rito kay Ali Forbes, na may mahalaga ring role sa naturang pelikula.

Ang ganda ng ngiti ni Shido nang naka-lunch namin nung Sabado, November 27, sa Supersam, Sct. Rallos St., Quezon City dahil babae na ang kahalikan niya at hindi na lalaki.

Nasalang si Shido sa bonggang laplapan with Ross Pesigan sa MMFF 2018 entry na Rainbow’s Sunset.

Nag-lips-to-lips silang muli ni Ross sa 2020 iWant mini-series na Beauty Queens, kung saan una niyang nakatrabaho Winwyn.

shido roxas ross pesigan beauty queens

Continue reading below ↓

Shido Roxas and Ross Pesigan in a scene from Beauty Queens

May ilang projects pang inalok kay Shido na may makakahalikan siyang kapwa aktor, pero mabuti at hindi natuloy ang mga iyon. Pinakiusapan niya ang manager niyang si Leo Dominguez na kung puwede ay huwag na siyang bigyan ng project na may kahalikang lalaki.

At least dito sa suspense-thriller na Nelia ay si Ali Forbes ang kaharutan ni Shido, kaya happy siya.

Lahad ni Shido, “Everytime na my manager Tito Leo [Dominguez] would ask me… yung ano nga po, yung film last time. Tapos, actually, may series pa dapat na gagawin, e.

“Sabi ko, ‘Tito Leo, parang awa mo na, huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’ For two years, iyon ang sinasabi ko.

“Even before coming to showbiz, merong project na na-shelve. That was my only request, ‘Huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.’

“Okay lang yung hug, pero yung kissing scene, ayaw ko talagang ginagawa,” pagdidiin ni Shido.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Talap-talap ang laplapan nina Shido Roxas at Ross Pesigan sa MMFF 2018 film na Rainbow’s Sunset, kung saan gumanap silang young Eddie Garcia at young Tony Mabesa, respectively.

Ang galing-galing nila! Bigay na bigay! Natuwa ang direktor nilang si Joel Lamangan.

“Alam nyo po kung bakit ganun ang kinalabasan? Kasi, sinisindak kami ni Direk Joel,” kuwento ni Shido.

“Hindi raw puwedeng dayain. Pag hindi namin ginawa nang maayos, uulit-ulitin daw. So, ginawa na lang namin kesa ulit-ulitin, para minsan lang.”

Bakit hindi siya comfortable na makipaghalikan sa kapwa lalaki?

Paglilinaw ni Shido, “Hindi naman po sa hindi comfortable. But since I’ve done it twice, parang enough na siguro ako roon.

“Kumbaga, let’s try naman yung bago. Kaya ngayon, ang ginagawa kong roles, mga kontrabida roles.

“Kasi, they figured out na mas kaya ko yung kontrabida, yung masamang tao kaysa magpapa-boyfriend ako parati.

“Kasi, first film ko, boyfriend ako kay Erich Gonzales. Tapos, naging asawa ako ni Max Collins. Sa teleserye, naging boyfriend naman ako ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

“I was always this boyfriend. So, in order to harness, in order to grow, to broaden my craft, siguro it’s better na i-try ko naman ang iba.

“Pwede akong magsalbahe, pwede akong magwalang-hiya, pwede akong mag-squatter. Gusto ko, yung challenging talaga.”

Thankful si Ali Forbes kay Shido sa pag-alalay nito sa kanilang love scene. Gentleman daw si Shido.

“Siyempre naman po. Lahat naman po ako, gentleman, especially sa mga babae sa set. Siyempre, kailangan inaalagaan,” sambit ng aktor.

“Siyempre kami lahat, puyat-puyat din. The next day… actually, maganda yung pamamalakad sa lock-in shooting namin, e.

“Kasi, if we finish at 4:00 a.m., yung next call time namin kinabukasan, mga two o’clock na, three o’clock.

“So, we have ample amount of rest para charged up kami for the next shooting day.”

Si Raymond Bagatsing ang lead actor sa Nelia. Sakaling si Shido na ang leading man ng babaeng bida, hanggang saan ang kaya niyang gawin at ipakita?

Continue reading below ↓

“I can do butt exposure. Any, anything, because I’ve done that in a different film, guy-to-guy pa nga, e,” pagbuntong-hininga ni Shido.

Mas enjoy ba niya na girl ang kahalikan kesa kapwa lalaki?

“Siyempre naman!” mabilis na sagot ni Shido.

NOEL FERRER

Maayos at marunong magsalita si Shido Roxas na na-meet natin sa MMFF 2021 presscon noong Nobyembre 12, Biyernes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Tungkol sa isyung buntis si Winwyn Marquez, ang sabi ni Shido, “Walang etchos ‘to. Hindi talaga ako ma-showbiz na tao. Minsan, may mga artista na hindi ko talaga kilala.

“During the MMFF announcement, when the press were asking, nasa stage po kami, asan daw po si Winwyn, sabi ni Tito Lhar Santiago.

“Hindi ko po alam kung nasaan po si Winwyn, kasi wala po talaga akong alam sa showbiz happenings.

“Kasi, nagbabasa lang ako sa PEP, yung mga trending, yun ang nakikita ko, yung social media.

Continue reading below ↓

“Pero about Winwyn naman, I do not have any idea. You can see it through my eyes, wala po akong idea talaga.”

shido roxas winwyn marquez nelia

Shido Roxas and Winwyn Marquez

Nagpasabi raw si Winwyn sa produksiyon na a-attend siya sa presscon ng Nelia. Mabuti at tutulong si Winwyn sa promo ng pelikula nilang Nelia.

Continue reading below ↓

Pero ganun pa rin ang tanong, nasaan nga ba siya?

Busy at may scheduling problems nga ba kaya hindi niya nasamahan sina Shido, Raymond Bagatsing at Juan Carlos Galano nang mag-promote ang mga ito noong Nobyembre 19 sa Manila K-Town Cha-Cha-Cha Fest 2021 sa Remedios Circle, Malate, Manila?

Marami nga bang ganap si Winwyn?

Siyanga pala, kasama rin si Shido sa pelikulang Caught in the Act na nakatakdang ipalabas sa Disyembre 15.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Shido Roxas more comfortable doing kissing scenes with a woman, like Ali Forbes (right) in Nelia? "Hindi naman po sa hindi comfortable. But since I’ve done it twice, parang enough na siguro ako roon. Kumbaga, let’s try naman yung bago. Kaya ngayon, ang ginagawa kong roles, mga kontrabida roles," he replies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results