Unang paglabas ni Sharon Cuneta sa Ang Probinsyano, kumusta ang ratings?

by PEP Troika
Nov 30, 2021
sharon cuneta heart evangelista
Megastar Sharon Cuneta (left) made her first appearance as Aurora in Kapamilya Channel's long-running primetime series Ang Probinsyano; GMA-7's I Left My Heart In Sorsogon, starring Philippine TV Sweetheart Heart Evangelista (right), continues to dominate the ratings game.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nagsimula nang mapanood si Sharon Cuneta sa long-running Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano nung nakaraang Biyernes, November 26.

Ayon sa AGB Nielsen, nakapagtala ito ng 9.4% combined ratings mula sa A2Z, TV5, Cinemo at Kapamilya Channel. Sumunod dito ang Marry Me, Marry You na nakakuha naman ng 4.6%.

Ang katapat ng Ang Probinsyano na I Left My Heart in Sorsogon ni Heart Evangelista sa GMA-7 ay nakakuha ng 12.3%.

Ini-establish pa lang naman ang karakter dito ni Shawie bilang Aurora, kaya tingnan natin kung tataas pa.

Tiniyak naman ng mga taga-I Left My Heart in Sorsogon na mas maganda ang mga susunod na tagpo. Sabi nga ni Paolo Contis, talagang kinarir nila ang karakter nila rito.

Samantala, tumaas ang rating ng 25th anniversary episode ng Bubble Gang nung Biyernes. Naka-4.5% ito, at 2.5% naman ang combined ratings ng La Vida Lena.

Nung Sabado, November 27, at Linggo, November 28, ay maganda ang ipinakita ng The Clash Season 4. Naka-13.3% ito nung Sabado, at tumaas sa 15.2% nung Linggo.

Continue reading below ↓

Matindi ang labanan nung Linggo kung saan pinili ang walong finalists na pawang magagaling. Nakakalungkot ngang nagpaalam na ang biritera ng Bulacan na si Fame Gomez na napakagaling pa naman.

Ang naiwang walong finalists ay sina Julia Serad, Mariane Osabel, Vilmark Viray, Lovely Restituto, Jeffrey dela Torre, Mauie Francisco, Renz Fernando, at Rare Columna.

Continue reading below ↓

Sumunod sa The Clash ang Kapuso Mo, Jessica Soho na medyo tumaas sa 17.9%.

Pasabog din ang guesting ni Kris Bernal sa The Boobay and Tekla Show na naka-4.6%.

Ini-rank ni Kris kung sino ang Top 1 hanggang 3 na pinakamagaling umarte sa mga kasabayan niya sa StarStruck 4.

Para sa kanya, number one si Paulo Avelino, pangalawa si Martin Escudero, at pangatlo si Aljur Abrenica.

NOEL FERRER

Sa lingguhang paglabas ng ratings, bumaba talaga ang mga nanonood ng TV.

Ang assessment is the loss of the ABS-CBN franchise made people watch less local, linear TV.

A lot of Philippine viewers used to be switchers between the two networks (ABS-CBN & GMA-7) during the long commercial gaps. Now, there's no other major channel to switch to.

GMA-7 increased its viewership but not by much.

TV5 and GTV increased their viewership but, again, not by much.

Sadly, TV lost a bunch of viewers (at hindi na free TV ratings na lang ang sukatan ng viewership and advertising)...

Continue reading below ↓

I am assuming na we lost those viewers to streaming sites, especially pirated streaming sites. Sad.

JERRY OLEA

Hindi naman siguro nakaapekto ang reopening ng local cinemas noong Nobyembre 10 sa TV ratings. Base kasi sa pagtatanung-tanong natin ay hindi pa talaga umaariba ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan.

Ewan ko lang kung sisipa na ang Eternals tomorrow.

Nabalitaan nating postponed ang theatrical exhibition ng Yorme: The Movie bukas, Disyembre 1, Miyerkules. Na-Eternals ba ito?

Bukas din ay mapapanood nang libre sa YouTube channel ng Jollibee Studios ang One True Pair The Movie na bida sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Sa Netflix, maraming inaabangang serye at pelikula. Sa KTX, ratsada ang mga concert. E, andiyan pa ang ibang streaming platforms.

Sa Vivamax nga, dalawang bagong pelikula nila ang magsasalpukan sa Disyembre 3, ang Dulo at Palitan.

Sa Disyembre 24, kabugan sa Vivamax ang Eva at Mang Jose (na streaming na sa Vivamax Plus).

Continue reading below ↓

As we have said time and again, walang katunggali ang GMA-7 pagdating sa TV ratings at commercial load. Kahit rerun o replay, wagi ang Kapuso shows sa puso ng televiewers at advertisers.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang ABS-CBN sa mga paandar at payanig.

Sa PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition, na-evict na si Kyle Echarri. Sumunod siya sa mga yapak nina John Adajar, Albie Casiño, at Chie Filomeno.

Sa Disyembre 4, Sabado ay kaabang-abang ang double eviction. Sino kaya kina Alexa Ilacad, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama ang dalawang mananatili, at dalawang mapapalayas sa Bahay ni Kuya?

Sa teleseryeng La Vida Lena na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, magbabago ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing).

Magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo. Papagitna sa kanila si Ramona (Janice de Belen) at ibubunyag ang katotohanang mag-ama ang dalawa.

Continue reading below ↓

Nakaka-shookt!

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta (left) made her first appearance as Aurora in Kapamilya Channel's long-running primetime series Ang Probinsyano; GMA-7's I Left My Heart In Sorsogon, starring Philippine TV Sweetheart Heart Evangelista (right), continues to dominate the ratings game.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results