Ian Veneracion, sinigurong hindi isyu ang network war sa Christmas with the Stars concert

by PEP Troika
Nov 30, 2021
Ian Veneracion on Christmas with the Stars
Ian Veneracion excited makasama ang OPM singers mapaka-Kapamilya man o Kapuso sa Christmas. Kabilang sa performers sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Christian Bautista, at Gary Valenciano. Co-host ni Ian si Ogie Alcasid sa online benefit concert.
PHOTO/S: CTTO / Instagram

JERRY OLEA

Nangamba ang masusugid na tagasubaybay ni Ian Veneracion nang maudlot ang paglabas niya sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba.

Kumusta na siya ngayon?

"Okay na okay naman po," nakangiting tugon ni Ian sa virtual mediacon ng Christmas with the Stars nitong Nobyembre 29, Lunes.

"Swerte naman dahil itong last year, andami rin namang trabaho.

"Yung mula Oh My Dad, then I did B & B with Iza Calzado for iFlix, and I also had yung Kilabotitos namin ni Tito Ogie.

"I also did a solo online concert, PajamaJam. And I was supposed to do, yun nga, nag-tape na ako for Huwag Kang Mangamba, pero hindi lang natuloy dahil sa problema sa airing and schedule problems.

"Yung role ko, sinalo naman ako, buti na lang, ni Brother Bo, ni Christopher de Leon, para dun sa role. And okay naman, saka maraming pinaplano…"

Naging abala naman si Ian sa paggawa ng mga kantang balak niyang i-release early next year.

Continue reading below ↓

"Nakagawa ako ng ilang songs. Meron akong ni-record na songs lately pero hindi ko pa nare-release. Baka early February i-release, baka ita-timing ko sa birthday ko, February 7.

"We’re looking forward to live performances. Kasi, ibang-iba talaga from the perspective of the performer sa stage, ibang-iba talaga yung nakikita mo na camera lang ang nasa harap mo kaysa sa live audience na nagre-react at para kayong nag-e-exchange of energies.

"So, iba talaga. Iba yung live talaga. So, ngayon namin lalong nami-miss yun. Hindi lang alam ng mga tao kung gaano kalaking bagay yun para sa nagpe-perform sa stage."

Ang Kilabotitos na sina Ian at Ogie ang hosts ng online fundraising concert na Christmas with the Stars, na mag-i-streaming sa Disyembre 11, Sabado ng 7:00 p.m., sa KTX.

Sanib-puwersa rito ang mga Kapuso, Kapamilya, at maging artists na hindi affiliated sa alinmang TV network.

Kabilang sina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, at Jose Mari Chan.

Continue reading below ↓

Kabahagi rin dito ang The Company, RJ de la Fuente, Krystle, Moira Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano, at Maestro Ryan Cayabyab.

Pahayag ni Ian: "Alam naman natin na minsan, it’s just friendly competition, you know, between networks, between productions. It’s just friendly competition.

"It’s healthy competition because it makes everyone work harder. Pero yun nga, sa mga panahon na ganito na medyo lugmok tayo, na medyo masama ang sitwasyon para sa lahat, it’s not time for competition.

"It’s just time for unity."

GORGY RULA

Kinumpirma na rin mismo ni Ogie Alcasid na meron nang mga pag-uusap sa mga promoter ng shows ng Kilabotitos sa ibang bansa. Hindi lang alam ni Ian ang buong detalye, pero pina-finalize na raw nila.

"Kailangan lang makuha yung final… hindi yung downpayment. Kailangan lang ma-close ang deals sa ibang bansa din," pakli ni Ogie.

Continue reading below ↓

Nae-enjoy na rin talaga ni Ian ang pagkanta at excited siya sa mga susunod na gagawin ng Kilabotitos, bukod sa kanilang Christmas with the Stars na fundraising concert.

Maganda ang samahan nila Ian at Ogie. Nagkakasundo silang dalawa, walang sapawan.

Sa pulitika lang silang may magkakaibang pananaw. Open si Ogie at hindi naman niya itinangging kay VP Leni Robredo ang kanyang suporta.

Ayaw naman ni Ian sumali rito. Hindi raw siya tatanggap ng endorsement sa kahit na anong partido sa pulitika.

Ayaw raw niyang mang-impluwensya o mag-sway ng opinyon o desisyon ng mga tao kung sino ang kanilang ibobotong lider ng bansa.

NOEL FERRER

Suportado natin ang mga ganitong events for a good cause, lalo pa’t ito ay para sa mga displaced workers sa live events circuit.

Salamat kina Ogie at Ian for being instruments ng pagbibigay ng ayuda kasama ang iba pang performers na nagbigay ng kanilang serbisyo for free.

Continue reading below ↓

And I’ll support this, lalo pa’t kasabay pa ito ng good deed ko sa aking birthday!!!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian Veneracion excited makasama ang OPM singers mapaka-Kapamilya man o Kapuso sa Christmas. Kabilang sa performers sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Christian Bautista, at Gary Valenciano. Co-host ni Ian si Ogie Alcasid sa online benefit concert.
PHOTO/S: CTTO / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results