Ruru Madrid, ni-request makatambal si Kylie Padilla sa isang proyekto?

by PEP Troika
Nov 30, 2021
kylie ruru encantadia
Muli bang masisilayan ng mga manonood ang tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid pagkatapos ng naputol nilang pagsasama sa Encantadia?
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Magtatambal bang muli sina “Amihan” at “Ybrahim/Ybarro”?

Ang nasabing characters ay ginampanan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa requel ng Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017).

Nagpaalam nang maaga si “Amihan” sa nasabing telefantasya dahil napuruhan siya ni “Machete” (Aljur Abrenica).

Nang matigil ang lock-in taping ng action-adventure series ni Ruru na Lolong — na next year na magre-resume — pa-guest-guest na lang muna ang Kapuso hunk actor sa iba’t ibang Kapuso program.

Ang nakakaintriga at nakakakilig na tanong… totoo bang ni-request ni Ruru na maka-partner si Kylie sa episode ng isang TV show kung saan panauhin siya?

Magbi-birthday na si Ruru sa Disyembre 4… kaya abang-abang tayo kung magaganap ba ang pagtatambal nilang muli ni Kylie!

GORGY RULA

May narinig nga kaming pagsasamahan nilang dalawa, pero walang katiyakan kung matutuloy dahil parang hindi pa raw ready mag-taping si Kylie.

Baka nga na-miss na rin ni Ruru si Kylie, at magandang ideya nga namang magtambal sila uli.

Continue reading below ↓

They have something in common ba? Pareho bang malungkot ang kanilang puso

NOEL FERRER

Excited ako sa mga puwede pang gawin ni Ruru Madrid sa kanyang career.

Habang nakabinbin ang pagre-resume ng taping ng Lolong, ang daming pinaghahandaan ni Ruru.

Kapapanalo lang niya sa Golden Trends Excellence Awards as Most Admired Actor and TV Host Of The Millennium, pero magugulat na lang ang mga tao sa hinahanda niyang content para sa mga supporters/followers niya. As in Level Up talaga!

Basta, gold standard ito — and with this — you’ll know what Ruru is made of!!! All the best, Ruru!!!

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muli bang masisilayan ng mga manonood ang tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid pagkatapos ng naputol nilang pagsasama sa Encantadia?
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results