Watch Now

Mon Confiado, iginiit na walang pinapanigan ang pelikulang Katips na tungkol sa martial law

by PEP Troika
Nov 29, 2021
mon confiado katips
Mon Confiado plays a police officer in the musical film Katips which is set during martial law.

JERRY OLEA

Bilang Lt. Sales, kinatawan ni Mon Confiado ang puwersa ng dictatorship ni Apo (Ferdinand Marcos) sa pelikulang Katips.

Kasagsagan ng batas militar noong 1970s ang setting ng pelikula, kung saan maraming aktibista ang nagbuwis ng buhay.

“Well, ako naman, yung pagtingin ko dun sa pelikula… wala akong nakitang… kumbaga, pinapanigan, e,” malumanay na sambit ni Mon sa mediacon noong Nobyembre 27, Sabado ng gabi, sa Gateway Cinema, Cubao, Quezon City.

“Kahit malinaw naman na panahon ni Marcos yun. Pero… parang ano lang din, parang yung mga historical films na ginawa ko…

“Like, yung Heneral Luna, di ba? Nagulat tayo, kontrabida pala si Aguinaldo. Even yung Goyo, ahh.. tuta pala si Gregorio del Pilar ni Aguinaldo.

“Dito kasi, nasa audience na kung paano nila titingnan. Kasi, ang importante naman dun, 'ika nga ni Direk Vince Tañada, ahhh… ipinakita natin yung totoong nangyari.

“Yun lang naman ang importante. Nangyari ba talaga ito o hindi? So, malinaw na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa history naman 'yan, e. Lagi namang may dalawang side ang history, e. So, depende na lang sa audience, depende sa tao kung paano nila ite-take.

“So, wala akong makitang political dun,” saad ni Mon, na mahigit 300 pelikula na ang nilabasan mula noong 1992.

mon confiado roles

Ang Katips ay sinulat, idinirek at prinodyus ni Vince Tañada, na isa rin sa mga bida ng musical film na Katips. Ang musical director ay si Pipo Cifra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Malaking challenge kay Mon Confiado ang project na ito dahil napasabak siya sa kantahan kahit hindi siya professional singer.

Kaya nakipagpalitan siya ng kantahan sa mga magagaling na singers at stage performers. Nakapag-stage siya noon, pero hindi nga lang musical.

“Yung mga plays na ginawa ko, straight play, e. Kaya nagulat ako… kaya nga in-approach ako ni Direk Vince to play the role, pero yun nga, may kanta daw.

“Kumakanta naman ako, may comedy bar kami, may sing-along, pero hindi professionally. So, napakalaking challenge.

“Nung pupunta na ako sa studio ni Sir Pipo…. sabi nila, medy naiiba yung kinu-compose na tono, pero okay pa rin naman. Tumatama.

“More than that, nung binasa ko yung script ni Direk, ano siya, stageplay ang format. Sa madaling sabi, karamihan ng mga lines dun, yung kanta,” saad ni Mon, na may butt exposure sa Katips.

katips movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sinasabi nina Direk Vince na hindi ito political, at walang pinapanigan ang pelikulang ito, hindi pa rin maiwasang magagamit ito laban sa kandidatura ng dating Senattor Bongbong Marcos.

Ayon kay Direk Vince, nasa mga manonood na lang daw kung paano nila ma-interpret ang pelikulang ito.

“Siguro nakadepende na lang kung paano nyo ma-interpret ang ginagawa ko na sining,” pakli ni Direk Vince.

“Sa palagay ko… ako mismo, hindi lang ‘yan adbokasiya sa paggamit ko sa eleksyon. Kaya nga I am trying my best na mag-no dun sa napakaraming Leni groups na they want me to utilize this form of art para sa indirect campaigning.

“Pero nag-no talaga ako, tatlo na yung grupo na hinindian ko. Kasi, ayoko nga magkaroon ng kulay.

“Kasi, baka sabihing prinodyus ito ng…wala nga silang naiambag. Kung meron man, sana, puwede di ba?” pabiro pa niyang hirit.

“This is not the yellow or the red. Kundi ito ay para sa mga nabiktima ng martial law na talagang nakausap namin. Ako mismo ay pamilya rin ng nabiktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito, ang mga tauhan dito, inspirasyon ito ng mga biktimang nakausap namin, e.

“Na sayang nga, tatlo na ang namatay dahil sa pandemic. Tatlo na ang namatay na mga Claimants 1081,” dagdag na pahayag ni direk Vince Tañada.

NOEL FERRER

Ano ba ang problema kung political? As we all learned, everything is political talaga.

I wonder when ipapalabas ang Katips, kung saan nasa cast din sina Jerome Ponce, Dexter Doria, Lou Veloso, Johnrey Rivas, Nicole Laurel Asensio, Dindo Arroyo, Patricia Ismael, Afi Africa, OJ Arci, Adelle Ibarrientos, Sachzna Laparan, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Carla Lim, Ricky Brioso, at JP Lopez.

Ideal playdate sana ang November 30, National Heroes Day.

Sana mabawi ng producers ang ipinuhunan dito dahil ang hirap bumawi sa pelikula lalo na sa panahon ngayon.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Confiado plays a police officer in the musical film Katips which is set during martial law.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results