Heart Evangelista, nag-host ng dinner para sa cast and crew ng I Left My Heart In Sorsogon

by PEP Troika
Nov 29, 2021
heart evangelista endorsement
Pagkatapos ng lock-in taping ng kanyang primetime series na I Left My Heart In Sorsogon ay lumipad sa Amerika ang Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa isang photo shoot.

GORGY RULA

Lumipad patungong Amerika si Heart Evangelista nung Linggo, November 28, para sa isang photo shoot at may mga aasikasuhin din siya roon. Hindi lang idinetalye ng kampo ni Heart kung ano ang commitment niya roon.

Pero natuwa ang Philippine TV’s Sweetheart dahil bago siya umalis ay natapos niya ang I Left My Heart in Sorsogon, na isa sa pinakagusto niyang drama series na nagawa.

Pagkatapos ng lock-in taping ay nag-host pa siya ng dinner para sa co-actors niya at production staff dahil talagang nag-bonding sila sa ilang buwang lock-in taping.

Inilunsad na rin ni Heart ang bagong business venture niya kasama ang kapatid na si Camille Ongpauco, ang beauty and wellness products ng Pure Living International.

“I thought that this is the best way to… you know, come up with the company that it isn’t just help you looking and feeling healthy and being good about everything.

“I wanted to have something that empower people that don’t have work now, or even mothers at home.

Continue reading below ↓

“Especially here in our country sa Pilipinas. Pag may anak ka, parang expected ka na yun lang ang gagawin mo, walang iba.

“I want to remind people especially mothers at home… So, mabibigyan natin ng pagkakataon na magkaroon ng business yung mga moms na nasa bahay and actually be their own boss and be successful by coming up with a company that presents really really good products,” pahayag ni Heart.

Kinikilig pa si Heart na kinuwento sa aming bahagi rin ng Pure Living ang sikat na Korean actor na si Ji Chang Wook, na siyang nag-e-endorse ng Vitasense.

Nagkita at nagkakilala raw sila sa Singapore para ma-finalize ang endorsement sa naturang produkto.

NOEL FERRER

At least, Heart is one of the artists na alam niya ang gusto niyang gawin.

Mapa-showbiz, business, at kahit sa pagiging artist niya, she sees to it na nagmamarka siya at meron siyang ambag sa mga larangang pinapasukan niya.

Continue reading below ↓

All the best to you, Heart! Your chosen fields are very good venues to support your husband’s public service career naman.

Balik na tayo ng Bicol, Tito Gorgs at Jerry!

JERRY OLEA

Rumaratsada sa ratings ang Kapuso primetime series na I Left My Heart In Sorsogon.

May domino effect siyempre ang mga iyan para sa career ng mga bidang sina Heart Evangelista at Paolo Contis.

Para kay Heart, more product endorsements. Para kay Paolo, more movie offers. Sa ngayon ay sila ang reyna at hari ng primetime TV.

Abang-abang tayo kung pupusuan si Richard Yap ng constituents-to-be niya sa Cebu come election time.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng lock-in taping ng kanyang primetime series na I Left My Heart In Sorsogon ay lumipad sa Amerika ang Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa isang photo shoot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results